Umiiyak na naman ako. Palagi na lang ganito. May kung anong sumpa talaga si Ivan sa buhay ko kaya kapag sumasagi siya sa isipan ko o kung may nagbabanggit sa pangalan niya o kapag may nagpapa-alala sa kanya ay napapaiyak na lang ako.
Para siyang isang bangungot na hindi ko maalis sa pagkatao ko. Nang iniwan niya kasi ako, para akong ibon na nawalan ng pakpak. Yes, ganun kadrama ang metaphor ko sa pag-iwan niya sakin. Dahil tangina niya, minahal ko siya ng buong-buo.
First love ko siya, at siguro nga totoo yung kasabihang first love never dies, dahil hindi pa mamatay-matay ang gago. Kung nasaan man siya ngayon, sana kinarma na siya ng bongga. Sana nagkagirlfriend siya ulit tapos iniwan din siya sa ere para maranasan niya yung naranasan ko.
Third year high school ng maging kami, at yun na siguro ang pinakamasaya kong taon sa buong high school life ko. Siyempre, sino ba naman ang teenager na di kikiligin kapag bigla ka na lang niligawan ng crush mo since first year kayo? Sinong nagdadalaga ba naman ang hindi magpipigil ng kilig dahil seatmate mo buong araw ang crush mo na kalaunan ay mahal mo na pala?
Lahat ng high school girls, pangarap na magkaroon ng love life sa high school, kasi iba yung excitement at kilig na dala ng ganito eh... Pag teenager ka pa lang kasi, cute pa yung crush-crush at tuksuhan. At dahil wala ka pang masyadong clue tungkol sa love, konting bagay lang na gagawin para sayo ng boyfriend mo kinikilig ka na.
Ganun kami nun ni Ivan. Ang saya namin palagi. Kami nga yung couple of the class kasi tumagal kami hanggang fourth year. Yung iba kasi parang naglalaro lang. May karelasyon ngayon, bukas break na. Pero kami ni Ivan, seryoso na kami sa isa't-isa. Plano nga namin, kumuha ng Communication pagtuntong namin ng college dito parin sa Enigma University. Para lang palagi kaming magkasama.
Kaya nang malaman kong mag-migrate na pala sila Ivan papuntang Japan, at doon na daw siya mag-aaral--- siyempre pakiramdam ko natraydor ako. Kasi ako, lahat ng balak ko sa buhay ko kasama na siya. Kumbaga, kino-consider ko siya sa bawat desisyon ko. Tapos biglang ganun?
Dahil di ko matanggap na aalis siya, pinapili ko siya. Alam ko naman na ang selfish ko para papiliin siya. Alam na alam ko na yun ngayon, kasi iniisip ko na kung di ko ba siya pinapili noon kung ako ba o yung studies niya, ano kayang mangyayari? Kami pa rin kaya? Kahit long distance relationship?
Pero isa kasi ako sa mga babaeng hindi naniniwala sa LDR. Feeling ko kasi, hindi namin parehong kakayanin. Sa tingin ko kasi kailangang mature ka na sa ganoong sitwasyon, at Diyos ko, ilang taon pa lang ba ako noon?
Dun ko nalaman yung pagiging makasarili ko. Kasi pinili ako ni Ivan. At dahil gusto niya akong makasama, naisip niyang lumayo kami. Ako naman itong tuwang-tuwa na pinili niya ako, sumama ako sa kanya. Pupunta daw kaming Bicol sa Lolo niya. Doon daw kami titira.
Kaya nag-empake ako at nag-iwan lang ako ng note kina Mama at sumama na ako kay Ivan. Excited akong nakipagkita sa kanya. Pero habang nasa biyahe na kami papuntang terminal, naisip ko naman bigla yung magiging buhay namin. Natakot ako. Ayokong pareho kaming hindi makapagtapos ng kolehiyo at masayang yung kinabukasan namin. Naisip ko din ang pamilya ko, na malamang nag-aaalala na sakin.
In other words, I got cold feet. Kaya ang ginawa ko, tinext ko ang parents ni Ivan kung nasaan kami. Nagulat pa si Ivan nang makita niya ang parents niya sa bus terminal. Tinanong niya ako kung ako ba ang nagsabi kung saan kami pupunta.
Umiiyak na ako noon, nang tumango ako sa kanya. Sabi ko, sorry, ayokong sirain ang buhay niya. Sumama na lang siya sa kanila. Sabi ko pa, pwede namang kami pa rin kahit nasa Japan na siya. Kung kinakailangang maging mature ako para magwork yung LDR na yan ay gagawin ko, basta wag lang ganito.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...