16. FLORENCE

308 15 0
                                    

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tawag. Pakinshet kasi, tama ba ang naiisip ko?

May tinatawagan si Geoff. And at the same time, tinatawagan ako ni Mr. Pagong. Eksaktong-eksakto. Parehong oras.

Hindi kaya, iisang tao lang sila?

Kinikilabutan ako. Kaloka, daig ko pa ang nasa isang palabas na suspense-thriller sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin kasi ako doon sa pwesto ni Geoff habang ring ng ring yung phone ko sa kamay ko.

Ayokong sagutin yung tawag, kasi ayokong ma-confirm yung hinala ko. Ayokong maging si Geoff si Mr. Pagong, dahil ang weird. Basta, ayoko talaga sa idea na iisang tao lang sila... Huhubells.

Pero naisip ko din, kung hindi ko sasagutin yung tawag, hindi ko rin malalaman ang totoo. Paano pala kung mali ako at coincidence lang ito? Isa pa, iba ang boses ni Geoff kay Mr. Pagong. Ibang-iba.

Kaya, kinakabahan man ako sa maaari kong malaman, sinagot ko na rin yung tawag.

"Hello?" Nanginginig pa ang boses ko. Nakatingin parin ako kay Geoff, just in case ay humarap siya sakin at makita ko kung sabay ba silang magsalita ni Mr. Pagong. Kaso nakatalikod parin siya.

"Hi." Hindi ko alam kung praning lang ba ako o ano, pero tunog malungkot siya, hindi tulad ng dati na palaging jolly ang boses niya.

"Oh. Mr. Pagong, napatawag ka," sagot ko. Napagdesisyunan ko kasing wag agad magtanong at baka mapahiya lang ako. Hahayaan ko muna siyang magsalita.

"Magkita na tayo, Miss Kuneho," sabi niya bigla. "I want to see you badly."

Ano daw? Nakikipagkita na siya?

"Ano? Makikipagkita ka? Pero teka, pano yung napagkasunduan natin?" tanong ko.

"Ayoko kasing mapunta ka sa iba. You're beautiful, Miss Kuneho, and I'm afraid that the longer we dont see each other, the farther you will go."

"Ha?" Ano ba itong si Mr. Pagong, bakit siya ganito? Pero teka, I remember, yung huling beses na nagkausap kami, ang sabi niya ay nakita niya nga daw ako. Tinawag niya pa nga akong 'beautiful' at kinilig pako ng bongga. Pero dahil sa hinala ko, naiisip ko talagang si Geoff si Mr. Pagong at dahil sa nangyari kanina naisip ko tuloy na ginagawa lahat ni Geoff maging ka-date niya lang ako. Waah! Nakakalurkey!

"Bakit, ayaw mo ba, Miss Kuneho?"

Napaisip ako. Gusto ko nga ba talagang makita si Mr. Pagong? Ready na ba akong makilala siya on a personal level?

"Miss Kuneho..." tawag pa niya sakin, at pansin ko na talagang ang lungkot nga ng boses niya.

"Ah eh... Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?" tanong ko pa.

"Yes. Ninety nine point ninety nine percent sure," sagot niya at lalong kumabog ang dibdib ko. Ninety nine point ninety nine percent sure. Sinabi din yun ni Geoff.

Oh my God! Siya nga si Geoff! Anong gagawin ko?

"Eh saan mo gustong makipagkita?" tanong kong halos pautal-utal sa kaba.

"Narinig kong may Acquiantance Party diyan sa school mo. I can be your date..." sabi niya pa at lalo akong nawiwindang sa mga nangyayari.

"Naku, sorry Mr. Pagong. May ka-date na kasi ako eh..." sagot ko. At in fairness, nalulungkot ako sa sinabi ko.

Natahimik siya ng ilang sandali bago ulit nagsalita. "Okay lang. I still want to see you."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon