45. FLORENCE

114 5 0
                                    

The One That Got Away.

Para sa'kin ngayon, yun si Geoff Alejandre.

Dahil hindi na siya nagpakita pa sa'kin. Hindi na rin siya nagparamdam. As in parang isa na lang siyang lumang ala-ala. Isang bahagi ng nakaraan ko na hindi ko makalimutan, lalo na nung huling beses kaming magkasama.

Kapag naaalala ko yun, bigla na lang akong napapaiyak. Paano ba naman kasi, nung huling beses kaming nagkausap, itinaboy ko na siya mula sa buhay ko. At kahit masakit iyon para sa kanya, ginawa niya pa rin. Sinunod niya pa rin ang kagustuhan ko. Hindi ko na nga siya nakita pa.

'Kung yun ang gusto mo, Florence.'

Yun ang huling sinabi niya. At mula nun, wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. Hindi naman sa wala akong ginawa, nag-effort din akong magkaroon ng balita sa kanya. Kinukulit ko parati si Tita Debs kung ano na ang nangyayari sa kanya, pero naging matipid din ang mga sagot sa'kin ni Tita Debs. Tapos palagi kong chini-check kung may update ba sa Facebook profile niya, pero wala. Mukhang hindi na siya active dun. Gusto ko lang namang makita siyang masaya at okay, kahit sa picture lang. Pero kahit yun wala akong makita.

Nag-resign na rin ako sa Daily Enigma, kahit na halos lahat ng staff ayaw akong umalis. Pero wala rin silang nagawa, dahil ayoko na ring sumali pa sa kahit ano'ng extra-curricular activities.

"Alam mo kilala kita, Renz," sabi ni Imari. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at nakatambay dahil vacant period namin. "Pinaparusahan mo ang sarili mo. Kaya ayaw mo na sa school paper."

"Eh ano naman?"

Nakita kong pinanlakihan ako ng mga mata ni Imari. "Alam ko kasi kung ano yan. Sign yan ng depression. Hoy, babae ka, 'wag mong masyadong damdamin yan. Hindi healthy yan."

"Eh ano ang dapat kong gawin? Magpakasaya?"

"Hindi naman," dagdag niya. "Pero 'wag mo nang parusahan pa ang sarili mo. Oo na, sabihin na nating may nagawa kang mali kay Geoff at masyado mong pinagsisisihan yun ngayon. Pero tao ka lang. Nagkakamali ka, at dapat matuto kang tanggapin yun para matutunan mo ring patawarin ang sarili mo."

"Salamat, Imari. Minsan may sense din pala ang mga sinasabi mo no. Siguro nga tama ka."

"Mag-iisang buwan na rin mula nang umalis si Geoff. At isang buwan ka na ring emo queen, drama queen, at negatron. Lumabas ka na kaya mula sa lungga mo. Pati mga tao sa paligid mo eh dinafmdamay mo na eh..."

Naalarma naman ako dun. "Sorry naman. Pero binalaan ko naman kayo. Kaya nga umiiwas ako sa inyo eh."

"Gets namin yun ni Theo. Pero bruha ka, hindi ka ba naaawa kay Ivan? Isang buwan mo na rin siyang hindi kinakausap. Iniiwasan mo rin siya kapag lumalapit siya. Litong-lito na 'yung tao. Ni hindi mo man lang siya bigyan ng official statement kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari. Siyempre hindi ka naman nakipag-break sa kanya, so ang alam niya kayo pa rin ngayon."

Hindi ako nakasagot dun, dahil totoo yun. Mula nung nalaman ko ang lahat tungkol sa pagsasakripisyo ni Geoff, iniwasan ko na rin kasi si Ivan. Alam kong mali, kasi kahit ang sabi niya ay willing siyang maghintay sa akin o sa magiging desisyon ko, hindi ko pa rin siya dapat iniiwasan. Pakiramdam niya nga siguro ngayon eh nakatengga siya. Ang kaso naman, kapag nakikita ko siya naaalala ko lahat. At medyo naiinis ako dun sa fact na alam ni Ivan 'yung tungkol sa pagsasakripisyo ni Geoff para sa'kin pero wala man lang siyang ginawa. Hindi niya man lang sinabi sa'kin na nahihirapan na nun si Geoff. Yun ang medyo nagpapainit ng ulo ko.

"Kung ako sa'yo, kausapin mo na si Ivan tungkol sa status niyong dalawa para hindi na siya umasa pa kung ayaw mo na sa kanya. Harapin mo na siya. As simple as that."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon