"Niloko? Anong 'niloko?' " parang na-high blood kong tanong kay Ivan. Dinig na dinig ko naman kasi yung sinabi niya kanina.
Para siyang namutla. "Florence... kasi...kasi---"
"Kasi ano?" Tanong ko pang mataas na ang boses. Bigla kasing hindi na makapagsalita pa si Ivan. "Tell me, Ivan!"
Umiling agad si Ivan. "Sorry Florence. Siguro d-dapat siya ang kausapin mo about...about this..."
"Babanggitin mo ang tungkol dun pero hindi mo rin naman sasabihin?" Sabi ko pa. "Iniinis mo lang ba ako?"
"No, Florence---"
Siyempre na-badtrip ako dun. Pinilit ko pang kalmahin ang sarili ko dahil nasa public place kami. "You know what, Ivan? Hindi na ako naniniwala sa'yo. Sinisiraan mo lang si Geoff."
"Florence, I'm telling the truth," aniya. "Niloko ka nga niya. But I could not give you the details."
Sumasama na ulit ang loob ko sa mga naririnig ko sa kanya. "Kung totoo ang sinasabi mo, eh di sabihin mo sa'kin ngayon kung paanong niloloko ako ng boyfriend ko! Ano? Bakit ayaw mong magsabihin? Kasi hindi naman totoo, di ba?"
Parang gusto niya pang sumagot sa sinabi ko, pero nagdesisyon ding huwag na lang. Mas lalo tuloy akong nagalit dun.
"Ang unfair mo, Ivan," bulong ko na dahil garalgal na ang boses ko. "Ayaw mo akong sumaya."
Natigilan siya dun, at parang lumambot ang mga mata niya pero wala na akong pakialam dun. Nag-walk out na ako sa kanya na naluluha.
"Florence, wait!"
"Wag mo akong sundan," banta ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkilos pero nakikiusap pa rin yung mga mata niya.
Ayoko na sanang magalit sa kanya. Paulit-ulit na lang kasi yung mga ganitong eksena. Kung kailan pinaghahandaan ko nang makipag-ayos sa kanya ay saka niya naman gagawin 'to. Siguro hindi niya lang talaga deserve ang kapatawaran ko at hindi lang talaga kami nakatadhana na magkaayos pang muli. Sign siguro itong nangyari na hindi na ako dapat pang makipagkaibigan pang muli sa kanya.
Nagtungo ako sa hotel kung nasaan ang headquarters namin para sa Division Presscon. Hindi na ako nakapagpaalam kina Imari na nauna na ako sa kanila. Busy kasi sila sa pamimili kanina ng kung ano-anong suovenir pagkalabas namin ng Josephine's kaya hindi na rin nila napansin yung naging eksena namin sa pagitan ni Ivan. At nung nag-text si Imari kung nasaan na daw ba ako, sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya nauna na ako sa hotel.
Sa hotel, umiyak ako nang umiyak. Nilabas ko yung sama ng loob na nararamdaman ko. Ang sakit kasi. Siguro hindi ko lang matanggap na ganun ang sasabihin ni Ivan. Na sisiraan niya si Geoff.
Paano naman kasi ako lolokohin ni Geoff? Wala namang tinatago sa'kin yung lalaking yun. Kahit nga yung tungkol kay Julie, kinukwento niya. Gusto lang talaga siyang sirain ni Ivan. Yun lang ang nakikita kong dahilan kung bakit niya yun sinabi.
Nang mahimasmasan na ako, tinext ko si Geoff. Kinumusta ko lang. Agad naman siyang tumawag.
"Florence, may problema ba?" He asked immediately.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko agad. Wala naman kasi akong sinasabi sa kanya.
"Hindi kasi masaya ang boses mo," sagot niya. "So, anong problema?"
"Kasi...si Ivan..."
"Anong tungkol sa kanya? Kinukulit ka pa rin ba niya?"
"Ano kasi Geoff...sabi niya...niloko mo daw ako?" Pagtatapat ko na. Gusto ko din naman kasing kumpirmahin yun at ng hindi na yun mamalagi pa sa utak ko nang matagal. "Niloko mo daw ako. Kaya gusto kong malaman kung totoo yung sinasabi niya."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...