Chapter 21

61 1 0
                                    

Lovely's POV

Ilang araw na after nung JS Prom pero hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari. Una umamin si Randrei sa akin. Pangalawa narinig ko ang usapan nina Cath, Ann at Micah.

Yung kay Randrei sana naging clear sakanya.

*Flashback*

"Hi Lovely may kasama ka ba ngayon? I mean kadate." Randrei. Sana , kaya lang may ibang gustong makadate yon eh.

"Ah wala. Hindi man uso yon" Tumawa ako. Pero may bigla siyang inabot sa akin. Bouquet of flowers.

"Lovely matagal ko ng gustong sabihin sayo to. Kaya lang humahanap pa ako ng tyempo eh. Pero I think this is the right time." Huminga siya ng malalim. "Lovely gusto kita. Mahal na nga ata eh. Hindi ko alam kailan pa at hindi ko rin alam kung bakit. Ang alam ko lang mahal kita at ayaw kitang mawala sa akin. Lovely manliligaw ako sayo." Nagulat ako sa sinabi niya. Kasi hindi man patanong eh.

"Randrei hindi sa nirereject kita ha. Ayaw lang kitang umasa at masaktan pero kasi may mahal akong iba. Baka kasi masaktan kita kasi hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Randrei iba nalang. May mas deserving diyan sa pagmamahal mo at alam kong hindi ako yon."

"Ok lang. Hayaan mo lang akong manligaw. Give me a chance Lovely."

"Sorry Randrei. Ayaw lang talaga kitang masaktan at ayaw ko din na balang araw mahirapan ako. Please Randrei. Stay what we are right now. Let friends fill out the space between us."

"Ah osige. Pero wag kang umasa na agad mawawala ang mararamdaman ko para sayo ha. Kahit kaibigan sapat na ako. Salamat. Eto kunin mo na para sayo talaga yan." Inabot niya ang bulaklak sa akin

"Salamat." Ngumiti siya atsaka na umalis.

*End of Flashback*

Pagkatapos namin non mag usap naglakad lakad ako at doon ko narinig ang sinabi ni Cath kina Ann.

Alam kong mahirap ang sitwasyon naming tatlo. Pareho kaming nagmamahal ng mga taong hindi kami mahal.

Si Vince hindi ko alam kung bakit niya sinaktan si Cath. Hindi niya alam kung gaano kahalaga ang pinakawalan niya. Si Randrei masyado siyang manhid at bulag para hindi makita ang katulad ni Cath. Kung si Randrei at Cath man alam ko na magiging masaya silang dalawa.

Bakit kung sino pa ang taong mahal mo siya pa ang may mahal na iba? Hindi ba pweding mahal mo tapos mahal ka din? Bakit ang daming kailangang mapagdaanan bago maging masaya? Love is soooo unfair.

---
Hopia like it.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon