34. FLORENCE

146 7 0
                                    

Ngayon alam ko na kung ano ang feeling kapag hindi mo alam ang isasagot sa isang statement na nangangailangan ng sagot. Hindi ako makapag-isip, parang nagkaroon pa nga ako ng brain freeze.

Pero kahit ganun, klarado naman sa pandinig ko yung sinabi ni Geoff. Naintindihan ko yun. Yun nga lang ang hirap i-digest.

"I'm sorry, Florence," aniya na garalgal na rin ang boses sa telepono. At ang weird ko lang, dahil kahit nakikipag-break na siya sa'kin ay iniisip ko pa rin siya, kung bakit siya umiiyak dahil umiiyak siya ngayon. Naririnig ko siya sa kabilang linya.

"Umiiyak ka Geoff," sabi ko sa kanya. Nanginginig na rin ang boses ko, dahil sumasakit na ang dibdib ko. Hindi kasi ako makapaniwalang nangyayari na naman ulit sa'kin 'to. "Ibig sabihin mahirap din para sa'yo itong ginagawa mo. Am I right?"

Hindi agad siya nakasagot. "I'm sorry."

"Geoff, mag-usap tayo please," pakiusap ko. "Mag-usap muna tayo nang face to face. Hindi ka pwedeng makipaghiwalay nang ganito---"

"Saka na ako magpapaliwanag," sabi niya naman. "Ang importante malaman mo na...na...na gusto ko munang makipaghiwalay..."

"Muna?" Puna kong galit na. "Ano'ng ibig sabihin nun? At teka, nakikipaghiwalay ka na pero hindi mo man lang sasabihin sa'kin kung ano'ng dahilan? May nagawa ba ako sa'yo?"

"Wala."

"Kung ganun, bakit Geoff? Bakit ka nakikipag-break? Alangan namang trip mo lang 'to? Tell me! Bakit mo ako hinihiwalayan?"

"Kasi...kasi naguguluhan ako sa feelings ko ngayon..."

Muntik na akong mapamura sa sagot niya. "Bakit?" Hindi naman siya sumagot. For one moment nga akala ko eh pinatay na niya yung telepono niya. Pero bigla kong narinig siyang huminga nang malalim.

I can't believe it. Si Geoff naguguluhan? Bakit? Dahil ba kay Julie? O baka naman nagseselos siya kay Ivan?

"You're freaking me out, Geoff," sabi ko sa kanyang umiiyak na. "Alam ko may matindi kang dahilan... Kilala kita. Hindi ka gagawa ng isang bagay nang padalos-dalos..."

"How can you be so sure?" Balik niya sa sinabi ko.

"Alam ko lang. Yung mga kinilos mo nga kanina dun sa pageant ang nagsasabi sa akin na may nangyayari sa'yo na hindi ko alam..."

"Yun nga yun. Yung naguguluhan pa pala ako sa feelings ko para sa'yo," mabilis na paliwanag niya.

"Grabe ka Geoff, hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko nagsisinungaling ka."

Again, hindi siya agad nakasagot. Hinintay ko siyang magsalita pa, na magpaliwanag, pero wala. Hindi na siya umimik. Nagpahid na ako ng mga luha ko.

"I'm hanging up, Florence," sabi na niya sa wakas. "Goodbye."

At pinutol na niya yung tawag niya bago pa ako makapagsalita ulit. In shock ako, siyempre. Napatulala ako sa cellphone ko. Hindi makapaniwalang nangyari nga yung pag-uusap namin ni Geoff sa telepono.

Kinakabahan ako. Feeling ko talaga may nangyaring isang bagay na hindi masabi ni Geoff sa'kin kaya wala siyang maibigay na matinong rason para makipaghiwalay sa'kin. Feeling ko hindi siya nagsasabi ng totoo.

Kaya kahit nasaktan ako dun sa sinabi niya, pinilit ko ang sarili kong maging hopeful, dahil ayoko talagang mawala si Geoff sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya at ayoko na ng iba. In fact nakikita ko na ang sarili kong kasama siyang tatanda in the future. Sabihin na ng iba na katangahan na lang pinaiiral ko dahil hinihiwalayan na nga ako, pero ayokong tanggapin na lang yun nang ganun na hindi ko man lang nalalaman ang buong kwento o ang totoong dahilan niya kung bakit niya ako hinihiwalayan.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon