GEOFF
Nagtataka na ako kung bakit hindi sumasagot si Florence sa tawag ko. Nakarating na kasi ako sa venue ng event na ito, sa tulong na din ni Ivan. Gusto ko sanang sorpresahin si Florence, na nagi-expect na si Ivan ang darating para maging ka-date niya. Ang hindi niya alam kinontsaba ko na si Ivan tutal nandito rin pala siya sa Cebu.
Sobrang selos kasi ang naramdaman ko nang sabihin ni Florence na posibleng may ibang lalaking maging ka-date niya sa event ng kumpanya nila kaya agad-agad din akong kumilos. Nalaman kong nasa Cebu din pala si Ivan, kaya kinausap ko siya na dalawin si Florence habang nagbibiyahe pa lang ako papunta doon at para makibalita na rin tungkol dun sa Romer na sinasabing nanliligaw daw kay Florence. Natatawa nga ako nang magreklamo sa'kin si Ivan dahil inutusan ko siyang i-message sa Facebook si Romer at pakiusapang umatras sa 'date' nila ni Florence. Willing pa ako nung bayaran 'yung lalaking yun para hindi na siya tumuloy sa usapan nila ni Florence ang kaso hindi rin ito natinag. Dun na nagreklamo sa'kin si Ivan dahil pinipilit ko siyang lakihan ang offer dun sa Romer na yun. Pero hindi talaga ito nagpapigil kay Ivan.
Pero mukhang nakatadhana yata talaga ako para kay Florence dahil nung Linggo ng umaga nag-message agad kay Ivan si Romer na hindi na siya matutuloy na maging ka-date ni Florence dahil may kapamilya daw itong naaksidente. Agad itong ibinalita ni Ivan sa'kin, at kung hindi nga lang masamang matuwa sa nangyari dun sa Romer na yun, malamang nag-celebrate na siguro ako.
Kaya dahil feeling inspired na ako sa nangyayari, naisip ko nang sorpresahin si Florence. Sinadya kong hindi muna magpa-contact sa kanya para si Ivan ang kausapin niya. At tama nga ako, ito nga ang niyaya ni Florence nang malaman na niyang hindi na tutuloy si Romer. Sinabihan ko naman si Ivan na umoo. At ang plano, ako ang sisipot sa venue para magulat si Florence.
Which brings me back to what was happening at the moment. Florence was not picking up my call, which worried me. Naisip ko baka nagtatampo siya sa akin dahil ang alam niya nga ay hindi ako pupunta ngayon rito. Oo tama, baka galit nga siya sa'kin.
Kaya ang ginawa ko, pinatay ko na muna 'yung pagtawag ko kay Florence para si Ivan naman ang kontakin, i-check ko lang sana kung alam niya ba kung bakit di sumasagot si Florence sa tawag ko nang parang huminto ang puso ko sa pagtibok sa napansin ko.
Holy shit.
Tinitigan ko ang phone na hawak ko ngayon na medyo kinakabahan. Hindi kasi ito ang ginagamit kong phone daily. Ito 'yung luma kong phone. Yung luma kong phone na nakuha ni Felicity dati. Ito 'yung phone na ginagamit ko noon nung kami pa ni Julie, 'yung number na hindi na niya ma-contact noon dahil nag-iba na ako ng number.
Ang tanga ko. Bakit kasi dinala ko pa ito rito? Ngayon, paano na?
Nagulat ako ng may biglang yumakap sa'kin, at mabuti na nga ang at nakapag-balance ako agad kaya hindi ako natumba.
"Florence..."
Umiiyak na pala sa dibdib ko si Florence, at may kutob na ako kung bakit. Na-guilty ako bigla.
Tapos bigla siyang tumingala sa mukha ko, at hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya. Yes she was crying but she was also half-laughing. "Geoff..." hikbi niya. "Ikaw si...si Mr. Pagong? Ikaw ba talaga siya?"
I nodded, because it looks like I can't deny it anymore, and then she cried harder. "Ako nga siya, Florence."
"Pero akala ko si Ivan---?"
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...