22. FLORENCE

332 15 3
                                    

Mr. and Miss Enigma.

Dati, noong high school palang ako, inaabangan ko talaga at pinanonood yung Acquiantance Party ng College Department. Kilig na kilig kasi ako kapag nagsasayaw na yung nanalong Mr. and Miss Enigma.

Dati, para sakin, iyon ang pinakaromantic na sayaw sa buong mundo. Kasi di ba, nagsasayaw kayo sa gitna ng Hall na parang prinsipe at prinsesa. Nakapalibot pa sa inyong dalawa ang buong school na nanood. Tapos yung theme pa ng occassion ay parang sa isang fairy tale, yung ganun.

Nang kami pa ni Ivan, pangarap naming dalawa na makapagsayaw sa Ritual Dance. Yung mapabilang sa mga nagsasayaw sa gitna ng hall. Kaya medyo excited din ako noon na mag-college dahil sa Ritual Dance.

Pero nang iwanan ako ni Ivan, halos ayoko na ring mag-attend ng Acquiantance Party. Naaalala ko kasi siya dito. In fact sa lahat ng bagay, naaalala ko siya. Eh kasi nasa parehong school pa rin ako kung saan kami nagkakilala, kung saan kami nagkagustuhan, at kung saan naging kami.

Hindi naman ganun kadaling kalimutan yun lalo na at hindi naman ako umalis ng school. Siya lang naman.

Pero desidido na rin ako noong makalimot. Hindi kasi pwedeng lagi na lang akong nasasaktan pag nakikita ko yung mga bagay na nagpapa-alala kay Ivan.

Hiniling ko kina Mama at Papa na lumipat ako sa REU. Tutal doon naman nag-aaral si Kuya, kaya wala namang magiging problema. Kaso ayaw ng parents ko. Galit pa kasi sila nun sakin sa ginawa ko.

Kaya ako, ang ginawa ko na lang, pinilit kong maging busy. Ang dami kong sinalihang extra-curricular activities. Sumali ako sa school paper, sa isang socio-civic group, pati yung club na nagvo-volunteer na magpanatili ng kaayusan at kalinisan sa school sinalihan ko na maging busy lang ako. Kaya kapag umuuwi ako ng bahay galing school, madalas pagod na ako para umiyak pa. Nakakatulog ako agad.

Alam ko namang pilit yung kagustuhan kong makalimot. Sabi nga nila di ba, in an effort to forget, one remembers. Kaya hinayaan ko na rin yung panahon na unti-unti ko siyang makalimutan. Hindi ko na ipinilit.

At tagumpay naman ako. Kasi unti-unti, nawawala na siya sa sistema ko. Hindi ko na siya naiisip. Hindi na ako naiiyak sa gabi. Doon ko natuklasan kung gaano din pala ka toxic yung relasyon namin noon, kasi halos sa kanya lang umikot yung mundo ko.

Nang maghiwalay naman yung landas namin, ang daming bagay ang nagawa ko. Ang dami kong na-experience. I was growing. I was expanding. Alam niyo yun? Masaya din palang ma-meet ang iba pang tao. Maka-experience ng mga bagay.

Kaya yung Ritual Dance na ilang buwan kong iniiwasan, finally, naglo-look forward na rin ako, kasi na-excite ako na eto na ako, nakakabangon na. Naging excited na akong makasalamuha ang ibang tao. At excited na rin ako sa possibility na ma-in love na ulit ako.

Kaya yung ginawa ni Ivan, yung pagpapanggap niya bilang si Mr. Pagong, hindi ko mapapatawad yun. Hindi ko siya mapapatawad sa pagsira sa gabi ko. Kung kelan kasi ayos na'ko, saka naman siya susulpot. At sa gabi pa mismo ng Acquiantance Party.

Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad.

***

"Parang hindi ka masayang ako ang kasayaw mo..." bulong sakin ni Geoff sa tenga ko. Nagsasayaw na kasi kami bilang Mr. and Miss Enigma. Kanina pa ako tulala kasi di pa rin ako ang makapaniwalang nanalo ako.

"Eh kasi naman, paano nangyayari to? Talaga bang nanalo ako?" Bulong ko din. Naririnig ko sa audience yung hiyaw ni Imari at lalo akong naloloka sa kaganapang nangyayari.

Pero si Geoff, kalmado lang siya. Oh well, expected naman na siya yung mananalo sa boys kasi ang dami niya naman talagang fangirls. Pero ako?

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon