26. FLORENCE

243 10 0
                                    

Nababaliw na ako.

Nababaliw na ako.

Nababaliw na ako.

Yun ang paulit-ulit kong binibigkas sa utak ko simula nang inamin ko sa kanyang kinilig ako dun sa ginawa niya para sa'kin nang madatnan niya kami ni Felicitas na nagsasabunutan.

Nakakahiya kasi. Talagang sinabi ko sa kanyang kinikilig ako sa kanya!

Waah!

Ano na ba ang nangyayari sayo, ha Florence Gayle Jacinto? Bakit mo sinabi yun?

Hindi ko talaga makakalimutan kung gaano kaaliwalas ang mukha ni Boy Headset nang marinig niya ang sinabi kong yun sa clinic. Kulang na nga lang nun ay magsisigaw siya at magtatalon sa bed kung saan kami parehong nakahiga. Sobrang saya niya kaya natawa na lang din ako.

Hindi ko kasi inexpect na makikita ko yung side na yun ni Geoff. Nakakatuwa kahit papano na nakikita ko siyang ganun, para talagang close na close na kami sa isa't-isa dahil dun.

Pero pinagsisihan ko din agad kung bakit ko inamin ang bagay na yun sa kanya dahil inulan ako ng tukso galing sa kanya. Kaya naman pagkatapos ng eksenang yun ay hindi na muna ako nagpakita sa lalaking yun.

Buong araw akong nagkulong sa office ng Daily Enigma dahil ayokong makita si Geoff. Nahihiya kasi ako at alam ko rin naman na puro tukso lang ang aabutin ko sa kanya. Sa text pa nga lang, kung ano-ano na ang mga tinetext niya sa'kin, paano pa kaya kapag kaharap na niya ako?

Nariyang nagtext siya ng: ganyan sa simula ang pag-ibig, isinisilang sa kilig.

Naubo pa nga ako nang mabasa ko yung text niyang yun. Saan naman kaya kinuha ng ungas na yun yung matalinhaga niyang text? Ano 'to, nagiging makata na rin siya?

Panay din ang text niya kung anong oras daw niya ako pupuntahan para sabay kaming umuwi sa kanila (dahil nga nangako akong sasamahan ko sila ni Julie sa bahay nila at pumayag naman sila Mama) at ilang beses niya din iyong tinanong. Tapos nung alas tres na ng hapon ay nagyaya naman siyang magmeryenda doon sa cafeteria pero hindi ko rin iyon sinagot. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa mga pinagsasabi ko. Lately parang lutang na talaga ang utak ko at ang parang ang sarap na lang magpadala sa Mars at dun na mamuhay.

Nagtrabaho na lang ako sa office at inayos ang mga dapat ayusin. High blood na naman kasi si Clarice at feel kong sinasadya niya iyon dahil tingin ko alam niyang nag-away kami ng pinsan niya.

Haggard na tuloy kami nina Imari at Theo sa pagpriprint out ng kung ano-ano at pag-edit ng mga articles na ipa-publish namin sa aming website. Nakapagpahinga lang kami nang umalis si Clarice ng office.

"Grabe na itetch," reklamo ni Imari na parang bading sabay punas sa mukha niya. "Di ko na kayang mag-type. Pudpod na kaya ang mga daliri ko."

"Ako din, masakit na kamay ko," reklamo ko din. "Baka pwedeng wag tayong magmadali? May three days pa naman tayo ah," sabi ko pa na ang tinutukoy ay ang deadline para ma-post yung mga articles sa website.

Umiling naman si Theo na kinukusot-kusot din ang mga mata. Masakit na siguro sa kakatitig sa screen ng computer. "Hindi kasi tayo pwedeng maging kampante sa oras. Alam niyo namang darating na ang Division Presscon, mas magiging busy na tayo kaya dapat wala tayong maiwang gawain bago ang malaking event na yun."

Na-excite naman ako dun. "Oo nga no? Kelan na pala ang Division Presscon?"

"Sa katapusan..." sagot pa ni Theo. Lalo akong na-excite dahil sa lahat ng activities ng Daily Enigma, ang Division Presscon ang pinakamasaya naming activity. Isa kasi yung inter-school event at ginaganap sa iba't-ibang lugar. Last year, sa Baguio iyon ginanap. And this time, pinapangarap namin nina Imari at Theo na sana gawin naman ang Division Presscon sa Visayas o sa Mindanao. Enjoy yun panigurado.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon