The trouble with my love for Geoff, is that it is so strong that it stings. Ang sakit. Kahit hindi naman ako siguradong may anak na nga sila ni Lorelei, nasaktan pa rin akong isipin na baka nga may anak na siya, at mahahati na ang atensiyon niya kapag nagkataon. Hindi naman ako ganun ka-mentally strong para hindi indahin 'yung possibility na yun, siyempre ang sakit nun. Lalo na at nakaka-guilty rin na isiping baka may pamilya na sana sila kaso nasira yun dahil sa ako ang mahal ni Geoff. Parang ang hirap lang i-digest nun.
Gusto ko mang tanungin si Geoff tungkol dun ngunit nawalan na rin ako ng chance. Nung gabing yun kasi masyado akong nalungkot at nasaktan para tanungin siya kaya umuwi siyang hindi ako naliwanagan. Nang mga sumunod namang araw hindi na rin naman kami nagkita dahil sa work niya. Kung saan-saang malalayong probinsiya siya napupunta at halos hindi na kami magkita sa loob ng isang linggo. Sa text at tawag na lang kami madalas magkausap at ayoko namang dun ko siya tanungin. Gusto ko personal para maging maayos ang magiging pag-uusap namin. Ang hirap kasi baka magalit ako sa kanya habang kausap ko siya sa phone tapos babaan ko siya ng telepono. Eh di hindi kami nagkaunawaan nun.
Buti na lang bumalik na kami ni Imari sa dati, at ngayon nga ay nandito siya sa bahay at tinutulungan akong pumili ng mga damit na dadalhin ko sa Cebu.
Nakanguso siya habang hinahalungkat 'yung bundok ng mga damit ko. "Hindi ka na ba mapipigilan, Renz? Ang bilis mo namang makapag-desisyon. Ako nga hindi ko pa alam kung ano'ng gagawin ko ngayong graduate na tayo. Tapos ikaw may trabaho ka na?"
"Sumama ka na lang kaya sa akin?" Yaya ko naman.
Sumimangot siya. "As if naman papayag ang parents ko. Kahit lumipat ako diyan lang sa kabilang kanto ng bahay namin hindi yun sila papayag."
Nalungkot na rin ako dahil dun. Parang nakakabitin nga naman, kelan lang kami nagkabati ulit ni Imari tapos malalayo na ako sa kanya. Kaso iniisip ko ang hirap naman kasing tumanggi sa isang opportunity na alam kong hindi na dadating pa sa pangalawang pagkakataon.
"Eh Renz, ano na pala ang plano mo tungkol dun sa narinig mo? Siguro naman wala kang balak na patagalin yan?"
"Hindi pa nga kami nagkakasama. Kaya hindi ko pa ma-open up sa kanya."
Hinawakan ako ni Imari sa kamay ko. "Malalampasan niyo rin yan, Renz. Communication lang talaga yan, tingnan mo at magkakaintindihan din kayo. Tingin ko naman kay Geoff ikaw pa rin ang priority niya. Tingnan mo naman, hindi naman yun magpapaiwan dito kung mas gusto niyang makapiling si Lorelei..."
"Yun nga eh," daing ko naman. "Eh paano kung dahil sa'kin, may masisirang kinabukasan ng isang inosenteng bata?"
Bigla naman akong pinanlakihan ng mga mata ni Imari. "Ayan ka na naman, Renz. Masyado ka na namang nago-overthink. Hindi mo kasalanan yun, okay? Kung may dapat umako ng kasalanan dun, sina Geoff at Lorelei yun. Hindi ikaw."
"Sabagay..."
"Ang issue mo naman talaga dapat ay kung okay lang ba sa'yo na may baby na si Geoff. Kung hindi mo yun kayang tanggapin, sabihin mo kay Geoff. Para alam niya. Para alam niyo kung ano'ng gagawin..."
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magtampo o magalit... Hindi pa naman kami nung magka-baby sila eh...kung sakali..."
"Hay Renz, hindi ganun yun. May karapatan ka namang masaktan. Kasi kung hindi mo naman feel na may anak na ang boyfriend mo...hindi ka naman pwedeng pilitin ni Geoff di ba?"
Napaisip na naman ako. May parte sa'kin na humihiyaw sa hinanakit at gustong magalit at magsisigaw, pero meron din akong side na gustong intindihin ang lahat...
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...