Nakakainis. Wala akong dalang payong. Ang lakas pa naman ng ulan. At mukhang magtatagal pa yata ito.
Para na akong basang sisiw sa gilid ng waiting shed ng school ko kung saan nagbabantay ang mga estudyanteng stranded sa ulan tulad ko.
Haay... magdidilim na.
"Florence!" May tumawag sa'kin. Napalingon naman ako. Si Imari. Yung BFF ko, papunta siya sa'kin. Natuwa ako dahil nakita kong may dala siyang payong.
"O, ba't nandito ka pa? Wala kang payong?" Tanong niya sa obvious. Kanina pa kasi kami nag-uwian pero inabutan na nga ako nang panirang ulan.
"Wala nga eh! Pero mabuti naman at andito ka pa. Tara, uwi na tayo!"
Napailing lang si Imari. "Sorry, Renz, hihhintayin ko pa yung kapatid ko," malungkot na sabi niya. Nagi-guilty pa ang itsura niya.
Ngumiti na lang ako kahit disappointed akong hindi pala siya ang savior ko ngayon. "Okay lang, ano ka ba? O sige na, puntahan mo na 'yang si Patrick at baka sapakin ka pa nun!" pananakot ko kay Imari. Si Patrick yung nakababatang kapatid ni Imari na mas malaki sa kanya. Nasa high school na yun sa school din namin.
"Sorry! Babawi na lang ako next time!" sigaw ni Imari habang naglalakad papasok ng school.
"Ililibre mo ako next time ng lunch!" pahabol ko pa at pang-aasar na rin sa kanya. Buti pa yun nakapagdala ng payong. Ba't ba kasi biglang umulan? Kanina lang ang init ng panahon eh!
Ilang minuto lang ang nakalipas at dumaan na ulit si Imari kasama na ang kapatid niya. Buti pa sila makakauwi na. Nag-offer pa siyang balikan ako pero tumanggi na ako dahil may kalayuan ang bahay nila mula sa school. Baka mabasa pa siya, kasalanan ko pa.
Bestfriend ko si Imari simula elementary kami. Hanggang ngayong first year college na kaming dalawa ay kami pa rin ang magkasama. Ganun talaga, may mga taong hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Sa'kin, yun si Imari.
Kung hindi ko nga lang alam na crush na crush niya yung kuya ko ay maghihinala na akong lesbian itong si Imari at type ako. Kahit saan kasi ako mapunta, andun rin siya! But kidding aside, kahit loka-loka yun, mahal ko yun.
Haay... buhay nga naman. Parang kelan lang---
May tumigil na kotse sa harap ko. Bumisina ito ng tatlong beses bago bumaba ang bintana ng driver's seat nito.
Natauhan ako mula sa pagdi-daydream ko dahil dun. Uy, ang gara ng kotse at parang pamilyar...
Nakita ko kung sino yung driver. "Florence! Iha! Bakit nandito ka pa? Wala ka bang sundo?" tanong ng magandang babae sa driver's seat.
"Tita Debs!" sigaw ko naman sa gulat at tuwa na rin. Si Tita Debs nga!
"Tara, hatid na kita sa inyo!" yaya ni Tita Debs sa'kin. Siyempre hindi na ako nagpakyeme pa. Gabi na rin kasi tapos baka kung ano pang mangyari sa'kin dito. At matatakutin din ako.
"Salamat Tita!" Tumakbo ako papunta sa pinto ng back seat at binuksan ko yun. Pumasok ako sa loob na nahiya bigla. "Sorry kung basa ako Tita!" Masayang sabi ko. Ang swerte ko talaga!
"Naku, ano ka ba. Ayos lang. Kumusta ka na? Dalagang-dalaga ka na ah!" tukso niya. Umandar na ang kotse.
Si Tita Debs ang bestfriend naman ni Mama. Sa totoo lang para ko na siyang pangalawang Nanay. Naaalala ko pa dati nung maliit pa ako, sa kanya ako iniiwan ni Mama pag may lakad siya.
"Okay naman po ako..." sagot ko dun sa pangungumusta niya. Medyo tinamaan rin ako nang konting awkwardness kasi matagal na rin kaming di nagkikita. Grade 6 pa ako nung huli siyang napadpad sa bahay. Lumipat na kasi sila ng Tagaytay nung Grade 6 ako. Silang buong mag-anak. Nalungkot nga ako nun eh kasi hindi na ako nakadalaw sa bahay nila. Enjoy na enjoy pa naman ako sa malaking swimming pool nila sa dating bahay nila sa kabilang subdivision.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...