23. GEOFF

276 10 4
                                    

Pumayag si Florence sa pakiusap ko. I felt relieved because I could now face Julie without worrying but I was equally disappointed too.

Ganun kasi kagusto ni Florence na tigilan ko na siya. Pumayag siya sa request ko dahil sinabi kong titigilan ko na siya pag magpanggap siyang girlfriend ko.

It saddens me, that realization that she couldn't wait for the day that I will leave her alone to finally come.

Ayoko sanang tumigil na manligaw eh. Gusto ko na kasi talaga siya. Gustong-gusto. Kaya ko lang naman nasabi yun sa kanya, na titigilan ko na yung panliligaw sa kanya ay para mapilit ko na siyang pumayag. Akala ko kasi mahihirapan ako. Ayon tuloy, napasubo ako.

Well, anyway, I am a realistic person and when I come to realize na wala naman talaga akong pag-asa sa isang bagay, ititigil ko na. Siguro itong deal ko with Florence, ito na lang yung hihingin kong sign. Kapag wala pa ring mangyari sa isang linggong pagpapanggap namin, susuko na ako.

***

Maaga akong umuwi kinabukasan dahil tinawagan na ako ng parents ko na nasa bahay na sila. Hindi na nga ako nakapag-paalam kay Florence na tulog pa. At dahil weekend, malamang mamaya pa yun gigising. Sa Mama at Papa na niya lang ako nagpaalam.

When I got home, agad din akong inusisa ni Mommy. She congratulated me for winning Mr. Enigma and then went on to ask the details about my sleep over at Florence's.

"Mommy, it's not like that," I said with the tone of irritation.

Nakangiti lang si Mommy habang pinaghahandaan ako ng almusal. Hindi na kasi ako kumain dun kina Florence bago umalis. "Uy...ang anak ko, in love na ulit. Defensive ka na eh... Di naman ako magagalit kung nagtabi na kayo sa pagtulog ni Florence---"

"Mom?" Reklamo kong pulang-pula na. Napatingin ako kay Daddy na nasa tabi niya para humingi ng tulong kaso hindi niya ata kami naririnig. Busy kasi siya habang nagbabasa ng newspaper.

"O bakit Geoff? Galit ka na niyan?" Tukso pa ni Mommy.

Napakamot na lang ako sa ulo. "Hindi naman kasi kami nagtabi ni Florence. How can we do that eh andun parents niya?"

Pero imbes na tumahimik na siya sa sinabi ko, parang teenager na kinilig pa si Mommy. "I knew it! Gusto mo naman talaga di ba? Rey! Girlfriend na ata ng anak natin si Florence!"

Saka lang ako tiningnan ni Daddy nang marinig niya yung sinabi ni Mommy. Nagkangitian ang dalawa. Napasapo na lang ako sa noo ko. Eh kasi naman, botong-boto talaga sila para kay Florence.

Tinanong pa ako nila kung official na daw ba talaga ang pagiging couple namin ni Florence at natawa na lang ako. Hindi ko kinonfirm pero hindi rin ako nag-deny. Ang pangit naman kasing magsinungaling sa kanila. Baka mamaya bigla na lang silang sumugod kina Florence at mamanhikan. Kilala ko ang mga magulang ko at baka mapasubo pa ako.

Not that I don't like that idea. It's just that... I don't find it fun to have Florence that way. Walang challenge. Gusto ko, may feelings na rin siya para sa'kin bago mangyari yung mga ganun.

"Geoff anak, siguro naman okay lang sayo na dito si Julie starting on Monday?" Tanong ni Daddy na nakatingin sa'kin. "Kung kami lang din ng Mommy mo, we wouldn't have let her stay here because of your history together. But her parents asked..."

Tumango ako. "I know Dad. You don't need to explain. Besides, past na rin naman yun..."

Ang awkward na pag-usapan naming tatlo ang tungkol sa love life ko. Nakakahiya na nakakailang. Hindi naman talaga ako makwento tungkol sa mga ganyang bagay. Ako yung tipong napaka-secretive, at hindi mo talaga ako mapipilit magsalita when it comes to my private life. Basta ganun lang ako.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon