Chapter 35

58 1 0
                                    

Catherine's POV

Lumipas ang mga araw at ayon si Randrei sinusulit ata ang mga araw na kasama niya si Lovely. Ano nanaman kaya ang hihingiin niyang favor after nito. Eto na ang huling araw ng 1month na napag usapan namin. Mamaya isusurprise ni Randrei si Lovely. Hinanda ko na naman ang sarili ko sa magiging desisyon ni Lovely. Kung nafall man siya kay Randrei ok lang. Tatanggapin ko yun naman ang gusto ni Randrei eh ang mahalin siya ni Lovely. Tanga ba ko? Oo. Alam kong may choice ako. Kaya lang eto ang pinili ko eh. Kaya papanindigan ko na.

Nagreready na kami para sa surprise. Si Randrei? Ayon kasama si Lovely.

"Ang sakit at ang hirap ng ganito no. Naghahanda ka ng surprise para sa mahal ng taong mahal mo." Ann

"Ewan ko naman kasi kay Vince. Bakit pa siya iniwan." Micah

"Nandito lang ako oh. Naririnig ko kayo."

Lumapit sila sa akin.

"Paano kung hindi ka iniwan ni Vince? Posible kayang hindi mo magugustuhan si Randrei?" Ann

"Sabi nila everything happens for a reason. Siguro nakaplano talaga na mafall ako sakanya. Pinigilan ko naman eh. Kaya lang hindi kaya ng powers ko. Si Vince? Kung hindi niya ako iniwan sa tingin niyo ba masaya siya ngayon? Mahihirapan lang siya diba? Kaya siguro nangyari yung mga bagay na yon. Kung hindi ako iniwan ni Vince sino nalang lagi ang iintindi kay Randrei diba?" Ang haba ng sinabi ko

"Happiness nalang ba lagi ng iba ang iisipin mo?" Ann

"Kapag kasi masaya sila sumasaya na din ako . Atleast diba lahat masaya. Kung kaligayahan ko iisipin ko hindi naman ako sigurado kung sasaya din sila."

"Ready na ba lahat?" Tinignan namin ang nagsalita. Si Randrei. Wow ang pogi niya. Ang porma porma niya. Ganito pala epekto ni Lovely sakanya.

"Oo ready na. Si Lovely nalang kulang." Micah.

"Sige salamat ha. Cathy usap tayo."

"Sige alis na kami. Bye." Nagpaalam na sina Ann at Micah. Kaya kami nalang dalawa ang nandito.

"Tapos na ang 1 month. Thank you sa pagtulong sa akin. Sa paggawa ng way para magustuhan niya din ako. Pero alam nating dalawa na may iba siyang mahal. Kulang yung one month. Bakit kasi one month lang ang ginawa mo? Pwedi namang 2 months diba, di ko tuloy alam kung sinadya mo ba yon o hindi." Ganon ba ang iniisip niya sa akin?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mamaya malalaman na natin ang sagot niya. Dalawa lang naman ang pwedi kong maramdaman. Ang matuwa o ang malungkot."

"Tanggap mo na ba ang mga pweding mangyari?" Tinignan niya ako

"Sa tingin mo ba ganon kadaling tanggapin ang mga yon? Kung ikaw, hindi ka nakuhang mahalin ng taong mahal mo pagkatapos mo ginawa ang lahat lahat para sakanya. Agad agad mo bang matatanggap yon?" Randrei

"Nung una hindi. Ang sakit eh. Pero sabi ko sa sarili ko, ako lang naman ang masasaktan kapag hindi ko pa tinanggap. Kaya yon natanggap ko na din."

"Hindi mo ko kagaya!" Sumigaw siya kaya nagulat ako. Wala akong masabi kaya yumuko nalang ako. After 10 seconds nagsalita din ako.

"Oo hindi nga tayo magkagaya. Kasi ako kahit nagmamahal ako hindi ko pa din nakakalimutang pahalagahan ang mga tao sa paligid ko." Huminga ako ng malalim. "Magready ka na. Malapit ng dumating si Lovely. Ako din hm uwi muna ako. Babalik din ako kaagad." Tumayo na ako at naglakad palayo.

Mamaya. Sana maging maayos ang lahat. Sana maging masaya lahat lalo na si Randrei.

----
Itutuloy..

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon