Chapter 32

63 1 0
                                    

Catherine's POV

May pasok nanaman. Tapos malapit na final exam. Nakakatamad pumasok. Pagod pa ako eh. Pero no choice kailangan kong pumasok eh.

Lakad lang ng lakad Cath. Mag ccr muna nga ko tutal maaga pa. Napadaan ako sa room nina Vince. May nag uusap pero parang wala namang tao. Curious ako kaya sumilip ako. Si Randrei at Vince. Nag uusap.

"Bakit kayo magkasama ni Cath kahapon?" Randrei

"Eh ano naman ngayon? Mag bestfriend naman kami ha." Vince.

Ako ba pinag uusapan nila? Dahil narinig ko pangalan ko kaya lalo akong nacurios.

"Oo dati. Dati yon Vince nung hindi mo pa siya iniwan." Nagflashback nanaman sa utak ko ang sinabi at ginawa ni Vince non.

"Iniwan ko siya dahil sayo." Vince. A-ano daw? Dahil kay Randrei? "Ang selfish mo kasi. Ang gusto mo ikaw lang ang masaya!" Hindi ko maintindihan.

"Catherine?" Nagulat ako sa tumawag sa akin. Si ate Rachelle. "Anong ginagawa mo diyan? Wala naman tao oh."

"Ah napadaan lang ako ate. O ikaw?"

"Hinahanap ko si Randrei eh. Pero di ko naman makita."

"Ah baka lumilibot lang yon. Sige ate pasok na ako."

"Osige. Ingat ka." Ngumiti na lang ako atsaka na umalis.

Ano kayang pinag uusapan nila at bakit involved ako? Nakakainis may tinatago ba sila sa akin. Hmm mamaya ko nalang sila tatanungin.
----------------------------------------------------------
(Lunch break.)

Agad agad akong pumuntang canteen hindi para kumain. Kung hindi para tanungin si Randrei. At kapag sinuswerte ka nga naman agad agad nakita ko siya. Kaya lang kasama niya si Lovely. Mukhang nagiging ok na sila.

"Cath. Cath dito ka nalang umupo." Lovely. Tinignan ko si Randrei. Mukhang bad mood

"Ah hindi na. Hanap nalang ako ng iba." Biglang tinignan ni Lovely si Randrei.

"Dito ka nalang umupo." Randrei. Buti pa si Lovely tingin lang niya napapasunod niya si Randrei.

"Sige salamat." Umupo ako sa harapan nila.

"Ah Randrei. Ano nga palang pinag uusapan niyo kanina ni Vince dun sa room niyo? Hinahanap ka kasi ni ate mo kaya lang mukhang seryoso pinag uusapan niyo." Bigla siyang natigilan sa tinanong ko. Hinihintay ko siyang sumagot.

"Ay aalis nga pala kami nina mama. Sige ha una na ko." Agad agad siyang umalis. Di ko nalang pinansin. Nakita ko si Lovely na nakatingin kay Randrei

"Kamusta pala kayo?"

"Ok lang." Lovely.

"Mukha nga. This past few days kasi nakikita ko na ang saya saya ni Randrei. Tapos ikaw mukhang masaya ka din. Level up na ba?"

"Wala eh. Ayaw talaga." Lovely

"Hindi pa tapos ang one month. Malay natin diba." Ako.

"Gusto mo siya diba? Pero bakit mo siya pinipilit sa akin?" Nagulat ako sa tanong niya halata ba ako o may nakapagsabi lang sakanya.

"Hindi. Hindi ko siya gusto. Magkaibigan lang kami" Hindi niya na dapat malaman ang totoo para hindi niya pigilan ang sarili niya na mahulog kay Randrei.

"Cath kung gusto mo siya ok lang. Baka masaktan ko lang siya kasi may iba akong mahal. Mas deserve mo siya."

"Lovely magkaibigan lang kami. Hanggang doon lang yon. Please wag mong isara ang puso mo para sakanya. Pareho kayong magiging masaya kung sakali. Sige una na ako."

"Kung ano man ang mangyari sa pagitan namin sana maging masaya ka."

Tumayo ako at umalis na sa canteen. Sana nga kaya kong maging masaya. Sana matanggap ko kung ano man ang mangyari. Sana makaya ko lahat SANA.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon