Nangilabot ako sa nakita ko. Halos hindi nga ako nakakilos ng dahil sa nakita ko. Oh my God, totoo ba ang nakita ko? Si Ivan ba talaga yun?
Pero imposible talaga. Nasa Japan na siya eh. Saka, ano naman ang gagawin niya rito sa lugar namin kung sakali man? Eh galit siya sakin?
Umiling na lang ako at huminga nang malalim. Namamalikmata ka lang, Florence. Wala dito sa Pilipinas si Ivan at kahit nandito man ang taong yun, maski anino nun ay hindi na magpapakita sayo. At isa pa, nagmo-move on ka na dapat Florence. Kahit magpakita pa siya sayo ay dapat hindi ka na naaapektuhan. Hindi mo na dapat sinasayang ang mga luha mo sa mga taong hindi ka naiintindihan.
Naputol naman ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang marinig ko ang busina ng kotse ni Geoff at huminto iyon sa harapan ko. Bumukas ang bintana ng driver's seat at tumambad si Geoff na basa pa ata ang buhok. Oo nga pala, nakalimutan kong ihahatid niya pala ako.
"Bakit mukha kang namatayan?" tanong niyang nakangisi. Hindi ko na lang pinansin yung tanong niya at sumakay na ako sa kotse niya. Sa tabi ulit niya ako naupo dahil ayoko talaga sa backseat. May issue nga ata ako dun eh.
Hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa school. Shocked pa rin kasi ako sa nakita ko at mukhang wala din naman sa mood si Geoff para asarin ako kaya tumahimik na lang ako. Pero aaminin ko, nakakapanibago din palang hindi nagsasalita si Geoff pag kasama ako. Ang weird. Parang may malalim din siyang iniisip.
Pagkarating namin sa school ay agad na akong bumaba sa car park kasi maraming students sa paligid at gusto ko sanang maunang maglakad kay Geoff. Nahiya kasi ako bigla, mamaya kasi isipin ng mga tao may something sa amin ni Geoff.
Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para makalayo agad kay Geoff pero narinig ko siyang sumigaw.
"FLORENCE HINTAY!" Napalingon naman ako at tumatakbo nga siya papunta sakin. Nang maabutan niya ako ay sumabay na siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa covered walk kung saan pansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Bakit mo ako iniwan?" tanong niya.
"Eh ayokong sumabay ka sakin malamang!" singhal ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Akala ko ba close na tayo?"
"Oo nga. Pero ayokong ma-issue sayo," sagot ko. "Nakakahiya. Kaya paunahin mo na ako."
Pero hindi ako pinakinggan ni Geoff. "Yun lang pala ang iniisip mo? Akala ko galit ka sa akin eh."
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
Magsasalita na sana siya pero may mga tumawag sa pangalan niya at kinawayan niya ang mga iyon.
"See? Ito yung reason kung bakit ayokong ma-link sayo. Iisipin nilang may namamagitan satin."
Napangiti si Geoff. Papasok na kami sa building ng Division namin. "Why would their opinion matter to you?"
"Ganito kasi yan," paliwanag ko. "Sikat ka. Kasi gwapo ka. O bakit nangingiti ka? Oo na, gwapo ka na. At ako naman, well, ordinary student lang ako. So kapag magkasama tayo, anong iisipin ng mga tao? Siyempre iisipin nila ako ang naghahabol sayo."
"Pero bakit mo inaalala ang mga ganyang bagay?"
"Alam mo, Geoff. Oo, hindi importante yung sinasabi nila. Pero kung hahayaan ko lang sila na ganun ang tingin nila sakin, masasanay silang ganun nga ang tingin nila sakin. Ang problema dun, maaapektuhan nun ang pakikitungo nila sa akin. For example, dahil iisipin nilang naghahabol ako sayo, imbes na magiging kaibigan ko yung ibang students eh iiwasan na nila ako dahil maiinis sila sakin. Gets mo?"
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...