Maaga akong nagising dahil napaaga din ang tulog ko kagabi. Ibang level kasi ang inis na naramdaman ko kagabi para kay Boy Headset kaya itinulog ko na lang ang beauty ko.
Buti na lang, napagod nga ako dun sa trabaho sa Daily Enigma kaya hindi rin ako nahirapang makatulog kahit na bwisit na bwisit nga ako kay Geoff.
At ngayon nga, maaga akong nagising dahil balak kong umuwi ng bahay. Dun ako mag-aalmusal at dun ako maliligo. Ayoko kasing makasalamuha ngayon ang lalaking yun at baka ma-stress ako agad. Ayokong masira ang umaga ko no?
At saka kung komportable na pala siya sa harap ng ex niya eh di hindi na niya ako kailangan. I might as well quit dun sa kasunduan namin.
Kaya naman dali-dali akong umuwi ng bahay. Nilagay ko din sa silent mode ang phone ko dahil sure akong hahanapin ako ni Geoff.
Bahala siya sa buhay niya! Bwahaha!
Anong akala niya? Mag-stay pa rin ako dun? Ha! Neknek niya!
Nag-commute ako pauwi at nang nasa kanto na ako ng kalsada sa amin, may nakita akong dalawang tao na nakatayo sa tapat ng flower shop namin.
Si Papa yung isa, at yung isa naman ay---
Si Ivan!
Agad kumulo ang dugo ko. Anong ginagawa ng pesteng 'to sa tapat ng bahay namin? At bakit kausap niya si Papa?
Anong hokus pokus ito?
Mukhang masinsinan ang usapan ng dalawa at napansin ko pang tango nang tango si Ivan sa mga sinasabi ni Papa. At kahit ayoko din sanang makaharap pa si Ivan, lumapit na din ako sa dalawa dahil hindi ko na ma-take yung nangyayari.
"Aalis na po ako," nadinig kong sabi ni Ivan sa tatay ko at tumango naman si Papa. Naglakad na papunta sa direksyon ko si Ivan ngunit natigil din siya agad nang makita ako.
Ako din, natigilan. Siyempre, sino ba naman ang hindi titigil ang mundo sa ganitong eksena, di ba? I mean, hindi lang naman ako ang ganito, right? Normal naman sigurong mag-blank out ang utak mo sa tuwing makakaharap mo ang isang taong naging importanteng bahagi din ng buhay mo, di ba?
Di ba?
"Good morning, Florence," bati niya sa'kin na nakangiti. Pero kahit nakangiti siya, hindi nakalampas sa akin yung lungkot sa mga mata niya. Ako naman, na-speechless ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
Dapat ko din ba siyang batiin ng 'good morning?'
"Una na'ko," dinig kong sabi niya pa. Tapos nilampasan na niya ako. Tinawag naman ako ni Papa kaya napalakad na din ako papunta sa kanya. Nakita ko ang concern sa mukha ng tatay ko.
"O, napauwi ka? May problema ba?" Tanong ni Papa sa'kin. Agad naman akong umiling. "Eh bakit ka umuwi?"
"Papa naman, bawal na ba akong umuwi dito sa bahay?" Tanong ko although iba sana yung gusto kong itanong.
Pumasok na kami ng bahay at nag-almusal na kami. Naasar naman ako dahil pilit nila akong pinagkukwento kung anong nangyari dahil umuwi nga ako na para bang weird ang pag-uwi ko sa sarili naming bahay.
"Baka LQ na naman," sabi ni Kuya. Tumayo na siya dahil tapos na siyang kumain. "Ito kasing si Florencia, bipolar 'to eh. Mabait ngayon tapos biglang galit. Baka nagsawa na si Geoff." Humalakhak pa ang magaling kong kapatid at pinanlisikan ko siya ng tingin.
"Kung totoong bipolar ako, Kuya," sagot ko, "baka wala ka na sa mundong ito. Baka pinagluluksa ka na ng sangkaterbang fans ng Midsummer."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...