Natatawa talaga ako. Hindi ko akalaing ganun na pala kalala si Florence. Amuyin ba naman ang tenga ko?
Kahit pa nakikiliti ako nun, pinilit kong magtulog-tulugan at sumandal ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun. Basta ang alam ko, masayang asarin si Florence. Asar na asar talaga kasi siya sa akin. Paano pa kaya kung totohanin ko 'yung sinabi ko sa kanyang aasarin ko siya habang buhay. That must be so fun.
Hindi na siya nagpakita sa'kin pagkatapos niyang magwalk-out sa classroom namin. Lagot nga siya eh, kasi hindi niya alam na may graded recitation kami next meeting. Naisip ko nga, ang tapang din pala ni Florence. Hindi man lang siya natakot dun sa teacher namin.
Hindi na rin binalikan ni Florence 'yung bag at gamit niya. Kinuha ko ang mga yun at dinala ko palabas ng room nang ma-dismiss na kami. Tapos nabuwisit naman ako kasi sinusundan na naman ako ni Felicity. Iwas na nga ako nang iwas kasi naiilang ako sa presence niya pero siya naman 'tong buntot nang buntot. Hindi ko rin ma-explain, pero naiirita ako sa kanya, hindi na lang ako nag-iingay. Siguro kasi medyo may pagka-domineering siya, at parang gagawin niya ang lahat makuha lang ang mga gusto niya. Ganun ang first impression ko sa kanya. And I hate that.
"Sandali lang naman Geoff, bakit ba kasi parang nagmamadali ka?" habol ni Felicity sa'kin. Naglalakad na ako papunta sa office ng School paper. Tiningnan ko na lang siya.
"May gagawin pa ako," palusot ko naman sa kanya. Ang totoo ay hahanapin ko si Florence para ibigay 'yung mga maiwan niyang gamit.
"Talaga?" Tanong niyang nangungulit pa. Tapos napansin niya 'yung mga hawak ko. "Kanino naman 'yang bag na dala mo?" nguso ni Felicity sa dala ko. Hindi na ako sumagot kasi nagmamadali ako, at baka umuwi na rin si Florence at hindi ko na siya maabutan.
"Geoff, alam mo ang sungit mo," sabi pa ni Felicity. "But I like you."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sanay akong marami ang nagsasabing crush nila ako pero ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganun ka-persistent.
"Sorry Felicity, but I'm going to tell you honestly, hindi kita gusto..." sagot ko. Isipin niya nang masama ako o walang puso pero hindi ko naman talaga siya gusto. Ang hirap sa ganito, 'pag babae ang nagco-confess ng feelings sa'yo, at kapag sinabi mong hindi mo sila gusto ay sasabihin nilang sinaktan mo daw sila. Parang wala ka ng karapatang piliin ang taong gusto mo.
Sumimangot lang si Felicity. "Okay lang. I don't expect you to fall in love with me that easily naman. Pero sanay akong nakukuha ko ang mga bagay na ginusto ko, Geoff Alejandre. So you better watch out," aniya sabay kindat. I almost shuddered.
Umalis na si Felicity at naiwan akong napa-face palm. Hanep din ang babaeng yun. Masyadong bilib sa sarili.
Samantala, nag-ikot-ikot na ako sa buong campus para hanapin si Florence pero hindi ko na siya nakita. Wala siya doon sa office ng school paper. Wala din siya sa cafeteria. Kung saan-saan na ako napunta sa paghahanap sa kanya.
Nagpahinga muna ako saglit, at naupo sa ilalim ng isang puno. Tapos bigla na lang umulan, kaya napatakbo ako papunta sa mga classrooms sa malapit. Lately, napapansin ko nang napapadalas na ang pag-ulan, kahit medyo mainit pa naman ang panahon.
Naagaw naman ang attensiyon ko sa isang classroom na maingay. Madilim na pero parang may tao pa sa room na 'yun.
Hindi ko alam kung bakit ko nilapitan 'yung room na yun pero naging interesado ako sa boses na naririnig ko mula doon. Ang sama kasi ng boses na naririnig ko at parang nakakatakot na siya. Siguro nakasinghot ng rugby ang kung sino mang kumakanta sa loob. O baka lasing.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...