Randrei's POV
Pagkaalis ni Cathy dun ko narealize lahat ng sinabi ko sakanya. Kaninang nakita ko siyang umiiyak naawa ako sakanya. Ayaw ko siyang masaktan dahil kay Vince pero ako naman sinaktan siya.
Tinignan ko yung panyo na binigay niya sa akin. May nakaburda pala dito na 'HAPPY'. Nakokonsensiya ako sa ginawa ko. Bukas papasok ako kailangan namin mag-usap. Pero ngayon magpapahinga muna ako. Pagod na ako.
-------------------------------------------------------------
Friday na ngayon kaya kailangan na namin mag usap ni Cathy. Siguro mamaya nalang lunch baka nagkaklase pa sila. Pumasok nalang din ako. Pagdating ng lunch dumeretso ako sa canteen hinahanap ko si Cathy pero wala siya. Napatingin ako sa may left side nakita ko si Ann at Micah. Bat wala si Cathy? Lumapit ako sakanila.
"Hi Ann. Hi Micah."
"Hi " silang dalawa
"Nasan si Cathy?" Tanong ko sakanila.
"Bakit miss mo?" Tanong naman ni Micah.
"Wala siya dito." ang taray naman ni Ann.
"Alam niyo ba kung nasaan siya?"
"Ahm wala ba siya sa puso mo?" Tanong ulit ni Micah.
"Kalat kalat lang niyan yon." Ann
Bakit parang ayaw nilang sabihin kung nasaan si Cathy?
"Please sabihin niyo. May kailangan kasi akong sabihin sakanya eh." Tinignan nila ako.
"Kasama mo ba si Cath kahapon?" tanong ni Ann. Tumango ako.
"Anong nangyari? Nagtext kasi sa amin si tita kagabi. Umuwi daw si Cath na basang basa. Buti daw saktong umuwi din ang kuya niya kaya may nakakita kay Cath bago siya mawalan ng malay." Seryosong sabi ni Ann.
"Nasaan siya ngayon?"
"Nasa bahay siya. Pupunta kami mamayang 5. Sama ka?" Ann
"Oo sige. Text niyo nalang ako ha. Thank you." Umalis na ako. Bumili muna ako ng burger sa canteen at dumiretso ako sa garden.
"Randrei nasaan si Cath?" Tinignan ko kung sino yon. Si Kate pala.
"Di ko alam. Bakit?"
"Nasa clinic kasi si Vince. Masakit daw pakiramdam."
"O bat di mo bantayan? Ikaw ang girlfriend niya diba?"
"Alam ko kasi mas maaalagaan siya ni Cath."
"Wala si Cath. Kung mahal mo talaga si Vince ilayo mo siya kay Cath. Maawa ka din kay Cath. Nahihirapan na ang tao."
"Osige. Pasensiya na."
Umalis na si Kate. Iniisip ko pa din si Cathy. Kailangan ko siyang kausapin mamaya. Ayaw ko na siyang saktan at masaktan. Sorry Cathy.
-----------------
Papunta na kami nina Ann at Micah kina Cathy. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya kapag nagkita kami. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sakanila. Agad naman kaming pinagbuksan ng gate.
"Hi po tita." Bati namin sa mama ni Cathy.
"Upo kayo. Paghahanda ko lang kayo ng miryenda." umalis si tita. Maya maya bumalik siya ng may dalang pagkain. Pinagmiryenda niya muna kami at konting kwentuhan.
"Tita kamusta na po si Cath?" Ann.
"Ayos na siya. Kaya lang nilalagnat pa din siya eh. Sabi ko na kasi sa batang yan magdala palagi ng payong."
"Nasaan po siya ngayon?" Micah
"Ah nasa kwarto niya. Puntahan niyo nalang siya. Ililigpit ko muna tong mga to."
Pumunta kami sa kwarto niya. Kaya lang natutulog siya. Nakakumot siya pero nakatodo naman ang aircon niya. Ang gulo talaga nito. Lumabas ulit kami ng kwarto niya.
"Tita natutulog po siya eh. Alis na po kami. Pakisabi nalang po na pumunta kami." Ann
"Hindi niyo na siya hihintaying magising? " Tita
"Hindi na po. May test pa po kasi kami bukas." Micah
"Ah osige. Salamat. Mag ingat kayo ha."
"Salamat din po. Randrei tara na." Micah
"Mauna na kayo hintayin ko nang magising si Cathy." tumango nalang sila at umalis.
"Randrei anak. Iwan muna kita dito ha. Ibibili ko lang ng gamot si Cath. Puntahan mo nalang siya sa kwarto niya kung gusto mo." Tumango at ngumiti ako kay tita atsaka na siya umalis.
Pumunta muna ako sa kwarto ni Cathy. Nilibot ko ang tingin ko. Kulay yellow yung wall niya. Favorite kaya niya yon? Lumapit ako dun sa may cabinet. Ang dami kasing frames sa taas niya. Tinignan ko sila isa isa. Merong mga picture na kasama niya Family niya, sina Ann at Micah. Hindi pa pala niya tinatanggal pictures nila ni Vince. Ang dami nilang picture. Tinignan ko pa yung iba. May nakita ako na frame na kulay mapple green, favorite color ko yun eh. Tinignan ko ito, ako at si Cathy. Stolen shot siya. Nakabusangot si Cathy, ako naman tumatawa habang ginugulo yung buhok niya. Napangiti ako sa nakita ko. Tinignan ko yung likod nung frame. Galing kay Ate Rachelle? Bakit naman kaya? Binaba ko na yung frame at umupo sa kama ni Cathy. Tinitignan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda niya.
"Kamusta naman ang pagtitig mo sa akin?" Si Cathy. Nakamulat na siya at tumatawa. "O bat mukhang nagulat ka?"
"Hindi no. Hindi man nga kita tinitignan eh." Deny pa
"Ohh sige kunwari naniniwala ako." Tumatawa pa siya.
"Tse! Kamusta ka na?"
"Nagugutom ako."
"Ok lang yan. Magdiet ka muna." Biro ko sakanya.
"He! Teka lang ha, tatawagin ko muna si Manang. Papaluto ako ng pagkain. Anong gusto mo?" Bigla siyang tumayo pero umupo din agad at humawak sa balikat ko. Habang hawak hawak niya ulo niya.
"Ok ka lang? Humiga ka nalang muna. Ako na tatawag kay Manang."
"Ah sige salamat."
Lumabas ako ng kwarto niya at tinawag si manang. Sabi ni Cathy gusto daw niya ng oatmeal kaya yon ang pinaluto ko. Bumalik na ako sa kwarto niya.
"Ihahatid nalang daw ni Manang mamaya."
"Sige salamat."
"Cathy ok ka na ba? Wala ka ng sakit?"
"Pakialam mo ba sa akin? Hahaha. Joke. Ok na ako. Naulanan lang ako."
"At may bugbog lang ang mga braso mo no. Alam kong ako ang may gawa niyan."
"Ok lang di naman masakit."
"Cathy sorry. Nabigla lang ako. Pagdating kasi sakanya masyado akong sensitive. Sorry alam kong nasaktan kita inside and out."
"Ok lang yon ano ba. Naiintindihan kita, ganon din naman ang ginawa ko sayo dahil kay Vince. Ok na tayo ah Randrei." Ngumiti siya sa akin
"Oo naman. Thank you Cathy." Nag apir kami. Ayaw kasi ni Cathy magpayakap eh.
Dumating na ang oatmeal niya at pinakain namin siya. Ok na kami ni Cathy. Hindi ko na hahayaan na masaktan ko siya ulit.
---
Hope you like it.