Catherine's POV
Hay regular class nanaman. Pagkatapos ng saya eto pasukan nanaman. Pero buti nalang wala teacher namin ng first subject. Kaya pumunta muna ako ng canteen.
"Cathy." Alam ko na kung sino. "Alam mo umamin na ako kay Lovely nung prom " Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-anong sabi niya?"
"Ayaw niya eh. Kasi daw may mahal siyang iba. Kaya may plano ako at magagawa ko lang yon kung tutulungan mo ko. Tutulungan mo naman ako diba?" Tumango ako. "So ganito syempre ipapagood shot mo ako sakanya. Tapos parealize mo na ako talaga ang dapat para sakanya." Ang sakit.
"Oo naman. Sige tutulungan kita. Pero kapag after one month at wala pa ding improvements tama na ha. Para hindi ka na lang masaktan."
"Kung masasaktan man ako dahil kay Lovely ok lang yon. Atsaka alam ko naman na nandiyan ka lagi para sa akin eh."
"Oo naman. Pero paano kung bigla akong mawala?"
"Hmm malulungkot ako kasi wala ng tutulong lagi sa akin. Pero siguro ok lang."
"Aww napuwing ata ako. Sige ha CR lang ako." Agad agad akong umalis at dumiretso sa CR. Ang sakit. Sobrang sakit na malaman na kailangan ka lang niya. After one month kailangan kong tanggapin ang mga posibleng mangyari. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng CR sakto naman nakita ko si Lovely.
"Lovely!"
"Cath ikaw pala. Bakit?"
"What time pasok niyo?"
"8:30 pa. Bakit may kailangan ka?"
"Maaga pa naman. Pwedi pa tayong magkwentuhan diba. Namimiss na kasi kita eh."
"Ah oo naman. Tara doon tayo sa garden." Naglakad kami papunta sa garden.
"Hindi kita nakita nung prom. Sayang no. Alam ko naman na sobrang ganda mo nung gabi na yon."
"Ang dami kasi natin kaya siguro hindi tayo nagkita non. Ay siya nga pala, sabi ni Randrei sa akin gusto niya ko pero sabi ko may mahal akong iba kaya hindi ako pumayag na ligawan niya ako."
"Lovely masakit magmahal ng taong hindi ka mahal. Bat hindi mo bigyan ng chance si Randrei diba? Tanda mo pa dati, sabi mo ideal man mo marunong magdrawing, magkanta, tapos caring at higit sa lahat mahal na mahal ka. Sa tingin ko si Randrei na yon eh." Mukhang nagulat si Lovely sa sinabi ko.
"May masasaktan kapag naging kami eh. Atsaka hindi talaga siya yung tinitibok ng puso ko eh."
"One month. Bigyan mo siya ng one month para maprove niya sarili niya sayo. Pagkatapos non kung walang nangyari di na kita kukulitin kung sakali naman na maging kayo edi everybody happy."
"Everybody happy nga ba? Pero sige one month lang ha. Pagkatapos non wag ka ng mangulit"
"Oo promise. Thank you."
"Wala yon. Sige ha punta na ako sa room."
Pag kaalis ni Lovely tumulo nanaman mga luha ko. Kailan ba kayo mauubos? Please wag kayo laging tumutulo kasi alam ko na marami pa akong pag dadaanan.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa room. Kung maging sila everybody happy nga ba?
BINABASA MO ANG
HIS&HER ONE SIDED LOVE
Ficção AdolescenteMahal ko siya, mamahalin din kaya niya ako?