11. FLORENCE

341 20 0
                                    

Hanggang ngayon kilig na kilig pa rin ako kay Mr. Pagong. Paano ba naman kasi, ang sweet-sweet ng mga sinasabi niya. Tapos may pa-text-text pa siya ng 'Good morning' o 'good evening.' Tapos kinakamusta niya pa ako kung ano'ng nangyayari sa'kin sa buong araw ko. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.

Kung dati nag-aalangan pa ako na tawagan siya, ngayon excited na ako sa pagtatawagan namin kahit naloloka pa rin ako sa trip niyang maging anonymous kami sa isa't-isa. Dati iniisip ko na kaya ayaw niyang magpakilala kasi nahihiya siya sa itsura niya, baka pangit siya o ano. Pero hindi eh. Ramdam kong may itsura pa lang. Sa boses pa lang niya halata ng gwapo siya. Yung boses niya 'yung tipong ang sarap pakinggan kahit buong magdamag mo pang pakinggan. At dahil dun napi-picture ko na agad 'yung itsura niya. Kaya kung ano man ang reason niya kung bakit ayaw niya kaming magkita, ayos na rin sa'kin dahil kumpiyansa naman akong hindi siya chaka. At kung if ever ay chaka man siya, so what? 'Beauty is in the eye of the beholder' naman di ba.

Tsaka parang gusto ko rin kasing subukan yung sinasabi niya. Baka nga naman nakakasalubong ko siya everyday di ba? Hindi ko lang alam. Na-challenge tuloy akong hanapin siya. Pag mangyari kasi yun, ibig sabihin destiny kami!

Ayieee!

Dahil sa kilig ko sa pagiging textmates namin ni Mr. Pagong todo ngiti pa rin ako pagpasok ko ng school publication office at naabutan ko sina Imari at Theo na nag-uusap.

"Good morning guys," bati ko at tumabi ako sa kanila. "Anong meron ngayon?"

"Malapit na ang Acquiantance Party, kaya ibig sabihin, mag-iinterview na tayo ng mga Probables," sagot naman ni Theo. Siya ang Associate Editor ng school publication kaya technically mas mataas ang posisyon niya sa amin ni Imari.

"Ows? Nag-iwan na ba ng note si Clarice?" tanong ko ulit. Si Clarice naman ang Editor in Chief na kasalukuyang wala ngayon at may sinalihang press conference.

"Oo, tinext niya ako ng mga iinterviewhin na mga Probables," sagot ni Theo. Mga Probables kasi ang tawag namin sa mga estudyanteng nasa 'radar' o yung mga mataas ang chance na manalo bilang Mr. and Ms. Enigma na ginaganap tuwing Acquiantance party ng College department. Ang sistema, magbobotohan ang mga estudyante ng gusto nilang manalo at ang may pinakamataas na boto ang tatanghaling panalo. At tungkulin naman ng Enigma Daily na maghanap ng mga Probables at interviewhin sila para mas lalo silang makilala ng mga students.

"At hulaan mo kung sino ang una sa listahan ni Clarice?" tanong sa'kin ni Imari.

"Sino?"

"Si boylet! Si Papa Geoff Alejandre!" kinikilig pa na sabi ni Imari.

"O tapos?"

"Ano ka ba Renz!" singhal ni Imari. "Di ka man lang ba kinikilig? Hindi ka man lang ba excited na ma-interview siya?"

"Bakit naman daw ako kikiligin?" tanong ko. Hindi ko kasi gets ang logic ni Imari.

"Yung totoo Florence, tomboy ka ba? Ikaw lang yata ang hindi nalalaglagan ng panty kay Papa Geoff! Teka, baka naman jowa mo na siya kaya naiirita ka na?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kinikilabutan ako sa sinasabi mo, Imari. Magkape ka nga nang kabahan ka naman sa mga sinasabi mo."

"Deny-deny ka pa eh binibigyan ka nga ni boylet ng baon. Ang sweet nga niya sa'yo..." hirit pa ni Imari at muntik ko na siyang batukan.

"Bakit Florence close ba kayo ni Boy Headset?" tanong naman ni Theo na nakikinig pa pala sa usapan namin.

"Ha? Boy headset?" natatawang tanong ko din. Bakit naman ganun ang tawag ni Theo kay Geoff?

"Yun kasi ang tawag ng mga kaibigan ko sa kanya. Palaging may suot na headset at natutulog kung saan-saan." Tumawa naman ako nang tumawa sa sinabi niya. Boy Headset? Sa wakas may itatawag na ako kay Geoff!

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon