48. GEOFF

130 9 1
                                    

Florence had this ability to hurt me even though she's not doing something. Just like now. Nasasaktan ako dahil alam ko ang lahat nang nangyari sa kanya ever since I left. Sinabi sa'kin ni Mommy. Kaya nga hindi ko siya maintindihan.

Bakit hindi niya pinilit na maging masaya?

Nakita ko siyang napakurap na nagtataka sa sinabi ko, at ako naman, na-realise kong baka masyado na akong nanghimasok sa buhay niya. I looked away and took a deep breath. Stop it, I tell myself. Stop it.

Nag-ring ang phone ko. Tumatawag na naman si Lorelei. Lumayo muna ako kay Florence nang kaunti saka ko sinagot ang tawag niya. Pero hindi ko pa man naririnig kung ano'ng sasabihin niya sa'kin, inunahan ko na siyang sinabihan na maya-maya pa ako uuwi. Pagkatapos nun, agad ko ring pinindot ang 'end' button at bumalik ako agad sa tapat ni Florence. She looked like she was out of focus for a moment, pero bumalik din siya sa dati nang mapansing nasa harap na niya ako ulit.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya na hindi ko sinagot, bagkus ay nagtanong din ulit ako ng isa pang tanong.

"Bakit hindi ka naging masaya?" Ulit ko, dahil hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng lahat, sa ganito lang pala mauuwi si Florence. I can't just fucking accept it.

Nakita kong masama ang tingin niya sa akin, is she angry with me? Well, I supposed so. "Geoff, hindi ikaw ang magpapasya kung magiging masaya ba ako o hindi."

She had a point. Oo nga naman, why would I expect that she's happy just because I left? It wasn't as if I was the lone reason she was miserable before. Nandiyan si Felicity, si Ivan... Come to think of it, hindi ba siya sumaya dahil hindi rin sila nagtagal ni Ivan? Na nagkaroon din ng ibang girlfriend si Ivan? Was she still in love with him, all this time?

Of course, ganun nga yun. Hindi ako dapat nag-expect. Dapat kasi hindi ko na siya kinausap pa, pero ano, hindi ko rin siya natiis. And now I'm going to hear how heartbroken she is because of Ivan.

"Pumasok ka na sa loob, Florence," sabi ko na lang sa kanya para matapos na itong usapan namin.

"At ngayon naman inuutusan mo ako na parang bata," she replied, looking at me with a confused expression. "Ang laki na nga talaga ng ipinagbago mo."

Ngumiti ako dun. "Everyone tells me that."

"Dahil totoo naman."

"At ikaw Florence, nagbago ka na rin. Base sa mga naririnig ko, hindi na rin ikaw ang dating Florence na kilala ko."

"People change, Geoff."

"Yeah, I know..."

Saglit na katahimikan. Kung kanina gusto ko na siyang pumasok sa loob ng bahay nila, ngayon naman gusto ko pa siyang magsalita, para hindi pa mahinto ang pag-uusap namin. I was going crazy. But I reminded myself, I was already crazy, four years ago.

"Nalulungkot lang ako na marinig sa iba ang mga nangyari sa'yo. All I wanted was...was for you to be h-happy..."

Natawa siya dun. A mirthless laugh. "I cannot be happy for the sake of being happy," aniya. "Hindi ko kontrolado ang buhay ko. Kahit sino naman malulungkot nang ganun kapag nasa punto na sila ng pinagdaanan ko. Itong last four years ko Geoff? Did you know how it felt? I was in my lowest of my lows. Ganun katindi. Pero hindi ka naman pumalpak in general. May mga times naman na masaya talaga ako. Genuinely."

"That's...that's glad to hear."

Nginitian niya ako. God, I missed this. Sa sobrang tagal na nang huli kong nasilayan itong ngiti niya sa akin, akala ko nga eh hallucination lang ito. Yun nga lang, napawi yun nang tumunog na naman ang phone ko.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon