Chapter 26

72 1 0
                                    

Catherine's POV

Naglalakad na kami papuntang stage. Ang tahimik ng mga kasama ko. Baka napagod kanina. Nakakapagod naman kasi talaga eh. Ng malapit na kami sa stage parang ang ingay. Tinanong ko naman sina Randrei hindi daw nila alam. Hintayin ko nalang na makarating kami sa stage.

"Happy Birthday Catherine!!!!!" Hindi ako makapagreact sa nakikita ko. Lahat ng 4th year nandito. Tapos yung mga lobo kanina nakaform na ng Happy Birthday Cath.

"Cathy." Inalog ako ni Randrei kaya nabalik ako sa katinuan.

"Birthday ko nga pala. Happy birthday to me."

"Cath upo ka muna dito." Binigyan nila ako ng upuan at biglang may nagplay sa screen. Meron kasing white screen dito.

Pictures ko ang nilalabas sa presentation. May background music pa na true friend. Nakakahiya mga pictures ko. Natapos ang mga solo picture ko at sumunod ang pictures namin ni Vince. Nagulat ako kasi hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sobrang close at sobrang sweet namin. Biglang napalitan ng video ang picture namin.

"Hi Cath. Alam kong di ka sanay na Cath ang tawag ko sayo. Kaya lang di na kitang pweding tawagin tulad ng dati. Sorry kasi iniwan kita. Kung nasaktan kita sorry. Sana maintindihan mo ko. Thank you for being a good, true, lovable and caring best friend. Iniisip mo siguro ngayon iniwan kita tapos ngayon nagmemessage ako ng ganito sayo. Iniisip mo siguro na iniwan kita tapos ngayon gusto kong maging part ng birthday celebration mo. Gusto ko kasi kahit iniwan kita maging part pa din ako ng buhay mo. Yung sinabi ko dati na kalimutan mo na ko wag mong gawing totoo ha kasi ayaw ko. Di ko pa kaya." Nagstop ang video at biglang may nagsalita.

"Happy birthday Cath. More birthdays to come. Stay humble, kind and understanding. Sana balang araw maintindihan mo ako." Vince. Lumapit siya sa akin at inabot ang paper bag.

"Thank you." Niyakap ko siya ganun din ang ginawa niya. Sandali lang yon at umalis na siya.

Nagplay ulit ang presentation kanina. Pictures namin ni papa. At kagaya kanina napalitan ito ng video. Wait hindi pala video, skype siya.

"Hi Anak. Kamusta ka na? Happy birthday." Papa.

"Papa! Ok lang po ako. Thank you po. Kayo po kamusta na?"

"Ok lang ako anak. Miss na miss na miss ko na kayo diyan lalo ka na. Pag uwi nalang ni Papa dun niya ibibigay ang regalo mo ha."

"Kahit wala po. Makita ko lang kayo ok na. Miss you too papa."

"Cath kapag may nanakit sayo sabihin mo lang sa amin ni kuya Christian mo. Susuntukin namin siya ni kuya. May nakwento sa akin ang kuya mo tsaka na natin pag usapan ha. Basta kapag sobra na ang sakit na nararamdaman mo tigil ka na anak. Happy birthday Catherine. I love you."

"I love you too papa."

"Mag iingat ka palagi ha. Sige na babye." Namatay ang skype. Ako naman eto na haggard na kakaiyak. Kanina pa to eh.

Nagplay ulit ang presentation. Pictures namin nina Ann, Micah at Lovely. Katulad ulit ng kanina napalitan ito sa video. Silang tatlo sama sama.

"1 2 3, Happy birthday Caaaaaaath."

"Ako muna ha. Hi Cath happy birthday. Kung hindi ka man niya mahal ok lang yan mahal ka naman namin eh. Haha. Pakatatag ka Cath marami ka pang ipagtatanggol. I love you. Mua." Ann

"Happy birthday Catherine. Alam kong hindi ka agad sumusuko pero Cath may mga bagay na kailangan natin isuko para di na tayo masaktan. Wish ko para sayo? Sana ma appreciate ka na niya. Masakit ba? Peace tayo birthday girl. I love you. Mua." Micah

"Hi Cath. Happy birthday. Thank you for all the things you made. Sacrifice? Tama na muna yan. Isipin mo muna ang sarili mo. Hayaan mo munang sumaya ka. Cath maraming nagmamahal sayo. Isa na ako dun. I love you Cath. Mua." Lovely.

Nagstop ulit ang video at nakita ko sila na papalapit sa akin. Inabot nila ang regalo nila sa akin.

"Salamat."

"Wala yon. Wag ka ngang umiyak pumapanget ka." Pinunasan nila ang luha ko at nagplay ulit ang presentation. Pictures naman namin ni Randrei. At ulit may nagplay nanaman na video.

"Cathy happy birthday. Thank you for making me happy. Thank you for helping me. Thank you because you're always on my side. Keep safe because I still need you. Happy birthday." Kanina ang saya ko. Pero parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Randrei but still happy ako. Lumapit siya sa akin at inabot ang regalo.

Akala ko tapos na hindi pa pala. Lahat ng 4th year nag abot ng lobo sa akin. Pagkatapos non nagplay ulit ang video yung mga pictures kanina. At ngayon ko lang narealize na nabuo pala namin ang word na HAPPY. Natapos na ang presentation

"Ahmm sobra akong natouch sa ginawa niyo. Seniors, Vince, Ann, Micah, Lovely, Randrei at sa lahat ng tumulong na gumawa neto thank you. Thank you so much on remembering my birthday at celebrating it. Ako nga nakalimutan ko na birthday ko eh. Thank you sa lahat lahat. Oh my gosh wala akong masabi. Ang ganda. Nagustuhan ko. Thank you. I love you all."

Nagkanta sila ng happy birthday. At lumabas si mama at kuya na may dala dalang cake.

"Happy birthday Anak. I love you." Kiniss ako ni mama.

"Happy birthday my dear sister. Stay strong ok? I love you." Niyakap ako ni Kuya.

"O bago mo iblow ang candle make a wish muna." Mama

Pumikit ako at nagwish. 'Sana maging masaya kaming lahat.' Binlow ko ang cake ko. Sina mama naman nilabas ang maraming pagkain.

Thank you Lord for this another year.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon