Nagkakamalisya na ako kay Florence.
Hindi ko naman sinasadya yun. Basta nagising na lang ako isang araw na gusto ko na siya.
Dati naman natatawa lang ako 'pag tinutukso ako nina Mommy at Daddy sa kanya. I also find the idea of having her as a girlfriend hilarious. Eh kasi hindi siya 'yung ideal girl ko. Well, dati, hindi.
Makulit si Florence. At saka masyadong madaling naaasar. Tapos hindi siya 'yung lady-like at malakas ang dating na mapapalingon 'yung mga boys sa kanya. Hindi siya pa-chicks kung kumilos kumbaga. Masarap siyang asarin at kulitin. Pero hindi ko naisip na pwede pala akong magkagusto sa kanya. Basta may kung ano sa kanya na nagustuhan ko na lang bigla.
Pwedeng dahil sa hindi tulad ng ibang babae, 'pag kaharap niya ako hindi siya nagpapa-cute o nagpapa-impress. Totoo ang pinapakita niyang ugali sa akin. Kung naiinis na siya, ipapakita niya. At gusto ko 'yung ganun, nakakapanibago kasi. Yung ibang girls kasi gaya ni Felicity ay halatang nagpapa-cute lang sa'kin para mapansin ko lang.
Pero si Florence, iba siya. Nakakatuwa din na close siya kay Mommy. Gustong-gusto na nga siya ng parents ko eh. Hindi rin siya nahihiya sa kanila. At dun pa lang, masasabi kong pwede ko nga siyang maging girlfriend. Siguro magpapa-party ang parents ko kapag naging girlfriend ko nga talaga si Florence.
For days, I was in denial with my feelings. Hindi ko kasi matanggap, na magkakagusto ako agad sa ibang babae after my break up with my ex. Yes, the reason why I decided to leave Tagaytay was because of my ex. I was so devastated that I shut myself from people. Hindi nakatulong na nagkikita pa rin kami ng ex ko sa iisang lugar kaya kinailangan ko nang sumama sa parents ko pabalik sa Manila to forget her and start a new life.
Kaya ayun. Bumalik nga kami ng Manila. Bagong buhay. Bagong school. Nakilala ko ulit si Florence na kababata ko naman talaga. Dati nung nasa Tagaytay pa ako naiisip ko rin kung kumusta na kaya siya. Nagulat naman ako nang makita ko na siya ngayon, because she grew up beautiful.
Kaya hindi ako nagtataka na marami ang nanliligaw sa kanya gaya nung Theo. Bestfriend niya daw yun, according to Felicity. Buti na nga lang at di yata type ni Florence. But I still find it uneasy na friends pa rin silang dalawa kahit na binasted ito ni Florence. That guy looked naughty to me.
Kahit na kasi hindi masyadong nagpapaganda si Florence at simple lang siyang manamit bumabawi naman siya sa charm niya sa boys. Ewan ko kung pareho ang pakiramdam ng ibang lalaki kapag kasama siya pero ako, I really find her character charming. Kumbaga hindi na nga siya boring kasama, mapapatawa ka pa niya. No wonder maraming boys ang nakakapansin sa kanya, at buti na nga lang mukhang oblivious siya doon. Pero madalas may kakausap na lalaki sa kanya, whether friends or classmates. Tapos isang beses sa canteen narinig ko pang pinag-uusapan si Florence ng ilang boys na kapareho namin ng year at balak nilang alukin si Florence na maging ka-date nila sa Acquiantance Party.
Dun ako na-threaten. Dun ko na-realize na gusto ko na pala siya at kailangan ko nang kumilos kung gusto kong hindi siya mapunta sa iba. Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung pano ko siya aalukin na maging ka-date ko kaso bigla na lang akong nahihiya sa kanya 'pag nakikita ko siya. Umuurong agad ang dila ko, kahit na sigurado naman akong hindi ako torpe.
Pano ba naman, halata namang wala akong pag-asa sa kanya. Alam kong hindi niya ako gusto. Wala siyang malisya pagdating sa akin at dun ako kinakabahan. Asar na asar lang tuloy siya sa'kin at parang gusto ko nang i-untog ang ulo ko sa pader. Langya, nato-torpe ako kay Florence. This shouldn't be, because this aint me. I'm nearly always confident.
Dinaanan ko siya sa bahay nila nung umaga ng Lunes para sumabay na siya sa'kin papasok ng school kaso nauna na daw siya sabi ng Kuya niya. Natuwa naman si Kuya Timothy sa ginagawa ko dahil botong-boto daw siya sa'kin para sa kapatid niya. It seemed that everybody liked me for Florence. Pero siya mismo, asar na asar lang sa'kin. Yun ang nakaka-challenge eh, kung paano ko siya mapapaibig. That seemed hard.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...