Huling araw na ng practice para sa graduation namin at hindi ako mapakali. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko eh, pakiramdam ko may nanonood sa'kin sa bawat kilos ko. Pakiramdam ko ang daming nakatingin sa'kin, lalo na nang humiwalay ako sa karamihan nang magkaroon ng break. Dumiretso ako sa labas ng school upang doon magmeryenda, dahil ayokong makita kung gaano kasaya sina Imari at Theo ngayong hindi na nila ako kaibigan. Honestly, nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari sa amin.
Habang mag-isa akong kumakain ay nakatanggap ako ng isang tawag, na agad kong sinagot. "Hello? Sino 'to?"
"Florence, ako 'to."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya. Hindi pa rin kasi maalis sa utak ko 'yung huling beses kaming nag-usap, at mula nun hindi pa rin kami nagkakausap o nagkikita. Hindi rin naman ako masyadong nag-expect kahit pa mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Natuto na ako.
"Napatawag ka?"
"Pwede ba tayong magkita mamaya?"
Siyempre na-excite ako. Wala naman akong maisip na ibang dahilan para kitain niya ako di ba?
"Bakit?"
"May hihingin sana ako sa'yong favor. Kung okay lang?"
Kumunot na doon ang noo kong nagtataka. "Ano'ng favor naman?"
"Mamaya ko na sasabihin. Mas maganda kasi kung personal kong sasabihin sa'yo. Okay lang ba?"
Nagboses nairita ako kunwari. "May pabitin effect ka pang nalalaman. Na-curious na tuloy ako kaya hindi na kita matanggihan."
Napatawa siya dun. God, how I missed hearing that chuckle. "Sorry."
"Plinano mo 'to no?"
"Medyo. I just badly wanted to see you."
Kinilig ako dun, at nag-struggle pa akong pigilan ang sarili kong mapatili sa kilig. Hindi ko rin naman kasi ikinakaila sa sarili ko na may ini-expect akong ganitong mangyari ever since nung confrontation naming dalawa.
"Sige, magkita tayo after ng practice ko. Text na lang kita."
"Okay."
"Sige, bye."
"Florence."
"O, bakit?"
"I miss you. I missed us."
Namumula na ang pisngi ko, at nakalimutan ko na rin kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko dahil sa sinabi niya. "Geoff..."
"See you later."
Pinutol na niya 'yung tawag, at natulala pa ako dahil dun. Naging disoriented na rin ako hanggang sa makabalik ako sa practice. Natapilok pa ako nang mag-practice na ulit kaming magmartsa, kaya pinagtawanan pa ako ng ibang mga estudyante. May naramdaman akong mga kamay na umalalay sa'kin at ang unang inisip ko ay sina Imari at Theo ang tumulong sa'kin pero nagulantang ako nang makita kong si Felicity ang gumawa nun.
"Okay ka lang?" Pagalit niyang tanong sa'kin nang tulungan niya akong itayo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nakita ko sa gilid na nakatingin rin sa'min sina Imari at Theo na nakataas ang mga kilay.
"Okay lang. Mag-cr lang ako," sabi ko sabay walk out at naglakad na ako palabas ng gymnasium. Pero nawindang ako nang marinig ko pa rin ang boses ni Felicity, dahil sinundan niya pala ako.
"Samahan na kita sa cr..."
Dun na ako naalarma kaya hinarap ko na siya. Pareho kaming napatigil sa paglalakad. "Felicitas, bakit mo ako sinusundan? Don't tell me tomboy ka at type mo ako?"
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...