8. FLORENCE

330 16 1
                                    

Nakakaloka ang araw na to! Grabe!

Paano kasi, nawindang naman ang beauty ko sa mga lalaking sumusulpot ngayon sa buhay ko! Hahaha!

Yung totoo, gandang-ganda na ba talaga sila sa akin ngayon? Chos.

Kanina kasi nagulat na lang ako nang pabalik na ako ng room namin ni Imari ay bigla na lang akong hinarang ng ilang students at pinaikutan ako kaya hindi tuloy ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Oy, ano ba? Ba't di niyo ako pinapadaan?" sigaw ko na kasi mali-late na nga ako sa class namin. Tiningnan ko si Imari na nakangiti lang sa gilid at pinapanood ako. Maya-maya nagtilian na 'yung mga students na humarang sa'kin at nahawi sila na para bang may celebrity na dadaan sa gitna nila. At doon ko nakita si Theo na may hawak na gitara at nagsimula na siyang kumanta. Nagka-goosebumps tuloy ako bigla.

"Ayiee!" tili na rin ni Imari. "Renz, hinaharana ka ni Theo! Omg!" Nagpatuloy na nga si Theo sa pagharana sa'kin sabay bigay ng bulaklak. Nakakaloka nga lang kasi Harana ng Parokya ni Edgar yung kinanta niya ngayon sa'kin. Masyado naman yatang obvious. Spoonfeeding, ganern.

Argh! Nakakainis talaga itong si James Theo Encarnacion!

Pinandilatan ko siya para ipakitang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Normally kikiligin naman ako kahit sino pa man yung um-effort nang ganito para sa'kin. Kaso may history ako dito sa mga hara-haranang pa-effect na ito. Mukha naman siyang natakot sa panlalaki ng mga mata ko sa kanya kaya tinapos na niya agad yung kanta niya.

Pero kung akala ko okay na, bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko si Theo na nagdagdag sa tili ng mga nanonood.

"Theo, ano'ng ginagawa mo, huy! Umayos ka!"

Ngumiti lang siya sa'kin nang napakatamis. "Renz, alam kong ayaw mo ng ganitong nagpapansin sa'yo pero kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko..." halos bumubulong na si Theo kaya mas nakakakaba tuloy. Natakot yata sa titig ko kaya bumubulong-bulong na lang.

"Ano bang sabi ko sa'yo Theo? Di ba ayoko ng mga ganitong pakulo?" sagot ko naman sa kanya. Totoo kasi yun. Kung ang ibang babae ay gagawin ang lahat maharana o mapasikatan lang ng mga gwapong lalaki, pwes ako, ayoko sa ganun. Para kasing nakakahiya. Mabuti sana kung napakaganda kong dalaga di ba? Saka hindi ako mahilig sa mga kakornihan na tulad niyan. Weird na kung weird pero ayoko talaga sa mga ganitong agaw-eksenang mga moments.

"Sorry na Renz," naka-pout pa si Theo sa'kin na nagmamakaawa pa.

"Ewan ko sa'yo," pagtataray ko.

"Patawarin mo na ako. Gusto ko lang namang magpapansin sa'yo kaya nilakasan ko na talaga ang loob ko. Noong high school tayo tuwang-tuwa ka naman sa nanghaharana sa'yo ah."

That did it. Umalis na 'ko at nagtatakbo palayo kay Theo. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko habang tinutukso siya ng mga nanonood na nabasted siya. Naawa naman ako kay Theo, pero ayoko talaga. Siya kasi eh, hindi nakikinig sa mga sinasabi ko.

Sa may likod ng auditorium ako pumunta at doon ako naabutan ni Imari at tumambay muna kami doon para magpalipas ako ng sama ng loob.

"Renz, pinahiya mo si Theo. Ang sama mo! Kawawa naman yung tao," eto na at nangonsensiya pa ang magaling kong bestfriend.

"Alam mo namang ayoko ng ganun, ang kulit kasi ng lalaking yun," naiinis na sagot ko.

"Pursigido nga yung tao eh," depensa naman ni Imari. Nung high school kasi kami, close na close si Imari kay Theo. "Biruin mo, hanggang ngayon gusto ka pa rin niya. Consistent! Tapos nag-audition pa 'yan sa Midsummer nung sinabi mong baka bigyan mo siya ng pag-asa kapag pumasa siya. Ang hard mo talaga Renz sa mga boys mo."

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon