Catherine's POV
Inisip ko ano nga kayang purpose ni Randrei bakit niya ako pinapunta dito. Siguro ang purpose niya ay kung ano man ang maging desisyon ni Lovely nandito ako sa tabi niya. Naglakad ako palapit sakanya. Hindi ako nagsalita. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Ang higpit ng yakap niya. Niyakap ko din siya. Maya maya naramdaman ko na umiiyak siya. Pag ibig nga naman. Kahit ang matapang na tao kayang paiyakin.
"Ang sakit. Akala ko mahal niya ako gaya ng pagmamahal ko sakanya. Pero akala ko lang pala yon." hindi pa din ako nagsasalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Alam kong sa mga oras na ito hindi niya kayang tumanggap ng mga payo. Kailangan niya lang naman kaibigan. Kaibigan na laging nasa tabi niya at nagmamahal sakanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap.
"Ngayon alam na nating pareho na hindi ako mahal ni Lovely. Kaya Cath. Hindi na kita kailangan."
"Ha?"
"Alam kong tanga ka. Pero wag mo naman sanang paganahin yang katangahan mo sa oras na ito. Cath kailangan lang kita."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Hindi kita tinuring na kaibigan. Ginamit lang kita. Nakipagclose ako sayo para may tumulong sa akin sa panliligaw kay Lovely. Lumapit ako sayo kasi alam kong kaibigan ka niya."
"Nasasabi mo lang yan ngayon kasi nasasaktan ka. Sabi mo hindi mo ako tinuring na kaibigan pero bakit nung iniwan ako ni Vince ikaw ang laging nasa tabi ko. Nung umiiyak ako ikaw ang nagpapatahan sa akin. Randrei alam kong totoo lahat ng ipinakita mo sa akin." Tumawa siya.
"Ginawa ko yon para isipin mo na kaibigan talaga ang turing ko sayo. Oo totoo yon pero hindi totoo na concern ako sayo. Hindi totoo na ayaw kitang nasasaktan. Oo totoo na naging mabait ako sayo non kasi kailangan. Alam mo bang hirap na hirap ako sa pagpapanggap. Cath gawa gawa ko lang lahat ng yon. Buksan mo nga yang utak mo."
"Hindi ako naniniwala."
"Edi wag ka. Lagi ka namang ganyan diba. Nagpapakatanga. Ginamit nga lang kita eh. Ano bang hindi kapanipaniwala doon? Cath pinlano ko lahat ng to. Alam mo minahal man ako o hindi ni Lovely ganito pa din ang mangyayari. Tutal alam na natin na walang chance sa amin ni Lovely ititigil ko na. Ititigil ko na ang pag gamit sayo. Nakakatuwa no, ang galing ko palang magpanggap. Ngayon makinig ka sa akin. Umalis ka na sa buhay ko kasi hindi na kita kailangan." Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Fourth year high school palang tayo pero nasasabi at nagagawa mo na ang mga ganyang bagay. Hindi ikaw yung Randrei na nakilala ko. Oo siguro nga tanga ako. Kasi napaniwala mo ko eh. Ang tanga ko kasi nagpakatanga ako sa kagaya mo. Nakakatawa no ngayon nakikita mo kong umiiyak pero wag kang mag alala sandali lang to. Isang araw makikita mo ikaw naman ang umiiyak ng ganito. Sige aalis na ako sa buhay mo. Masyado na kasing polluted diyan baka ikamatay ko lang." Naglakad na ako paalis.
"Atsaka nga pala. Ako ang dahilan kung bakit iniwan ka ng bestfriend mo. Pasensya na ha sadya ko eh." Naglakad siya at nilagpasan niya ako.
"Ang sama mo!"
Kailangan namin mag usap ni Vince. Pupuntahan ko siya ngayon.
Oo masakit lahat ng sinabi niya ang sakit ng mga ginawa ni Randrei. Isipin mo yon ako minahal ko siya pero siya lokohan lang lahat. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako pero mas nangingibabaw yung inis at galit ko kay Randrei.
Randrei pangako ko sayo ngayon lang to. Sisiguraduhin ko na mas una akong sasaya kesa sayo.