Catherine's POV
Pagdating namin sa bahay agad kong ginawa mga assignment ko lalo na sa math. Para agad din akong matapos at agad din umuwi tong si Randrei.
"Randrei gabi na. Baka hinahanap ka na sainyo. Sige ok na. Thank you."
"May kapalit yan." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ah ano?"
"Nakita ko kasi kayo nina Lovely kanina sa canteen. Close pala kayo no. Pwedi mo ba akong tulungang manligaw sakanya?" Eto ang pinaka ayaw kong mangyari eh. Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko na may ibang mahal si Lovely kaya baka masaktan lang si Randrei. Kung matutunan man mahalin ni Lovely si Randrei ako naman ang masasaktan. Pero kung maging silang dalawa alam kong pareho silang sasaya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Sige. Tutulungan kita."
"Sige salamat. Uwi na ako ah. Pakisabi nalang kay tita." Naglakad na siya paalis ako eto nakayuko at pilit pinipigilan ang pag tulo ng luha ko.
"Dalaga na ang kapatid ko." Tinignan ko ang nagsalita si Kuya Christian. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.
"Kuya namiss kita."
"Adik to. Ilang araw pa lang tayong hindi nagkikita eh. Halika nga magkwento ka sa akin. Pumayag ka na tulungan siya tapos iiyak iyak ka diyan."
"Kuya kasi gusto ko si Randrei, nung una hindi man. Kaya lang nung nawala yung bestfriend siya na palagi nandiyan para sa akin."
"Wala ng bestfriend? Kayo ni Vince?!" Tumango ako
"Wala na. Pero ok na. Hindi na yun ang issue ngayon."
"Ah osige ituloy mo na."
"Tapos yon lagi niya akong pinapasaya. Sobrang concern niya. Kaya nafall ako. Pero sinusubukan ko namang pigilan eh. Kuya alam mo sabi niya dati wag ko daw siyang mahalin kasi masasaktan daw ako. Akala ko nagbibiro lang siya pero totoo pala." Pinunasan ko luha ko.
"Mahirap kasi talagang pigilan ya."
"Kuya bakit kasi paasa kayong mga lalaki?!" Binatukan niya ako.
"Hoy hindi naman lahat no. Atsaka alam mo minsan hindi naman talaga kami paasa. Nagiging mabait lang kami. Pag hindi naman kami mabait sasabihin niyo ang rude namin. Ang hirap ng lagay ng mga lalaki." Well.
"Edi feelingera ako. Tapos siya nagiging mabait lang? Kuya naguguluhan na ako. Ayoko ng ganito pero wala akong magawa. Kuya gusto ko si Randrei kaya kahit masaktan ako ayos lang maging masaya lang siya." Ginulo niya buhok ko.
"Alam nating dalawa na masasaktan ka sa ginagawa mo. Pero pag di mo na kaya suko ka na ha. Nandito lang si Kuya." Nagsmile at nag nod ako sakanya. "Sige na tulog ka na. Wag mo ng isipin yon, mahal ka non."
"Talaga?"
"Oo. Bilang kaibigan." Naglakad siya papasok sa kwarto niya habang tumatawa.
Bilang kaibigan. Alam ko naman yon eh. Bilang kaibigan lang. Pero tanga na kung tanga, manhid na kung manhid. Pero mahal ko siya eh hindi ko hahayaan na masaktan siya DAHIL MAGKAIBIGAN KAMI.
---
Friendzone :(