Chapter 20

73 1 0
                                    

Catherine's POV

Ang bilis ng panahon. February na nga, it means JS Prom na. Eto na ang last Prom namin kaya kailangang mag attend at mag enjoy.

*One new message*

From: Rrrandrei

"Happy Valentine's day Cathy. Favor?"

To: Rrrandrei

"Happy Valentine's day. Ano?"

From: Rrrandrei

"Tulungan mo kong itext si Lovely. Gusto ko kasi siya kadate ko mamaya sa prom."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Napag usapan kasi namin dati na wala kaming date sa prom namin. Sabi kasi niya kami daw dapat laging magkasama. Sulitin na daw namin yon kasi malapit na kaming mag graduate. Tapos ngayon nagpapatulong siya sakin kay Lovely. Hindi ko nalang siya nireplyan baka mawala lang ako sa mood. Matutulog muna ako para mamaya hindi ako inaantok.

------------------------------------------------------------

"Cath nandiyan na daw mag aayos sayo sabi ni mama. Gising na." Kuya Christian

"Oo eto na."

"Bilisan mo na para maayusan ka na."

"Wow ha. Excited ka na atang makita ako nakamake up? Kuya kahit hindi ako nakamake up alam naman natin na maganda ako." Kinindatan ko siya.

"Alam ko naman yon. Syempre wala namang pangit sa lahi natin. Pinatunayan nating dalawa yon." Nag apir kami at tumawa.

"Tumayo ka na diyan. Aayusan ka na niyan nila. Enjoy ka sa prom niyo ha." Lumabas na si Kuya ng kwarto ko. Ako naman tumayo na at nagtoothbrush. Nakapaligo na din naman ako kanina.

Dumating yung mga nag aayos sa akin at inayusan ako. Si mama eto nasa tabi ko sobrang excited parang last year na Prom lang. Pagkatapos akong minake up at inayos ang buhok pinasuot na ang gown ko.

"Ang ganda talaga ng anak ko. Mana sa akin. Hay nako bilisan mo picturan kita para mapadala natin sa papa mo." Nagselfie kami ni mama, pinicturan niya din ako ng solo.

"Ma tama na yan. Nandiyan na sundo ni Cath."

"Kuya sinong sundo? Diba hahatid niyo ako mama?"

"Anak si Vince sinasabi ng kuya mo. Eto kasing si tita mo gusto ka din daw makita kaya sila na daw susundo sayo" Mama. Tinignan ko si Kuya. Nag ok sign lang siya sa akin.

"Cath labas na." Lumabas ako kahit di ako sigurado sa mga ginagawa ni mama at kuya.

"Hi Tita." Kiniss ko lang si tita sa cheek.

"Ang ganda mo naman Cath. Mana ka talaga sa amin ng mama mo." Nag apir sila ni mama.

"Vince tignan mo kapatid ko. Ang ganda no."

"Kuya!!" Tinignan ko siya ng masama. Siya naman todo smile pa. Halatang namumusit.

"Ang ganda mo nga Cathcath. Bagay mo ang kulay yellow." Feeling ko namula ako buti nalang di masyadong halata dahil sa make up.

"Ahh salamat. Ikaw din."

"Siya din maganda ha Cath?" Grrrrr kuyaaaaa. Tinignan ko si Vince mukhang hinihintay sasabihin ko. Tumingin ako kay tita at kay mama ganon din reaksyon nila. Tinignan ko si kuya christian ayon nakangiti ng nakakaloko.

"Ibig kong sabihin.. hmm. Ang pogi mo ngayon. Bagay mo pala naka coat and tie. Dapat lagi ka nalang ganyan." Nakita ko na nabigla si Vince sa sinabi ko. Ako din nabigla eh. Ang haba kasi. Pareho kaming inakbayan ni kuya.

"Tama na yan. Masyado niyong pinapahalata na namiss niyo ang isa't isa." Siniko ko si Kuya. "Biro lang. Alis na kayo baka malate pa kayo sayang naman." Hinatid na nila kami sa kotse nina Vince. "Pst pare kong pogi." humarap si Vince. "Ingatan mo yang kapatid kong maganda." Natawa ako sa sinabi ni Kuya.

"Oo naman. Tita alis na po kami. Hatid ko nalang po si Cathcath mamaya." Vince. Sumakay na kami sa kotse. Walang nagsasalita hangga sa makarating kami sa Venue. Pagbaba ko nakita ko si Randrei kasama si Lovely. Nakita ko din si Kate papalapit sa amin kaya ngumiti lang ako kay Vince atsaka na umalis.

Mas pinili ko ang pagiging magkaibigan namin kaya ngayon nandito ako pinapanuod silang maging masaya sa piling ng iba.

"Bakit kasama mo si Vince? Kaya ba hindi mo ko nireplyan kanina kasi kasama mo siya?" Randrei.

"Nakatulog ako kaya hindi kita nareplyan. Kaya kasama ko si Vince dahil sila ni Tita ang nagsundo sa akin. Ok na?" Hinanap ko si Lovely. Alam ko na siya lang makakadistract kay Randrei.

"Nasaan na pala si Lovely? Excited na kong makita siya for sure maganda yon." Ako.

"Oo sobrang ganda nga niya." Randrei

"O si Cath? Maganda din ba?" Ann. Tinignan ko silang dalawa. Aba ang ganda nila ha. Tinignan ko si Randrei hinihintay ko sagot niya eh. Pero mukhang ayokong marinig ang sagot niya.

"Wow Ann at Micah ang ganda niyo naman ngayon. Dapat pala laging JS Prom no?" Tinignan ko sila at mukhang alam na nila ibig kong sabihin.

" Ikaw din ang ganda mo ngayon. Sadyang may mga tao lang na hindi marunong umapreciate." Tinignan ni Micah si Randrei. "Diba Randrei?" Halatang naguluhan siya pero tumango nalang siya.

"Sama muna namin si Cath ha. Para naman mag enjoy siya." Ann. Tumango ulit si Randrei kaya umalis na kaming tatlo.

"Baliw kayo no. Paano kung mahalata niya? Ihhhhh."

"Hindi niya. Sa nakita ko kanina mukhang di naman niya nahalata." Micah

"Ang manhid pala niya no Cath. Tapos ikaw martir. Nakita mo ba itsura niya nung tinanong namin kung maganda ka din ngayon? Grabe naman Cath." Ann

"Ba-baka di niya lang talaga gusto. Baka gusto niya simple lang. Ka-kaya ganon." Ngumiti ako sakanilang dalawa.

"Kahit gaano ako kaganda at kahit gaano kabongga ang suot ko di niya talaga magugustuhan kasi ako si Cath. Hindi ako si Lovely. Si Lovely kahit ano lang isuot niya for sure magagandahan sakanya si Randrei. Ako ano, wala diba. Kasi nga ako si Cath. Hindi ako si Lovely. At lalong lalo na, hindi ako yung taong mahal niya." ngumiti ako. "Kailangan natin mag enjoy. Wag na muna natin siyang pag usapan ha. Let's enjoy this night."

Nagyakapan lang kami pagkatapos ay sumayaw kami sa gitna. Picture picture at kwentuhan din sa mga ibang estudyante.

Let's be happy. Dahil karapatan natin yon.

----

Whoa! Comments please. Salamat :*

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon