42. GEOFF

107 5 0
                                    

It was one of those threats that you could not just ignore. Kung wala lang sanang sinalihang pageant si Florence, eh hindi ako matatakot sa banta ni Felicity. Pero yun nga, nasa gitna ng isang beauty contest ang girlfriend ko. And the last thing I wanted to happen was for her to get humiliated in front of all this people watching.

Galit na galit ako kay Felicity dahil wala akong magawa. Napapaisip ako, at wala akong maisip na paraan upang mapigilan siya. She was crazy. Talagang gagawin niya lahat masaktan niya lang si Florence. I never thought cruel people like her existed.

"Geoff, okay ka lang?" Untag sa'kin ni Kuya Timothy habang nasa backstage kami. Kakarating lang kasi namin dito sa Tagaytay at kinakausap namin 'yung event coordinators tungkol sa performance namin pero nakatulala na pala ako sa sobrang pag-iisip.

"Ha? Oo...inaantok lang Kuya..." sabi ko and I was on the verge of telling him what was happening. Pero napaisip din ako. Kapag ba sinabi ko sa Kuya ni Florence at sa buong banda ang tungkol dun, mapipigilan ko na ba itong pangba-blackmail ni Felicity sa'kin?

I don't think so.

Posible ngang mapatigil ko siya today pero paano naman bukas? Sa mga susunod na araw? I'm sure maghahanap si Felicity ng pagkakataon para gantihan si Florence sa kasalanan nito sa kanya noon. Which was a petty thing to do, by the way.

Nakangisi lang sa'kin si Kuya Timothy. "Geoff, hindi mo naman sinabi kay Florence na nandito tayo di ba?" Tanong niya.

Umiling ako. Tumango siya.

"Good. Ibig sabihin magugulat talaga siya na nandito ka. At magpe-perform ka pa."

"Opo. Salamat sa tulong Kuya." Nakangiting sagot ko dahil totoo yun. Dati kasi nagpatulong ako sa kanya kung ano bang magandang gawin para sa monthsary namin ni Florence. Dahil hindi pa kami nagsi-celebrate nun.

Kaya gumawa ng paraan si Kuya Timothy upang makapag-perform kami rito sa Division Presscon para sorpresahin si Florence. At pagkatapos nun ay nag-arrange pa siya ng isang dinner date sa isang sikat na hotel dito para sa aming dalawa.

Ang sarap sanang isipin na botong-boto sa'kin ang kapatid ni Florence at ginagawa niya ang mga ganitong bagay para sa'min pero ewan ko kung matutuloy pa ba itong mga pinaplano namin dahil sa pananakot ni Felicity. Mas lalo lang akong nagagalit.

Kung hindi lang kay Florence, baka hindi ko na pinansin pa itong panggugulo ni Felicity. Kung hindi lang ayokong masaktan si Florence...

Nang makita ko naman si Felicity na kausap yung dj sa gilid ng stage, agad ko siyang sinugod doon. Nakita nila ako at biglang umalis yung dj. Si Felicity na lang ang naabutan ko dun.

"Ipapakulong kita, Felicity para sa ginagawa mong ito..." pananakot ko sa kanya.

Pero nakangiti pa rin siya. "Ano ka ba naman, Geoff. Wala pa naman akong ginagawa," aniya na nang-iinis na naman. "Pwede mo lang akong ipakulong, kung tapos ko nang gawin ang gusto kong gawin kay Florence. Yun ay kung makukulong ako ha? Kasi I doubt na makukulong ako."

Masama ang tingin ko sa kanya dahil may punto siya. Hindi ko nga naman siya maipapakulong pa ngayon. "You're so evil. Sana lang karmahin ka rito sa ginagawa mo..."

"Whatever Geoff. Basta ako gagawin ko ang gusto kong gawin. At kung gusto mong hindi mapahiya rito ang girlfriend mo, hiwalayan mo siya...ganun lang kasimple."

Umalis na ako dahil baka kung ano pa ang gawin ko sa kanya. Baka masaktan ko pa siya eh. Ako pa ang makukulong kapag nagkataon. I stormed out of the backstage at may nabangga pa ako na papasok doon.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon