"Talaga?" kinikilig na reaction ni Imari. Nasa canteen ulit kami at kumakain at ang lakas-lakas ng boses niya kaya pinapatahimik ko siya. "Si boylet, I mean si Papa Geoff Alejandre, nag-try out para sa pagiging vocalist ng Midsummer?" pumipikit-pikit pa siya habang kinikilig nang bongga. Pakiramdam ko tuloy dapat hindi ko na sinabi ang tungkol doon. Pero hindi ko rin kasi kayang pigilan ang sarili ko eh. Napaka-epic lang kasi nun for me.
"Oo nga!" sagot ko naman. "Bingi ka 'teh? At 'wag ka ngang maingay dahil confidential daw ang try-outs nila. Sayang nga lang at hindi ko napanood ang try-out niya. Si Kuya kasi, kaasar! Hindi ako pinayagang manood sa try out niya! Hindi pa naman umuwi siya sa bahay kagabi kaya hindi ko naitanong kung anong nangyari."
"OMG!" tili ni Imari kaya binatukan ko nga. "Si boylet, vocalist ng Midsummer? Dream come true ba itey? Si Papa Timothy na ang drummer, tapos si Papa Marco ang bassist, at si Papa Kier naman ang guitarist. Oh my gosh, Renz! Paano pa kaya kung si boylet pa ang vocalist? Para ng isang buffet ang Midsummer! Times ten na ang laglag-panty power nila!"
"Wag ka sabing maingay eh!" saway ko kay Imari na para ng may epilepsi. Fan na fan kasi talaga siya ng Midsummer kaya ganun na lang siya kung maka-react. "Saka 'wag ka munang maglupasay diyan sa excitement, di ka pa sigurado kung pasado sa kanila si Geoff."
At dun ako napangiti nang todo. As in yung evil smile. Sa wakas kasi, nakaganti rin ako kay Geoff! Bwahahaha!"Naku, papasa si boylet no?" Confident na saad ni Imari sa'kin na nakataas pa ang kilay. "Halata namang singer siya. Look niya palang eh. At saka 'itsura pa lang, lyrics na."
"Sira ka talaga," sabi kong nakatawa. "Si Geoff, marunong kumanta? Eh halos mapanis nga ang laway nun sa tipid ba naman kung magsalita, ang kumanta pa kaya? Pupusta ako Imari na hindi pumasa ang mokong na yun, at dahil sa kachakahan ng boses niya, na-stress sila Kuya kaya hindi siya nakauwi kagabi."
"Grabe ka naman," irap sa'kin ni Imari na akala mo ay affected sa panlalait ko kay Geoff. "Kung talagang not-so-beauty ang voice ni boylet, bakit siya nagtry-out in the first place?"
"Eh kasi po, hindi naman siya nagpunta sa Greenfield Studios para mag-try out. Nagpunta siya doon kasi hinatid niya ako dun." sagot ko. Pero agad akong napatakip ng bibig ko kasi di ko dapat sasabihin yun kay Imari! Patay ako ngayon nito!
"What? Hinatid ka niya? Si boylet? Hinatid ka?" namimilog na naman ang mga mata ni Imari. Para na nga siyang tanga eh.
Tumango ako. At yun, napilitan tuloy akong magpaliwanag sa tunay na nangyari kahapon sa bestfriend kong baliw. Kinuwento ko sa kanya na sa sobrang antok ko kahapon kaka-encode sa mga kantang gagamitin nila Kuya, nakatulog pala ako sa 7 Eleven habang hinihintay yung load ko. Doon kasi ako nagpa-load. Tapos namalayan ko na lang, nasa loob na ako ng taxi at nakasandal na ang ulo ko sa braso ni Geoff. At first nagulat ako siyempre, pero nagpanggap na lang akong tulog sa di ko maipaliwanag na dahilan hanggang sa makarating kami ng Greenfield Studios.
Magpapasalamat sana ako sa kanya kaso nag-deny naman siyang hinatid niya ako. Nainis ako kaya pagdating nila Kuya, sinabi kong nandoon siya para magtry-out. Napilitan na lang siguro siyang magtry-out kasi ayaw niyang amining hinatid niya ako. Nakaganti pa tuloy ako! Hahahaha!
"Ang sama mo Renz," nakasimangot na si Imari pagkatapos kong magkwento na parang apektadong-apektdo.
"Bakit naman?"
"Hinatid ka na nga ng tao dun, ganun pa ang ginawa mo?" Aniya. Kinokonsensiya pa ako ngayon ni Imari at tumalab naman yun agad sa'kin nang konti.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...