"A pleasant morning to our most beautiful principal, to our understanding teachers, to our inspiring special guest, to our loving parents and of course to my handsome and gorgeous co graduates. I know that we are all excited to this graduation. Some of us may feel that this is the end, but for me this is just a beginning. Sabi nina Ma'am at sir, gawin ko daw enjoyable tong speech ko. Sabi nila bakit daw ako mag eenglish kung pwedi naman akong magtagalog. Parang pagmamahal lang yan, bakit ko iistock ang sarili ko sa lalaking hindi ako mahal kung pwedi naman akong mag move on." Nagtawanan sila, siguro dahil nakakarelate sila.
"Sabi nila pinaka masayang stage ng isang pagiging estudyante ay yung highschool. Bakit kaya? Siguro kasi halos ng first dito natin natutunan. Marami din tayong natutunan sa pagiging high school. Marami tayong kailangang mahalin para makapasa. Tulad ng algebra at trigonometry. Pati na din ang grammar at speech. Pati na din ang periodic table." Nakita ko na napangiti sila sa sinabi ko.
"Pero syempre magagawa nating mahalin ang mga yon sa tulong ng mga teachers natin." Tinignan ko ang mga teacher namin. "Sir, Ma'am thank you so much po. Alam po naming lahat na mahirap ang english, science at math but still you tried your best to teach those lessons to us. Thank you po. Sabi po nila kami ang pinakamagulo at pinakamaingay na batch. Thank you po sa pagtitiyaga at pagiintindi sa amin." Nagsmile sila.
"Batchmates magthank you lahat tayo sakanila. 1. 2. 3"
"Thank you po sir at ma'am" nagwave ang mga teachers sakanila.
"Paano tayo napunta sa magandang school na to? Sila ang gumigising sa atin sa araw araw. Sila ang naghahanda ng almusal natin. Sila ang nagbabayad kapag may mga dapat tayong bayaran. Sila ang laging nandiyan para sa atin, kapag nakipagbreak si bf o kaya gf sila ang nandiyan para sa atin. Kapag bumagsak tayo sa test nandiyan sila para sa atin, para pagalitan tayo. Joke. Para alalayan tayo. Sila ang mga taong hindi mang iiwan at hindi tayo pababayaan. Sila ang magmamahal sa atin ng totoo. Parents, sila lahat yan. Ma , pa thank you so much I love you." Nakita ko si mama na umiiyak. Medyo natawa ako pero pinigilan ko nalang.
"Batchmates, it's your turn." And once again nagthank you sila sa mga parents nila. Napansin ko na hindi lang pala si mama ang umiiyak pati yung ibang parents.
"Sa highschool ang daming nangyari. Ang dami nating naexperience, ang daming nauso. Ang daming pinagdaanan. Ang daming tawa at luha tayong nailabas. Sa highschool nauso ang a sa noo, b sa ilong, c sa lips. Haha. Joke. Dito nauso yung group study, dito nakabuo tayo ng friendship. Nalaman natin ang word na backstabber, nakakilala tayo ng true friends. True friends na magpapakopya sayo ng assignment kapag hindi ka nakagawa. Kidding. True friends na mas una pang kinikilig sayo kapag kinausap ka ng crush mo. True friends na kapag ang saya saya nila ikaw nasasaktan sa kakapalo at kakahampas nila sayo. Sila yung binili mo yung pagkain sila ang kakain. Sila yung kapag nadapa ka tatawanan ka muna nila bago tulungan minsan nga hindi ka man nila tutulungan. Sila yung mas feel at home pa sila sa bahay niyo. Sa high school yung parang magkakapatid tayong lahat. Minsan may hindi pagkakaintindihan pero agad din naman naaayos." Tinignan ko si Vince at nagsmile sakanya.
"Batchmates, classmates, friends"
"Ann, Micah, Lovely, Kate, Vince at R-randrei." Tinignan ko sila isa isa lahat sila nakangiti pwera kay Randrei. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Thank you. Alam kong ang dami nating pinagdaanan. Naayos naman natin diba, pero kung may bagay na hindi pa natin naaayos sana maayos natin. Thank you." Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Tinignan ko ulit si Randrei pero wala man siyang pakialam.
"Ang daming nabubuo sa high school. Love. Yan naman lagi diba? Kahit bata pa tayo yung iba may bf o gf na. Ok lang naman basta alam nating ihandle. May nefefriendzone din, kaya yung iba ok na sila hanggang sa crush lang. Madalas din nangyayari yung one sided love." Nagreact halos sila.
"Relate ba? Ang unfair no? Hindi ba pweding kapag mahal mo, mahal ka rin? Pero parang wala namang thrill kung ganon diba. Minsan nasasaktan tayo, nadadapa at nahihirapan pero eto din naman ang magiging dahilan kung bakit tayo babangon at lalaban. Siguro sa una masakit, mahirap. Pero in the end tayo din naman ang makikinabang. Masasabi natin na 'ah kaya pala nahirapan kami nung umpisa para din naman sa amin. Para masanay kami baka kasi sa susunod na mga araw mas mahirap pa dito ang mapagdaanan namin. Ginagawa niya lang kaming matatag' Ganon din sa pag aaral, ngayon kailangan nating magreview kailangan nating magpuyat at magmemorize pero kapag naging professional na tayo diba halos advantage natin. We overcome challenges, for us to be strong and to be successful. To be successful? Kailangan lang natin magtiwala sa ating sarili and we should do our best. Para din naman sa atin to. Love, kailangan nating mahalin ang pag aaral kasi ang daming advantage non sa atin. This is not the end, eto palang ang simula. So guys God bless sa ating lahat. Thank you and Congratulations" Pumunta ako sa gitna at nakipagshake hands kay ma'am principal at syempre picture.
Inanounce na din na graduate na kami at hindi mawawala ang paghagis ng sumbrero. Sobrang saya namin. Another stage nanaman ang natapos namin. Konting kembot nalang niyan. At alam kong kaya naming lahat to. We will do our best at God will do the rest.