I just wanted to be alone again. I just wanted to be on my own, to be far from everyone. Tutal lagi namang sa ganito napupunta ang lahat. Laging sa kabiguan.
Hindi ko inakalang sa ganito din kami magtatagpos ni Florence, pero kailangan ko na itong tanggapin. Its not like this sceneario never happened before.
Hatinggabi na pero sumakay pa rin ako ng bus papuntang Makati, papunta sa isa sa pinakamalapit kong kaibigan at classmate noong high school, si Reggie. Nakapagpasya na ako na doon muna ako sa isa sa mga paupahan nilang apartment tutuloy para makapag-isip-isip nang mabuti sa mga nangyayari. Mabait naman yun si Reggie na agad pumayag sa pakiusap ko.
Maraming missed calls na ang natatanggap ko mula sa parents ko. Kanina pa sila tawag nang tawag simula nang sabihin kong hindi na muna ako uuwi sa bahay namin. Nang tinanong ako ni Mommy kung bakit hindi ako uuwi, doon ko na nilabas ang hinanakit ko sa kanya. Ayoko sanang maging bastos sa kanila ni Daddy pero kailangan ko ring ipakitang nasaktan ako sa ginawa nila, lalo na sa ginawa ni Mommy. All along, siya pala ang may kasalanan.
It was her fault that Julie broke up with me.
Natural nagalit ako nang malaman ko yun. Kaya nung tumawag sila sa'kin para i-check kung anong oras akong uuwi sa bahay, hindi ko na napigilan ang galit ko. Sinabi kong hindi na ako uuwi sa bahay.
It was the reason that I am now in a bus heading to Makati. Alam kong pupuntahan ako nina Mommy at Daddy sa dati naming bahay sa Tagaytay since alam naman nilang nandoon ako for the weekend because of my gig for the Division Presscon. And to avoid them, I needed to go to another place. I needed to be far away from them.
My phone rang again and I paused because I saw that it was Florence calling. I instantly felt that familiar, terrible pain in my chest again when I saw her name registered on my phone. I was tempted to answer it again but I didn't. I turned it off instead.
I can't help thinking: bakit siya tumatawag? Alam na ba niya na masama ang loob ko sa parents ko? Did she knew what my mother did to Julie before?
Hindi yun imposible. Siguro pumunta kina Florence si Mommy at nagtanong tungkol sa whereabouts ko. Baka iniisip ni Mommy na kina Florence ako pupunta. My mother had good instincts, because I would have done that too, if it weren't for the things that made my relationship with Florence more complicated.
It was the hardest thing that I ever did. But I had no choice. Ayokong madamay pa rito si Florence. Ayoko na rin siyang masaktan.
But it was funny though that because of her, I discovered the truth. Pagkatapos lang kasi ng pageant na yun sa Division Presscon nila, pinuntahan ako ni Julie doon sa dati naming bahay. Kung paano niyang nahulaan na doon ako pupunta, hindi ko alam. Basta dumating siya na nakasimangot ang mukha sa akin.
Naabutan niya akong nanonood ng tv kaya humarang siya sa panonood ko. "What on earth were you thinking?" Bungad niyang halos sumigaw sa'kin. "Bakit ganun ang ginawa mo kay Florence? Alam mo bang nasaktan siya sa ginawa mo?"
I knew what she was talking about. It was my behavior towards Florence in that pageant. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayoko nang ma-guilty na naman as if I wasn't feeling the guilt already.
"Bakit hindi mo man lang binati si Florence? Nanalo siya! Nanalo ang girlfriend mo!"
"Julie, please 'wag ka nang makialam---"
"Wag akong makialam? Nakita ko kayang umiiyak si Florence! I'm sure it was because of you!" Mataas na ang boses ni Julie. And it was weird to see that my ex-girlfriend was worrying for my recent girlfriend, even if I knew that they somehow became friends.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...