21. FLORENCE

297 14 1
                                    

Totoo nga talaga siguro yung first love never dies.

Biruin mo kasi, buhay na buhay pa ang gago. At hindi lang siya basta buhay. Mukha pa nga siyang nag-improve. Ayoko nga sanang sabihing gumwapo siya pero gumwapo pa siya pagkatapos ng mahabang panahon. Nakasuot din siya ng formal attire at nakangiti siya sakin.

Wow ha.

Anong akala niya, matutuwa akong siya pala si Mr. Pagong na ilang linggo ko na ring katext at kausap sa phone? Tingin niya ba makakalimutan ko na ang kasalanan niya sakin dahil dun?

"Renz..."

Nangilabot ako nang tinawag niya akong Renz. Dalawa lang kasi sila ni Imari na tumatawag sakin ng ganun, at dahil sa pagtawag niya sakin nun dun nag-sink in sakin na totoong tao talaga ang nakikita ko sa harapan ko at hindi lang ito ilusyon.

Hindi ko alam ang gagawin. Ni hindi nga ako makapag-isip nang maayos. Pakinshet, ayoko sa nangyayari.

Lumapit siya sakin kaya automatic din akong lumayo sa kanya.

"Renz, please, pwede ba tayong mag-usap?"

Biglang nag-init ang mga pisngi ko at alam kong kapag nagpatuloy ito ay maiiyak na talaga ako. Kaya huminga ako nang malalim para mapigilan ko yung mga luha ko at saka ko tiningnan si Ivan nang pagkasama-sama. Siguro kung nakakamatay lang yung mga titig ko ngayon sa kanya, baka pinaglalamayan na siya ngayon.

"Florence, first of all, I want to say sorry." Sabi niyang halatang kinakabahan din. Kilala ko si Ivan, at mukhang hindi pa rin siya nagbabago. Kapag nakakagawa kasi siya dati ng kasalanan sakin o di kaya ay nagkakatampuhan kami ay agad siyang nagso-sorry na nauutal at kinakabahan.

"Ano yun? Sorry? Sorry para saan?" Tanong ko. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil biglang bumalik sakin lahat--- yung galit, hinanakit, at sakit.

Parang ini-expect niya yung galit ko kaya bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Renz, alam kong galit na galit ka sakin pero pwede ba tayong mag-usap muna nang maayos?"

Hindi ako nakapagsalita agad dahil nabigla ako sa pagluhod niya sa harapan ko. Nagpalinga-linga pa nga ako sa paligid namin at baka may makakita samin. Ayoko kasing gumawa ng eksena, lalo pa at mahilig gumawa ng eksena ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Buti na lang at wala nang tao sa paligid dahil nasa loob na ng Social Hall ang lahat dahil nagsimula na yung program. Malamang nga ay hinahanap na ako ngayon nina Imari.

"Gusto ko lang magpaliwanag, at saka humingi sayo ng tawad..." dagdag pa niya at lalo akong nakaramdam ng galit.

"Wow. Just wow," sarkastikong sagot ko sa kanya. "So humihingi ka ng tawad ngayon? At gusto mong magpaliwanag?" Tumango siya. "Ang galing. After isang siglo, bigla kang susulpot para humingi ng tawad at magpaliwanag. Hanep. Ang lakas ng arrive! At saka tumayo ka na nga, hindi makatutulong sayo yang luhod-luhod mo."

Agad siyang tumayo at sinubukan niya akong lapitan at hawakan sa kamay pero lalo pa akong lumayo.

"Wag mo nga akong hawakan!" Protesta kong galit na galit na. "Ayokong manakit ng tao, Ivan so please lang lumayo ka at baka masampal kita."

"Sorry," sabi niyang nakatungo ang ulo. Aba, at nagpapaawa pa ang gago. Ang kapal niya. Ang kapal-kapal-kapal niya para magpakita sakin at magsabing humihingi siya ng tawad. Ang kapal-kapal ng mukha niya at ang sarap niyang ipabugbog kina Kuya at sa banda niya.

"So ano 'to Ivan? Pumunta ka rito bilang ka-date ko para humingi ng tawad? Balak mo talagang sirain ang gabi ko? Asan ba si Mr. Pagong?"

Kahit alam ko namang si Ivan na nga talaga si Mr. Pagong, tinanong ko pa rin yun para makasiguro. Gusto kong marinig sa kanya yung confirmation, kasi ayoko pa rin talagang maniwala na iisa sila.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon