29. FLORENCE

225 14 1
                                    

Akala ko matitiis ko yung nangyayari sa pagitan namin ni Geoff. Akala ko, kaya kong dedmahin yung biglaan niyang pagdistansiya sa'kin nitong mga nakaraang araw. Akala ko hindi ako magiging affected sa mga pagsusungit niya at pagtanggi niya sa'kin lalo na dun sa pakiusap ko sa kanya na kung pwede sana, ay kami yung maging partners para dun sa subject naming History.

Akala ko lang pala.

Dahil ang totoo, bigla ko na lang siyang na-miss. Bigla na lang akong nakaramdam ng disappointment at lungkot nung tinanggihan niya ako. Bigla na lang akong nanlumo sa tuwing feeling ko ay umiiwas na siya sa'kin.

Kaya naman ganun na lang ang pagbulusok ng mood ko isang gabi pagkauwi ko sa bahay galing school. Pasalampak akong naupo sa sofa namin pagkarating ko habang nagdradrama at nag-iisip ng posibleng dahilan ng pagiging cold ni Boy Headset sa'kin.

"O, ano namang nangyari Florencia?" Tanong ni Kuya na kakababa lang galing sa kwarto niya. "Bakit para ka na namang si Sisa?"

Sinimangutan ko ang magaling kong kapatid. "Paki mo ba? Saka asan sina Mama? Ba't parang walang tao dito?" Tanong ko na din dahil napansin kong tahimik ang bahay.

"Nag-date ang dalawa," sagot ni Kuya. "Alam mo naman ang dalawang yun, tumi-teenager. Ganun kasi dapat Florencia, kailangang in love pa rin kayo sa isa't-isa kahit na mag-asawa na kayo."

"Ganun? Anong oras daw sila uuwi?"

"Ewan ko."

"Kung ganun, eh di kumain na lang tayo, gutom na 'ko eh," sabi ko at tumayo na 'ko at nagtungo ako ng kusina para maghain ng pagkain. Pag ganito kasing wala ang parents namin, si Kuya ang nagluluto ng dinner namin at ako naman ang nakatokang maghahanda nun sa mesa.

Pagkatapos kong maghain ay kumain na kaming dalawa. Lamon lang ako nang lamon dahil doon ko na lang ibinuhos ang nararamdaman ko sa pagkain pero napansin kong nakatingin na naman sa'kin nang masama ang Kuya ko.

"O, bakit?" Angal ko sa kanya. "Ano na naman?"

"Kailangan ba kasing lamon ang gawin? Table manners naman diyan," aniya.

"Eh stressed ako eh!" Depensa ko pero nahiya din ako.

"Saan ka naman na-stress?" Tanong niya. "Ah, baka naman mali ang tanong ko. Baka dapat ay,  kanino ka naman na-stress? Kay Geoff ba?"

"Hindi ah!" Tanggi ko pero natawa lang si Kuya.

"Hindi ka talaga magaling umacting Florencia. Halata ka kaya."

Natahimik muna ako. Ayoko kasing mag-react pa dun pero naisip ko din, lalaki nga din pala ang kapatid kong ito kaya baka lang naman ay matulungan niya ako kay Boy Headset.

"Kuya---"

"Isang daang piso para sa bawat advice na ibibigay ko," aniya bago ko pa man masabi ang gusto kong sabihin kaya nagtaas tuloy ako ng kilay.

"Ay grabe, taas ng talent fee!"

"Siyempre naman," misteryosong sagot ni Kuya. "May mga impormasyon akong alam kong ginto sa pandinig mo. Kaya ako may fee."

"Ewan ko sa'yo. Alam mo Kuya, hindi na kita tutulungan diyan sa mga gig niyo sa Midsummer. Naku, naalala ko pala, dati nakatulog ako sa 7 Eleven dahil sa kakapuyat ko sa pag-encode ng mga lyrics---"

"Oo na, sige na libre na lang ang services ko," putol na naman sa'kin ni Kuya at natawa ako dun. "Nangonsensiya ka pa eh. Ano bang gusto mong itanong?"

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon