Chapter 42

58 0 0
                                    

Catherine's POV

Wednesday. At kasalukuyan kaming nagtetest sa last subject na pagtetest namin ng written. Ako tapos na, hinihintay ko lang matapos mga classmates ko. Sabay sabay daw dapat magpass eh. Ang saya diba? Oo kasi hindi na kami magrereview, hindi na kami mapupuyat at hindi na kami magmememorize. Pero bat ganito ang nararamdaman ko? Parang ayokong matapos itong oras na ito.

"Ok class. Pass your papers." Ma'am naman dapat mamaya pa eh.

"Cath nakuha mo ba ang test?" Ann

"Ok lang. Kayo ba?"

"Secret." Ann

"Baliw to. Ok lang naman siya. O ano puntahan na natin sina Lovely?" Natigilan ako sa sinabi ni Micah

"Ahm kayo nalang ang maghintay sa kanila. Maghahanda pa ako eh. May dala kayong extra shirts?" Nag nod sila. "Good. Una na ko sa bahay ha. Sunod nalang kayo. Babye. Ingat kayo." Umalis na ako.

Kailan ko pang maghanda. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Sana kaya ko to. Hanggang monday lang naman to eh. Tapos non tapos na.

Sinabi ko na kina mama na pupunta sila ok lang naman sakanila pwera kay kuya kaya lang wala naman siyang magagawa eh para sa grade namin yon. Pinaghahanda na namin sila ng miryenda.

"Cath nandito na mga kagroup mo."

"Salamat po manang." Sila.

"Doon muna kayo sa may garden. Ready na lahat don ilalabas ko nalang yung miryenda." Ako.

"Tulungan na kita." Tinignan ko si Vince.

"Ako na ang tutulong sa kapatid ko. Doon ka nalang." Hala. Sungit ng kuya ko ha. Ang sama pa man din ng tingin niya kay Vince. Kaya yon si Vince walang nagawa pumunta nalang sa garden.

"Kuya. Behave." Tinignan niya ako ng masama kaya ginawa ko tumakbo ako papuntang kusina.

"Cath kapag ako nakita kitang nasasaktan mamaya mapapalayas sa akin yang dalawang lalaki na yan. Papanuorin ko kayo." Protective brother.

"Kuya, kung nakikita nila na binabantayan mo sila aba syempre magpapakabait yang mga yan no." Nag roll eyes ako.

"Duh anak. Syempre hindi ipapakita at ipapaalam ng kuya mo na binabantayan niya sila no. Utak anak ginagamit paminsan minsan yan." Ok speechless ako sa sinabi ni mama.

"Haha. Epic ng itsura mo. Ano tama sinabi ni mama no?" Mambwisit ka pa kuya.

"Tse. Tara na hatid na natin to sa labas." Tinulungan ako ni kuya na buhatin yung miryenda. Paglabas namin binati siya ng mga kagroup ko kabilang si Vince at Randrei pero itong mabait kong kuya hindi man lang pinansin ang dalawang lalaki. Natawa tuloy ako pero patago no.

Nagmiryenda lang kami. Konting kwentuhan tungkol sa exam. Tawanan kapag narerealize na ano ano ang pinagsusulat sa test papers.

"Start na tayo." Micah. Nagtayuan na kami. Dancers naman kaming lahat eh. Joke. Hmm marunong naman kaming sumayaw kahit papano kaya hindi kami mahihirapan.

"Pili tayo ng dalawang leader natin" Kate.

"Kahit wala na. Ok naman lahat tayo sa pagsayaw diba at we have the right naman to share our suggestions" Ako.

"Tama ka. Kaya lang iba pa din kapag may naglelead sa atin diba?" Sumangayon silang lahat kay Ann. Kaya pati ako sumangayon na din.

"Sino?" Vince

"Ganito nalang magkakaroon tayo ng nomination kaya lang maximum of 3 nominees lang. Dalawa ang mananalo." Ann

"Ok. I nominate Lovely as one of our leader." Randrei. Napangiti ako ng mapait. Hanggang ngayon si Lovely pa din.

"Ay naku wala akong masyadong alam sa mga ganyan. Sumusunod lang ako." Lovely

"Bawal umatras." Dinilaan ko siya.

"Ihh osige. I nominate Randrei." Lovely

"I nominate Cath." Tinignan ko kung sino yon. Si Kate

"Pero..."

"Bawal umatras." Kate.

"So! Our nomination for our leaders is now closed. Aba ganda ng mga nanominate ha." Ann. Ok awkward to.

"Botohan na." Ann. Sino iboboto ko? Walang personalan. Ivovote ko kung sino ang alam kong magagawa niya ang role niya.

"Sino kay Lovely?" Si Randrei lang ang nagtaas at nakita ko na bago siya magtaas tinignan muna niya ako kaya ngumiti nalang ako.

"Isa. O kay Randrei?" Ako, Micah at si Lovely ang nagtaas.

"Whoa. Tatlo. O kay Cath?" Tinignan ko ang nagtaas ng kamay, si Ann, Kate, Vince. Masaya dapat ako diba kasi may tiwala sila sa akin pero bakit iba ata ang nararamdaman ko.

"Ok. So 1 point kay Lovely. 3 points kay Randrei at 3 points kay Cath. Randrei at Cath kayo ang maglilead sa amin. Kaya yan. Group tayo dito kaya we will work as one." Ann.

Tinignan ko si Randrei. Ganyan reaction niya. Hindi ko alam kung ano basta ang alam ko hindi siya masaya. Pinilit kong ngumiti at tumingin ako sa mata niya.

"Kaya natin to." Ngumiti ulit ako pero siya wala eh. Wala talaga. Kaya agad akong tumalikod para hindi niya makita ang reaction ko. Cath wag. Please wag kang iiyak. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Guys. Game na ba kayo?"

"Game na!" Nagtawanan kami.

"Start na tayo."

Hindi ko alam kung paano namin maayos to. Hindi ko alam kung maganda ang kalalabasan nito. Paano magiging maganda ang resulta nito kung ganito kami ni Randrei? Sana kahit ngayon lang kalimutan muna namin lahat lahat ng hindi namin pagkakaintindihan. Hindi lang kasi para sa aming dalawa itong project na to. Ayoko naman na madamay si Kate, Lovely, Ann, Micah at vince sa pagiging ganito namin ni Randrei. Kailangan ko siguro siyang kausapin.

---
Itutuloy..
:)
THANK YOU PO..

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon