"Ang pangalan niya pala ay Lorelei Gomez," kwento sa'kin ni Imari habang naglalakad-lakad kami sa mall. May date kasi sila ngayon ni Theo at as usual kasama na naman ako bilang third wheel nila. "Kaedad lang natin siya. Model. Volleyball player. At beauty queen sa Minnesotta. Grabe ang background niya di ko kinaya. O ano, Florence, lalaban ka?"
Siyempre hindi ako nagpaapekto. "Ano namang laban ka dun?"
"May panlaban ka naman," bawi agad ni Imari pagkasagot ko. "Nanalo ka kayang Miss Division Presscon."
"Sira. Bukod dun, wala na akong ibang achievement sa buhay. Di tulad ng babaeng yun, kinarir yata ang pangongolekta ng talent."
"At ang ganda niya ah. Fil-Am kasi eh," dagdag pa ni Theo na agad namula ang mga tenga ng pareho namin siyang samaan ng tingin ni Imari. "Pero hindi ko sinasabing mas maganda siya sa'yo Florence ah! Of course mas maganda ka pa rin kesa sa kanya!"
Bigla siyang binatukan ni Imari kaya natawa tuloy ako. "Ah ganun? Kapag tayo lang ang magkasama, ang palaging sinasabi mo ay mas maganda ako kay Florence. Pero ngayon harap-harapan talaga? Maganda pala siya ha!"
"Aray! Imari! Stop! Wala naman akong sinasabing ganun! Mga babae talaga!"
Natatawa pa rin ako kahit na parang aso't pusa ang dalawang nagsasakitan na sa harap ko. At least hindi sila nagbabatuhan ngayon sa harap ko. Minsan nga iniisip ko, ang swerte ni Imari kasi na-in love siya sa bestfriend niya, kaya tumagal na nang ganito ang relasyon nila. Samantalang ako, well...forever alone. Forever heartbroken.
Hindi ko na rin naman kasi nilapitan si Geoff that night. What for? May girlfriend na siya eh. At alam ko yun, dun palang nung pinuntahan ko siya sa America. Nagulat nga sina Imari at Theo nang aminin ko sa kanilang alam ko na noon pa na may iba ng girlfriend si Geoff. And like me, hindi rin sila makapaniwalang nagawa nga talaga akong palitan agad ni Geoff, just months after we last saw each other. Dahil dun sa information na yun, naging less sympathetic na sila kay Geoff.
Ako naman, sinabi ko sa kanilang hindi naman ako nagalit kay Geoff dahil dun. Yes, I was hurt, pero it was my fault. Pinalayo ko siya. Itinaboy ko siya. Kaya hindi ako dapat mag-expect na hindi siya hahanap ng iba, right?
Lalaki pa rin siya. Masakit pero wala ng silbi para magalit pa sa kanya. Not when he did everything for me nung kami pa.Nanood kaming tatlo ng sine, tapos kumain sa Burger King. Sweet na sweet ang dalawa kaya minsan nao-awkward ako. I mean, sanay naman ako sa mga ginagawa nila since the day na naging sila pero ewan ko ba this time, parang na-heighten 'yung anxiety ko pagdating sa love life. Minsan nga kumbinsido na akong hindi na ako ulit magkaka-love life at tatanda na akong dalaga. Pero sa isip ko mas maganda naman yun kesa umasang makakatagpo pa ako ng lalaki para sa akin. Parang ang weird lang isipin na may magugustuhan pa akong iba. Masyado yatang malalim ang iniwang sugat sa'kin ng nangyari sa'min ni Geoff kaya hindi ko ma-imagine na sasaya pa ako. Bagay na palaging kinokontra ni Imari.
"Mindset mo lang naman yan, Renz," aniya habang naglalakad na kami palabas ng mall. "Kung iisipin mong malungkot ka, eh di malungkot ka nga. Kung iisipin mong hindi ka na magkakaroon ng bagong jowa, hindi ka nga magkakaroon ng bagong jowa. Power of will yan eh. Be optimistic na lang."
"Sus, sinasabi mo lang yan kasi masaya ka sa love life mo," biro ko na lang para tumigil na rin si Imari sa kakalitanya sa akin. Actually pwede na siyang pumalit kay Mama bilang Nanay ko dahil sa mga ganitong 'lectures' niya lalo na't mas marami na nga yata siyang alam kesa kay Mama tungkol sa buhay ko.
"Eh kasi naman, napaka-pessimistic mo Renz. Magkaka-love life ka rin ulit, tiwala lang. Baka naman na-traffic lang sa EDSA 'yung para talaga sa'yo no..."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...