Nagmamadali akong bumaba ng taxi at nagtungo ako agad sa Arrival Area ng airport. Hinihingal pa nga ako habang nilalapitan ko si Imari na tinatawag ang pangalan ko.
"Ba't na-late ka?" Tanong niyang kinikilig-kilig pa habang naghihintay kami sa taong susunduin namin rito.
"Traffic. Si Kuya kasi eh, hindi man lang ako hinatid. Si Theo?"
"Busy sa thesis niya. Tsaka hindi ko na pinasama, baka magselos lang yun eh."
Natawa ako. "Ang taas din ng confidence mo eh no. Hindi naman ganun si Theo."
"Hoy ano ka ba, seloso kaya 'yung hayop na yun. Maski sinong lalaking nadidikit sa'kin eh pinagseselosan nun, kala mo ba?"
Ang benta sa'kin nun kahit ilang beses na 'yung binabanggit ni Imari sa akin. "Ang ganda mo kasi."
"Mas maganda na kasi ako sa'yo ngayon, at mas habulin na ako ng boys ngayon. Aminin mo yun."
"Oo na. Oo na."
Narinig namin ang announcement tungkol sa pagdating ng eroplanong hinihintay namin kaya napangiti na rin ako sa tuwa. "Ayan na siya! Excited ka na?"
"Oo naman," sagot ko.
"Hinanda mo na ba ang panty mo? Baka malaglag yan ah. Kita mo naman pictures niya palang sa Facebook yummy na. What if in real life pa kaya?"
"Tumahimik ka nga, Imari. Hindi ka talaga mauubusan ng masasabi no?"
"Aba, eh syempre!" Aniya. "Ngayon mo lang ulit siya makikita! At kahit nag-Skype kayo, ngayon mo lang din siya makakausap! Iba pa rin 'pag in person talaga, di ba?"
"Ikaw yata ang mas excited eh. Isumbong kita kay Theo."
"Ano ka ba, Renz. I'm just happy for you! Malay kasi natin, kayo naman talaga ang magkakatuluyan in the end! Isn't it exciting?"
Hindi na ako nag-react. Wala rin naman akong masasabi pa eh. Matagal na akong huminto na umasa sa mga bagay-bagay. Matagal na akong tahimik na nabubuhay.
"Ayan na siya!" Tili ni Imari sabay turo sa harap namin. May nakita nga akong pamilyar na lalaki na naglalakad papunta sa'min, may tulak-tulak na trolley. Kumaway din siya nang makita kami.
"Ay shet, Renz. Ang yummy niya nga, lalo na sa personal!"
"Tumigil ka nga," saway ko naman sa kaibigan ko. Nagkatitigan kami nung taong papalapit sa'kin at medyo nag-blush ako. Siyempre matagal din kaming nagkita. Kahit nagkaka-chat kami at nagvi-video call, siyempre iba pa rin kapag personal.
"Hi. Buti nandito kayo," sabi niya pagkalapit niya sa'min, at napakalapad ng ngiti niya, lalo na sa akin.
"Omg, mas tumangkad ka pa lalo," komento naman sa kanya ni Imari. "Grabe ha. Tapos mas lalo ka pang pumogi. Hiyang na hiyang ka nga talaga sa hangin sa abroad."
"At bolera ka pa rin, Imari," sagot naman nito. "How long has it been since we last saw each other?"
"Almost four years," pabibong sagot ni Imari na naunahan pa ako. "Ganun na katagal. Gra-graduate na kami next month! Maga-attend ka sa graduation namin ha?"
"Oo naman. Ako pa ba?"
Bumaling silang dalawa sa akin, at bigla naman akong nahiya. "Tahimik ka yata masyado, Florence. May problema ba?"
"Ha? W-Wala naman..."
"Nahihiya lang yan sa'yo, Ivan," ani Imari at hinampas ko siya sa braso niya nang marahan. "Pero excited talaga yan na makita ka ngayon."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...