7. GEOFF

304 18 1
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa canteen. Nagising na lang ako dahil sa mga ingay sa paligid. Nararamdaman kong pinagtitinginan na naman ako ng mga tao sa paligid ko.

"Tingnan mo, nagising na siya! Ang cute niya pag bagong gising!"

"Di ba Geoff ang name niya? Lapitan kaya natin?"

Hindi ko na lang pinansin yung mga babaeng naririnig ko. Para sa'kin kasi sasakit lang ang ulo ko 'pag inintindi ko pa sila. Aalis na lang sana ako nang marinig ko namang pinag-uusapan ako ng dalawang babae sa likuran ko pero bigla kong nakita sila Florence at yung kaibigan niya na papasok ng canteen. Dali-dali akong bumalik sa inuupuan ko kanina at nagpanggap na natulog. Teka, teka... bakit ko nga pala ginagawa 'to? Bakit ako umiiwas? Eh kasi naman 'tong si Florence...

"Talaga, Renz?"malakas na tanong ng kaibigan ni Florence at base sa lakas ng boses nila, nakaupo lang sila malapit sa'kin. "May nakilala kang new boylet kahapon?"

Ano raw?

"Oo nga, ang kulit," sagot naman ni Florence sa kaibigan niya. "Pero hindi ko naman siya nakilala talaga, kasi nakamaskara nga kami di ba? Nagkausap lang naman kami...as strangers nga lang."

"Ah, pero di ba sabi mo type mo yun? Mr. Pagong pa nga ang tawag mo sa kanya eh..." parang kinikilig naman si Imari sa sinabi niya. Wait, what? Mr. Pagong? Ang baduy naman nun! Hahaha!

"Ano ka ba Imari," narinig ko ring saway ni Florence sa kaibigan niya. "Crush lang naman, hindi ko rin naman kasi nakita ang mukha niya kung gwapo ba siya talaga. Pero okay na rin sa'kin kung 'di gaanong gwapo basta mabait siya at masaya kausap. At higit sa lahat, may good manners dapat," kinikilig na rin si Florence sa sinasabi niya. Tss. Gusto kong matawa sa kanya.

"Alam mo ikaw, ang weird mo talaga pagdating sa mga lalaki," komento nung Imari. Ano ba to, parang nag-i-eavesdrop tuloy ako sa kanila. "Bakit naman doon ka pa nagka-crush sa hindi mo kakilala? Hindi mo nga nakita ang mukha nun tapos crush mo na? Kay boylet, hindi ka nagkaka-crush samantalang halos lahat ng girls dito sa Enigma University gusto siya."

"At bakit naman ako magkakagusto sa lalaking yun?"  halos sigaw na ni Florence. Napasilip ako sa kanila at nakita ko ngang nasa mesa sila sa kanan ko. Nakatalikod sa'kin si Florence kaya hindi niya napapansin na nasa likod niya lang ako.

"At sino namang normal na babae ang hindi magkaka-crush kay Geoff Alejandre?" tanong ulit ni Imari sa kasama niya at muntik na akong mahulog sa inuupuan ko. Ako pala pinag-uusapan nila. So ibig sabihin ako yung pinag-uusapan nilang 'boylet'?

"Wala nga akong crush sa lalaking yun," sagot ni Florence. Hmm...Seryoso. Wala talaga siyang gusto sa'kin? "Eh may santik yun sa ulo! Biruin mo, tawagin ba naman akong kwago? Dun na lang ako kay Mr. Pagong kahit pa pangit yun! Feeling ko gentleman yun. Ewan ko ba sa mundo, yung mga panget, di ba ang babait nila? Tapos yung mga may itsura naman, may santik sa ulo..."

Tumawa nang malutong si Imari. So may santik pala ako sa ulo ha?

"Bunganga mo naman Renz," natatawang sabi ni Imari. "Lakasan mo pa ang boses mo at baka magising yung tulog..." humagikhik pa siya. Napansin na niya yata ako. Alam kong nakatingin ngayon sila sa'kin kaya inayos ko ang kunwaring pagtulog ko.

"Shit," bulong ni Florence. Aba, marunong din pala siyang magmura. "Imari, sa tingin mo narinig kaya niya yung mga sinabi ko?"

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon