Randrei's POV
Niyaya ako ni Vince dito sa kusina. Ewan ko ba dito ang saya saya sa labas tapos yayayain niya ako dito.
"Kamusta naman ang pagkikita niyo?" Nung una hindi ko nagets pero binigyan niya ako ng meaningful look.
"Gumanda lalo si Catherine no." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan yon. "Hangga ngayon masayahin pa din siya. Ang saya ko nga kaninang nanalo kami eh. Ang ganda niya kapag ngumingiti." Ngumiti si Vince.
"Iba na ata to."
"Baliw. Hindi no. Pero sa tingin mo galit sakin yon?"
"Sa tingin ko? Hindi. Mabait si Cath kaya maiintindihan niya lahat. Atsaka matagal na yon."
"Hindi ganon kadaling kalimutan ang ginawa ko sakanya." Hindi pa nga ako nakakapagsorry sakanya eh."Alam ko. Alam naman nating lahat na sobrang nasaktan si Cath sa nagawa mo. Pero ibang mag isip si Cath. Gagawin niya lahat para mapasaya yung tao sa paligid niya pero naiisip naman niya na kailangan niya din maging masaya. Kaya hindi siya nagtatanim ng galit sa puso niya."
"Mabait talaga siya no? Tapos ang ganda pa"
"Umamin ka nga sa akin." Ano naman? "Gusto mo ba si Cath?"
"Baliw ka talaga no. Kahit gusto ko siya wala din naman mangyayari. Sa ginawa ko sakanya hindi na niya ako tatanggapin. Kahit kaibigan sapat na sa akin. Pero ayaw kong umasa."
"Hay naku. Alam ko naman na matatanggap ka pa non. Sige punta na ko don. Tara na." Umalis na siya ako umupo muna ako.
After graduation, after namin mag usap to be specific. Doon ko narealize na ang bait pala talaga ni Catherine. Simula non nagsisi na ako bakit hindi ko siya pinahalagahan. Araw araw tinitignan ko yung shirt na binigay niya. Paminsan minsan ko lang sinusuot baka kasi maluma eh. Nagpalit ako ng pangalan sa fb para mastalk ko siya, pero paminsan minsan lang siya nag aupdate sa fb niya. Bawat naaalala ko yung ginawa ko sakanya nalulungkot ako, naiinis ako sa sarili ko. Isang Catherine? Hindi ko naappreciate at higit sa lahat sinaktan ko.
Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ko dapat isipin yon. Dapat ienjoy ko ang araw nato. Malay natin diba pagkatapos nito hindi ko na ulit sila makasama. Hindi ko na siya ulit makakausap.
-----------------------------------------------------------
Catherine's POV
Habang pinapakinggan ko ang usapan nilang dalawa natatawa ako. Si Randrei talaga, nagagandahan pala sa akin di man lang sabihin. Joke. Ang saya lang na ngayon nakita niya ko, nagandahan siya kay Cath, na appreciate niya si Cath. Nung umalis si Vince umalis na din ako. Naglakad lakad lang ako sa labas.
Naalala ko lahat ng nangyari dati. Napangiti ako, isipin mo yun, nakaya ko lahat ng yon. Nakaya kong bumangon pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. Ngayong nakita ko si Randrei ok naman lahat eh. Mukha namang ok siya, hindi na din naman ako nasasaktan. Pero nakakatakot pa din eh. Ayoko na kasing maulit lahat ng yon eh. Kaya ko pa kayang tanggapin si Randrei?
