Nang maging kami na ni Geoff, akala ko mahihirapan ako sa magiging set-up namin. Akala ko dahil nga sa sikat siya bilang bagong lead vocalist ng Midsummer at maraming girls ang may gusto sa kanya, ay magiging insecure o selosa ako bilang girlfriend niya.
After a bad break-up noon siyempre naging nega na ako pagdating sa love kaya siguro yun din ang dahilan kung bakit hindi ko agad sineryoso yung panliligaw ni Geoff sa'kin. Na hindi ko naisip na magiging kami talaga kasi nga feeling ko dati gulo lang ang aabutin ko sa pakikipagrelasyon sa isang tulad ni Geoff.
Pero yun nga, pinakita naman ni Geoff na mali ako sa in-assume ko dati. Naging masaya naman kami together. Yun nga lang medyo hindi pa rin ako sanay na nakikita na kami ng iba na magkasama. O magka-holding hands. Hindi pa rin ako sanay na pinagtitinginan kami ng mga tao, o tinatarayan ni Felicity, for that matter.
"Inggit na inggit lang yang si Felicitas," sabi sa'kin ni Imari nang ikwento ko sa kanya na tinarayan na naman ako kanina ni Felicity nang magkasalubong kami. "Hindi niya kasi tanggap na hindi nagkagusto sa kanya si Geoff. Grabe everytime na nakikita ko siyang nagtataray parang gustong-gusto ko siyang pagtawanan nang bongga."
"Grabe ka naman. Heartbroken na nga yung tao eh..." sabi ko pero natatawa din ako. Usually, hindi ako madaling pumatol at dinadaan ko na lang sa biro at tawa ang lahat pero itong si Felicity ay kakaiba ang gravitational pull na taglay sa akin at kapag nagkakasalubong kami sa campus ay agad akong naiinis. Ewan ko ba. Para kasing may mali eh. Parang may gagawin siyang hindi maganda sa akin one of these days. Hindi ko lang alam kung ano yun.
"Alam mo Renz, minsan iniisip ko, baka hindi naman talaga type ni Felicity yang boyfriend mo," kwento pa sa akin ni Imari. Nasa office kasi kami ngayong dalawa at naghihintay sa pagdating nina Clarice at Theo.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Hello? Hindi mo ba nahahalata, Renz?" Sabi ni Imari. "Gantong-ganto din yung nangyari noon sa inyo ni Ivan..." tapos nag-pause siya bigla na parang nag-aalala sa nasabi niya.
"Oh, bakit di mo tinapos yung sinasabi mo?"
Ngumiti siya. "Pwede na ba nating pag-usapan yung ex mo? Wala ng bff code echos?"
Natawa na lang ako. "Yun lang pala yun? Oo naman. May boyfriend na rin naman ako. Ang OA ko naman kung hanggang ngayon eh pagbabawalan pa rin kitang banggitin man lang si Ivan."
"Ay taray, gusto ko yan," aniya at nagtawanan pa kami. "Anyway yun nga yung sinasabi ko. Di ba dati, nung nililigawan ka palang ni Ivan, umeeksena din yang si Felicitas sa inyo. Nilalandi din dati si Ivan."
Tumango ako dahil medyo totoo yun. Alam ng buong klase namin noon na gusto nga ni Felicity si Ivan at dumating pa nga noon sa punto na nagkasigawan kami ni Felicity sa may corridor ng high school building dahil sa paninira niya daw sa'kin. Pinagkalat niya daw kasing inagaw ko sa kanya si Ivan. Ako naman si tanga, agad sumugod. Immature pa eh.
But now, everytime na naaalala ko yun napapangiwi na lang ako. Dapat kasi hindi ko na lang siya noon pinatulan. Ever since that incident kasi, hindi na kami nagkasundong dalawa at parang pinanindigan na niya ng misyon niyang sirain ang buhay ko.
"At ngayon kay Geoff naman siya umeeksena. Naisip ko lang, hindi kaya sinasadya niya lang 'to para inisin ka?"
Sumimamgot ako dun. "Ganun? Parang ang pathetic naman ng buhay niya kung malaking oras ang ginugugol niya para sa ikaaasar ko. Effort ha."
Tawa nang tawa dun si Imari. "Yun nga eh! At some point nakakaawa siya actually sa mga pinaggagawa niya... Pero you know naman Felicity, hindi yun titigil hangga't hindi siya nakakaisa sa'yo."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...