41. GEOFF

109 7 0
                                    

Hindi talaga ako tulog, at bago pa man pumasok sa classroom si Florence ay alam ko nang pinag-uusapan na siya ng buong klase. Kinain ako agad nang napakatinding guilt dahil sa nangyayari at kanina ko pa gustong sigawan ang mga kaklase ko na tigilan na nila si Florence. Kaso nagtimpi ako dahil alam ko namang hindi sila ang dapat sisihin sa nangyari. Kung may dapat mang sisihin, ako yun. Wala ng iba.

Pagpasok ni Florence natahimik muna ang buong klase. I felt their stares already peircing her. Doon palang gusto ko na siyang ilayo mula sa kanila, pero binalot din ako ng takot.

Natatakot ako. Natatakot ako na kamuhian ako ni Florence. Expected ko namang sooner or later ay malalaman na niya ang tungkol dito at magagalit na siya sa akin.

At nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nagpanggap na lang akong natutulog sa desk ko dahil kinakabahan ako, at may isa kaming classmate na lumapit na kay Florence.
"Excuse me Florence, nakita mo na ba ito?"

Shit. I wanted to kill that person. Though I couldn't stop the video from spreading, I wanted to spare Florence from it. I really do.

But I messed things up. I fucking messed up.

"Trending na itong video mo! Grabe, ang funny!" Dinig kong saad ng classmate namin kay Florence. Kahit hindi ko nakikita kung ano'ng nangyayari sa dalawa, alam ko na kung ano ang magiging reaction ni Florence.

May mga nagtawanan pagkasabi nun nung babae kay Florence, at may ilan pang nakipagbiruan sa kanya tungkol dun.

"Idol na kita, Florence! Ang galing-galing mo!"

"Trending ka na! Sisikat ka na!"

"Autograph naman diyan!"

May halong pagtawa ang pagsabi nila nun, kaya alam kong hindi yun magugustuhan ni Florence. And I was right. Galit na galit siya, dahil naramdaman ko na lang na may humihila na sa braso ko. Napatayo ako at nakita ko ang galit na mukha ni Florence.

"Sumunod ka sa'kin..." sabi niya na pulang-pula ang mukha at galit na galit. I did not dare to talk back. Tahimik lang akong sumunod sa kanya habang hila-hila niya ako sa kamay. Masakit 'yung pagkakahawak niya sa'kin pero wala na sa'kin yun.

Ang lakas-lakas pa nga ng kabog ng dibdib ko, lalo pa nang pagtinginan kami ng mga classmates namin habang palabas kami ng classroom.

Alam ko kung saan niya ako balak dalhin, dahil kilala ko ang pathway kung saan kami patungo. Sa likod ng auditorium ulit kami pumunta. At dun niya lang ako binitiwan.

"Magpaliwanag ka..." sabi niya agad pagkatigil naming maglakad. Nakaharap siya sa'kin, and if looks could kill, baka double-dead na ako ngayon.

Nautal ako sa kaba. "Florence....k-kasi... hindi ko naman alam... At saka wala akong idea---"

"Wala kang idea na ano," sabat niyang malakas agad ang boses. "Na kakalat 'yung video ko, at pagtatawanan ako ng mga tao? Wala kang idea na posibleng mag-viral siya at gawing memes sa iba't-ibang Facebook page?"

"Sorry."

Hiyang-hiya ako kay Florence to the point na parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Kaya nakatungo na lang ako. Sa sapatos ko ako nakatingin na para bang doon ako naghahanap ng kasagutan.

"Puro ka na lang sorry..." sagot niya sa'kin. Napatingin ako sa mukha niya dahil umiiyak na siya. "Wala ka na lang ibang ginawa kundi ang paiyakin ako..."

Hindi ko natiis ang sarili ko. Niyakap ko siya bigla at napaiyak na rin ako. "Pasensiya ka na, Florence. Hindi kita nagawang protektahan... Ayoko ring mangyari sa'yo 'to. Hindi ko napigilang mangyari 'to..."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon