I know what I feel. I know what I want. And I know what was wrong.
Kissing her was wrong. Kasi hindi ko pa naman siya girlfriend. At hindi niya naman ako gusto. That's why I wasn't surprised at how Florence reacted. And why she ran outside my Mom's office.
Balak ko siyang habulin, pero napatigil ako dahil kay Julie na nasa may pinto. Nakatingin siya sa'kin na para bang gulat na gulat siya sa nakita niya.
Pero kailangan ko pa ring habulin si Florence, kaya naglakad ako papunta ng pinto. Pero humarang agad si Julie sa dinaraanan ko.
"Siya ba yun?" Tanong niya. "Siya ba yung girlfriend mo?"
Napatango na lang ako. Nag-aalala man ako ngayon kay Florence, parang hindi ko rin magawang habulin siya ngayong kinakausap ako ni Julie. Na ex ko.
Argh. Ang gulo mo, Geoff.
"Geoff. Nag-aaway ba kayo?"
"Oo eh. Kaya if you wouldn't mind, hahabulin ko sana siya."
"Sige." Nangiti si Julie at tumakbo na ako palabas ng office. Napahinto pa ako sa may pathway dahil hinahanap ko kung saang direksyon nagtungo si Florence pero hindi ko siya makita. Kaya ang ginawa ko, nilibot ko ang buong campus para hanapin siya.
But I didn't saw her. Hanggang sa natapos na ang buong hapon at dumilim na sa school ay hindi ko na siya nakita.
Lalo tuloy akong nag-alala. Siguro galit na galit na ngayon sa'kin si Florence. Ang engot ko kasi eh. Hindi ko dapat siya hinalikan ng ganun. Hindi ko dapat siya binigla, lalo pa't may pinagdadaanan pa siya sa ex niya.
Mabuti na nga lang at hindi ko na ulit nakita pa si Ivan, dahil baka kung sakaling nakita ko siya ay sa kanya ko naibuhos ang galit ko sa sitwasyon. At sana, hindi ko na makita ang taong yun dahil lalo lang akong maiinis.
Malungkot akong nagtungo sa car park dahil uuwi na sana ako nang may makita akong tao roon. Nakatayo si Julie sa tapat ng kotse ko na parang may hinihintay. Na sa malamang ay ako.
I hesitated to go near her for some reason. Pero ginawa ko pa rin, dahil nandun ang kotse ko sa tabi niya.
"Geoff."
"Oh. Bakit nandito ka pa?"
Napangiti siya sa tanong ko. "Sasabay sana ako sayo pauwi eh."
Oo nga pala, sa bahay nga pala siya matutulog. Muntik ko nang makalimutan. Pero kahit ganun, di ko pa rin maintindihan kung bakit hinintay pa niya ako ng ganito katagal, gayong pwede naman siyang mag-taxi pauwi.
Hindi na lang ako umimik dahil badtrip pa rin ako sa nangyari. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko. At dahil hindi na ako mapakali, sinubukan kong tawagan sa telepono si Florence pero di nito sinasagot yung tawag ko. Sa third try ko, unattended na siya. Napamura tuloy ako nang mahina.
"Calm down, Geoff," sabi sa'kin ni Julie ng nasa loob na kami ng kotse. "Kung kailangan mo nang makakausap... you know... I'm here."
Bigla akong natawa sa narinig ko sa kanya at ikinagulat namin yun pareho. Siya, siguro nagulat siya dahil hindi niya expected na matatawa ako sa nangyayari, at ako, dahil nagulat din ako sa sarili ko.
"Geoff? Are you still okay?" Dama ko ang concern sa tono ng boses niya at lalo akong natawa dun.
"Oo naman," I answered, not truthfully. "Bakit naman ako hindi magiging okay?"
Umiling siya. "Well... kasi nag-away kayo ng girlfriend mo? Kilala kita, Geoff. You act like this when you find something strange or troublesome. So tell me, baka makatulong ako."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...