36. FLORENCE

137 7 1
                                    

Hindi ko maintindihan si Geoff. Ang sabi ni Tita Debs, may hinanakit daw ito sa kanila ng Daddy niya ngayon, pero hindi ko naman alam kung ano'ng pinagmulan ng hinanakit niya. Ayoko rin namang magtanong kay Tita Debs dahil pakiramdam ko masyado nang personal yun. Yun nga lang sa'kin humingi ng tulong si Tita Debs para hanapin ang napakagaling niyang anak.

Gusto kong tanggihan si Tita Debs, at sabihing hiwalay na kami ng anak niya kaya sa totoo lang dapat labas na 'ko sa problema nilang mag-ina. Pero siyempre hindi ko natiis si Tita Debs. Bukod sa nakakaawa siya nang magpunta sa bahay para humingi ng tulong, inisip ko na kanino pa ba siya hihingi ng tulong kundi sa'kin?

Kaya agad naming hinanap si Geoff. Tumulong na rin si Kuya, na hindi ko rin maintindihan ang ikinikilos. Halatang nagagalit din siya sa ginawa ni Geoff pero panay din ang tanong niya sa'kin kung ano daw ba yung pinag-awayan naming dalawa na humantong sa hiwalayan namin.

Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol kay Julie. Ayoko nang lumala pang sitwasyon. Ayokong magalit nang husto si Kuya kay Geoff dahil 'pag nagkataon ay baka magsapakan pa silang dalawa. Kahit hindi kasi aminin ni Kuya ay talagang protective siya sa'kin pagdating sa mga lalaki dahil na rin siguro sa naging experience ko with  Ivan.

Kung saan-saan namin hinanap si Geoff. Pinuntahan namin yung mga taong posible niyang pagtaguan, at nilibot na rin namin ang buong Tagaytay kakahanap sa kanya. Pero hindi namin siya nakita. Kaya kahit labag sa kalooban ko, nag-suggest ako kay Tita Debs na lumapit kay Julie, dahil baka may alam ito kung nasaan si Geoff.

Isinama ako ni Tita Debs kina Julie. Hindi naman ako makatanggi, kahit na ayoko nang makaharap pa si Julie dahil feeling ko hindi ako makakapagtimpi kapag makaharap ko siya. Pero clueless din pala si Julie. Nagulat din siya nang malaman niya mula sa'min na naglayas nga si Geoff.

Ako ang pilit niyang kinakausap kahit na nagpo-poker face na ako. "Wala siyang sinabing hindi na siya uuwi sa inyo, Tita," aniya. "Akala ko dito muna siya sa Tagaytay, pero umalis din pala siya."

"Wala ka na bang alam na lugar na pwede niyang puntahan?" Tanong pa ni Tita Debs dahil hindi naman ako umiimik kahit magkakaharap lang talaga kami. Pati si Kuya tahimik lang din.

Umiiling si Julie, pero nararamdaman ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa amin na parang may alam naman talaga siya. Parang gusto ko tuloy siyang biglang sabunutan, kaya kinontrol ko ang warfreak kong inner self.

Dahil dun, hindi na rin kami nagtagal at bumiyahe na rin kami pauwi. Pero hinabol ako ni Julie na nag-request na makausap ko siya nang solo. Thinking na baka umamin siya sa'kin kung nasaan talaga si Geoff, pumayag ako at pinauna na namin sina Tita Debs at Kuya sa sasakyan. Nao-awkward pa akong tingnan siya sa mukha niya. Ewan ko ba.

Hinawakan niya ako sa braso na parang humihingi ng pasensiya. "Florence, alam kong galit ka, and I understand where you are coming from pero please naman, I had nothing to do with all of this."

"Nothing to do?" Pag-uulit ko sa sinabi niya na nakataas ang kilay. "Ang defensive mo naman sobra."

Nagulat siya sa approach ko sa kanya, kaya natigilan siya saglit pero agad din naman siyang nagpaliwanag. "Defensive ako dahil alam ko ang iniisip mo sa'kin. Iniisip mo na ako ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa'yo si Geoff---"

"Bakit, hindi ba yun totoo?"

"Of course not!" Giit sa'kin ni Julie na parang hinahabaan na lang ang pasensiya sa'kin. "Paano naman kami magkakabalikan, eh naging kayo na di ba?"

Nagagalit na ako sa nangyayari. Feeling ko nga pinaglalaruan na lang ako nilang dalawa--- nina Julie at Geoff. At nakakapagod nang marinig ang mga pinagsasabi nila, dahil sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng kahit anong paliwanag nila.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon