13. FLORENCE

287 19 0
                                    

Siyempre nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi ini-expect na aalukin niya pa akong ihatid sa bahay. "Ay naku, wag na," sagot ko sa alok. "May lakad ka yata at baka makaabala lang ako sa'yo."

Kumunot ang noo ni Geoff dun at hindi ko na maintindihan ang nasa isip niya. Why o why at bigla niya akong gustong ihatid sa bahay? Bipolar ba 'to, bigla na lang bumabait? Ganern?

"Naku Florence, magpahatid ka na kay Geoff. Gabi na at baka mapano ka pa kung magko-commute ka lang. Mapapanatag ang loob ko kapag magpahatid ka kay Geoff." Mapilit talaga si Tita Debs kaya wala na akong nagawa kundi pumayag. Kahit na alam ko namang ginagawa lang ni Tita Debs ang lahat para mapaglapit niya kami ni Geoff sa isa't-isa nang husto ay pumayag na rin ako dahil tingin ko naman yun ang pinakamagandang option. Ayoko ding sumuway sa utos ni Tita Debs eh. Nakaka-guilty. At saka confident naman akong hindi sila magtatagumpay ni Mama sa 'plano' nila dahil hindi ko naman talaga gusto si Geoff. Ni hindi nga sumasagi sa isip ko ang posibility na liligawan niya ako at magpapaligaw ako sa kanya kasi watdahek, ang weird ng ideyang yun. Kilala ko na rin kasi 'yang mga ganyang datingan ni Geoff, at alam kong hindi niya ako type. Boys like him go for the popular girls. The sophisticated girls. Or the charming girls. At alam ko namang wala ako sa categories na iyon. I'm in a league of my own! Chos!

"Saan na naman ba ang lakad mo, Geoff at napapadalas na yan? Gabi na ah!" tanong naman sa kanya ni Tito Rey.

"Wag mo nang pagalitan ang anak natin," sabi ni Tita Debs sa asawa niya. "Nagpaalam na siya sa'kin kanina na aalis siya at school-related naman ang pupuntahan niya. O siya, lumakad na kayo para di kayo gabihin."

"Bye Tita, Tito. Salamat po sa pagkain at sa videoke. Nag-enjoy po ako."

"Sana mapadalas ang dalaw mo rito sa bahay, Florence," hirit pa sa'kin ni Tita Debs.

"Sige po ba, basta lagi pong may cake ha," sagot ko naman at natawa sila. Pinagbaon pa nila ako ng cake para kina Mama. Sobra na ang pasasalamat ko sa kanila at nangako ako na sa susunod na pagpunta ko rito sa bahay nila ay magdadala din ako ng pagkain.

Tahimik lang kaming dalawa ni Geoff sa loob ng kotse niya pauwi sa bahay. Sa tabi niya ulit ako naupo kasi kung sa backseat ako puwesto ay baka makatulog ako sa sobrang kabusugan. Ayoko namang makatulog ulit na kasama ko siya dahil baka maulit na naman 'yung nangyari sa 7 Eleven at masyado nang nakakahiya yun para sa akin.

"Mukhang napasarap ang kain mo sa bahay ah," biglang komento ni Geoff na nasa kalsada pa rin ang mga mata habang nagmamaneho.

"O tapos?" pagtataray ko.

Napangisi siya na parang nang-iinis. "Ang takaw mo pala. Matatakaw pala kayong mga kwago kayo." Tumatawa na naman siya at naiirita na naman ako. Hindi ko naman alam na tototohanin niya ang sinabi niyang aasarin na niya ako habang buhay.

"Tumigil ka nga! Stop calling me that!" banta ko pero mas tumawa lang siya.

"Wow English. Yan pala ang epekto ng Mango Sans Rival sa kwago," sabi pa niya na nang-aasar. At imbes na maasar ako ay ngumiti na lang ako at natahimik.

May na-realise kasi ako. Hindi ko na papatulan itong si Geoff sa mga pang-aasar niya. I'm not going to give him the satisfaction of bullying me. Kung hindi ko ipakikitang naaasar ako, mapapagod din ang lokong lalaking ito at titigilan niya na din ako sa panti-trip niya sa'kin.

"Uy natahimik," tudyo niya. "Did I offend you?"

"You wish," sagot kong nakataas ang mga kilay.

"Hindi naman kita iniinsulto sa sinabi ko... Matakaw ka naman talaga..." dugtong pa niya at pinigil ko lang ang sarili kong mainis. Baka kasi masapak ko na lang siya bigla at siya pa naman ang nagmamaneho at mag-crash pa kami. Sayang naman ang ganda ko kung mamamatay kami dahil lang sa naasar ako sa kanya.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon