I would lie if I'd say I didn't like boobs, because all men do, and almost seeing Florence's gave me a mini-heart attack.
"Sorry! Sorry!" Paulit-ulit na sigaw sa'kin ni Florence na agad nagtakip ng dibdib niya gamit yung jacket na binigay ko sa kanya. Automatic din na napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ko na nag-iinit ang buo kong mukha na para akong lalagnatin.
Shit, shit, shit.
Malakas pa rin yung ulan sa labas pero imbes na lamigin ako ay parang naiinitan pa tuloy ako.
Argh. I hate this!
"Ayan, okay na," narinig kong sabi sa'kin ni Florence. Tiningnan ko na siya at suot na niya yung jacket niya. Mukha din siyang hiyang-hiya sa akin dahil namumula din siya. Hindi ko naman maiwasang isipin habang pinagmamasdan siya na wala siyang suot na kahit ano sa ilalim ng suot niyang jacket.
Fuck, why do I think like this?
"Geoff..."
"Ha?""Mag-drive ka na," utos niya sa'kin. May konting ilangan akong nararamdaman sa pagitan naming dalawa pero pinilit kong alisin yun para makapag-concentrate na ako sa dapat kong gawin.
Nag-drive na ako. Tahimik na. naman kaming dalawa.
"Uy, diretso na tayo sa bahay namin ah."
Nilingon ko siya saglit. "Bahay niyo? I thought you agreed to sleep in our house for a week?"
"Pwede sa bahay muna ako?" Tanong niya. "Dun na muna ako."
I wanted to say no. "Why?"
"Eh kasi...kasi..."
Mukhang alam ko na kung bakit biglang ayaw na niyang umuwi sa bahay namin. "Naiilang ka ba dahil sa nangyari?"
Hindi siya nakasagot. Which confirmed my suspicion. Hindi ko yun maintindihan, dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya. Nakita ko lang naman siyang naka-bra. That's all.
Pero kung iisipin ko nang mabuti, baka nga sobra siyang nahiya sa incident na yun.
At inaamin ko, hindi ko rin yun basta-bastang makakalimutan.
"Hindi pa nga tayo nag-uusap nang maayos. Tapos hindi ka pa uuwi sa bahay," may halong pagtatampong saad ko sa kanya. "Florence, wag naman ganito."
"Eh di mag-usap tayo ngayon," sagot niya. "Ano bang gusto mong sabihin?"
"Yung nangyari nga kaninang umaga," tugon ko naman habang patuloy na nagda-drive. Inalala ko din yung takot ko kanina sa bahay nang magising akong wala na si Florence.
Walang note, walang text, kaya bigla akong nag-panic at agad kong inisip na baka may masama nang nangyari sa kanya. I was about to call the police when Julie suggested to call Florence's parents first. Kaya tumawag nga ako sa kanila at dun nga namin nalaman na umuwi doon sa kanila si Florence.
Doon lang ako kumalma at kasabay nang pagkalma ko ay ang pag-iisip ko nang dahilan kung bakit siya biglang umalis nang ganun. Kung hindi nga lang maiiwan sa bahay si Julie nang mag-isa ay sinugod ko na sana agad sa kanila si Florence just to clear things out dahil pakiramdam ko talaga na may naging problema.
I don't know what's with women's logic but I was already used with it so I can already feel whenever something was wrong with my girlfriend. My relationship with Julie before taught me that.
"Ilang beses ko bang uulitin sa'yo Boy Headset na wala naman yun sa'kin? Umuwi lang ako sa bahay. Yun lang. Masama ba yun?"
"You could have at least told me that you were going home," sabi ko. "Masyado akong nag-alala eh."
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...