37. FLORENCE

138 8 2
                                    

Pinagmasdan ko silang dalawa na maglakad sa ulan na magkasilong sa ilalim ng iisang payong. And I admit, nasasaktan ako sa nakikita ko. Kahit pa sabihin na nating si Felicity lang iyon, na malabo namang magustuhan ni Geoff, nasasaktan pa rin ako na makita siyang may ibang babaeng kasama.

Oo break na kami at malaya na siyang makipag-date sa kahit sinong babae, pero hindi ko maiwasang itanong. Bakit si Felicity? Bakit siya?

Akala ko ba nagkabalikan na ulit sila ni Julie? Wait...does that mean na hindi si Julie yung babae ni Geoff? Kaya ba todo deny sa'kin si Julie kasi in the first place, hindi naman talaga sila nagkabalikan ni Geoff?

Naalala ko bigla yung sinabi sa'kin ni Julie nung pinuntahan namin siya sa kanila. 'Paano kami magkakabalikan ni Geoff, eh naging kayo na di ba?'

So ito yun? Hindi nga si Julie ang bagong gusto ni Geoff? Kundi si Felicity?

Natawa na lang ako bigla. Natawa nang mapait at may halong luha. Hindi lang kasi ako talaga makapaniwala. Si Felicity. Si Felicitas. Siya talaga!

Pagkauwi ko, nakipagchikahan ako kay Imari sa phone at sinabi ko sa kanya ang nalaman ko. Hindi siya naniwala. "Alam mo, nabubuang ka na, Renz. Gusto mo bang magpa-check up? Willing akong samahan ka. Baka kasi may sinat ka."

"Grabe ka naman," sabi kong natatawa na rin lang. "Hindi pa ako baliw. At wala din akong sakit."

"Pero parang ganun ka," dugtong niya sa sinabi ko. "Hello? Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Si Geoff at Felicity? Yuck! Super yuck!"

"Nakita ko nga silang dalawa na magkasama!" Giit ko.

"Eh ano naman kung magkasama sila?" Sabi niya pa. "Classmates naman sila. At kilala mo naman si Felicitas, feeling maganda talaga yun palagi. Malay mo, may ginawa silang school-related kaya sila magkasama. Tsaka si Geoff? Ipagpapalit ka kay Felicitas? As in kay Felicitas talaga? Okay lang ba siya? Aba, ang tanga niya naman kung totoo man 'yang sinasabi mo!"

"Tanga-tanga naman talaga yun," sagot kong may halong pagkaasar kay Geoff. Dahil nagawa niya nga akong iwan, ako na nagmakaawa na sa kanyang 'wag akong iwan.

"Kumbinsido ka ba talagang may something dun sa dalawa?" Usisa pa ni Imari sa'kin.

"Oo. Pakiramdam ko may something talaga sa kanila."

"At binase mo lang yun sa nakita mong sinundo si Felicitas ni Geoff, right?"

"Oo," reply ko. "At oo, alam ko ang pinupunto mo. Pero alam ko kung ano ang nakita ko."

"Medyo mahirap kasing paniwalaan, Renz," sagot niya mula sa kabilang linya. "Alam mo yun? Parang ang hirap paniwalaang magkakagusto si boylet sa isang higad. Paano mo kasi nasabing may something sa kanila nang makita mo sila?"

"Kasi yung payong na yun ni Geoff, bihira niya lang yung g-gamitin..." sagot ko. "Ginagamit niya lang yun kapag susunduin niya ako."

Saglit na natahimik si Imari. Ako naman, naalala ko na naman yung mga times na kami pa ni Geoff. Lalong-lalo na yung panahon kapag nagkikita kami. Parating umuulan. I remember one time, bumabagyo noon at inaaway ko siya pero sinundo niya pa rin ako, tapos halos makita na niya ang dibdib ko dahil nayakap ko siya bigla nang kumulog at kumidlat nang malakas. Sobrang nakakahiya nun pero sobrang saya ko din nun na siya pa lang ang nakakita sa'kin nang ganun.

"Renz, kailangan mo nang mag-move on," sabi ni Imari na malumanay ang boses. "Alam mo naman yun di ba?"

"Oo."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon