25. GEOFF

287 10 0
                                    

Parang sasabog na ang puso ko sa sinabi ni Florence. Grabe, Pasko na ba? Ang aga naman ata ng regalo para sa'kin ah.

"Of course iha. Pwedeng-pwede ka dito. Salamat sa pag-volunteer na samahan dito sina Geoff at Julie," tuwang-tuwa ring tugon ni Mommy kay Florence. Napangiti din si Daddy na nakatingin sa'kin at nahiya naman ako dun bigla. Para kasing nanunukso sa mga titig nila ang parents ko eh.

"Ay hindi pa naman po sure, Tita Debs," bawi ni Florence na pulang-pula na din ang mukha. "Hihingi pa ako ng permission sa parents ko."

"Oo nga pala. Well, shall I call them? Gusto mo bang ako ang humingi ng permiso para sayo?" Tanong pa ni Mommy kay Florence. Hindi naman halatang excited si Mommy sa naging suggestion ni Florence. Mas masaya pa nga siya kesa sa akin eh.

"Ay naku Tita Debs wag na po! Ako na lang po ang magpapaalam!" Sagot naman ni Florence. Sinusubukan kong hulihin yung tingin niya pero iniiwasan niya naman ako ng tingin. Napangiti tuloy ako dun.

Hay, ang kyot mo talaga, Florence. Bakit kasi ayaw mo pang maging girlfriend ko?

"It's settled then," sabi naman ni Dad saming lahat pagkaubos niya ng cake niya at juice. "Florence, kapag pinayagan ka ng parents mo, pwede kang dumito. Tutal after classes lang naman. Pwede mo ring isama ang Kuya Timothy mo rito. Mas mabuti ngang ikaw ang sumama dito kay Geoff dahil girlfriend ka naman niya. And Julie, iha. Ayos lang naman, hindi ba? You wouldn't mind Florence staying here?"

Tumango agad si Julie na kanina pa kami pinagmamasdan ni Florence. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa na nagtataka. "Of course Tito Rey. Ayos lang po sa'kin. Nakikitira lang naman po ako rito."

"Don't say it like that, Julie. You're our guest. Worried lang kami na hindi ka asikasuhin o pansinin man lang nitong si Geoff pag kayong dalawa lang," sagot ni Mommy at mas lalo akong nahiya doon. Talaga bang ganun ang tingin nila sa'kin? Bakit, akala ba nila nasasaktan pa rin ako sa presence ng ex ko? Well, naiilang siguro, pero nasasaktan--- hindi na siguro gaya ng dati. Tutal nagkausap na rin kami. At kahit magulo at hindi ko pa rin one hundred percent na naintindihan kung bakit niya ako iniwan, I think I already moved on from the pain.

Kaya nga good timing si Florence eh. Hindi ko na pala kailangan siyang pilitin na pumunta dito sa bahay in case kami na lang dalawa ni Julie dito. Magpri-prisinta naman pala siyang samahan ako dito. Kaya ngiti ako nang ngiti sa kanya, na hindi pinalagpas ni Daddy.

"Someone is very happy tonight."

"Oo nga eh."

"Dad?"

Natawa na lang ang mga magulang ko, kasama na si Ate Lani. Samantala, nagpaalam na si Julie na magpapahinga na daw siya sa taas kaya nagkaroon ulit kami ng oras ni Florence na kaming dalawa lang.

Tumulong siya kay Ate Lani sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin kaya nakitulong na rin ako.

"Aba, himala ah. Tumutulong si Geoff..." komento ni Ate Lani at ngumiti na lang ako. I was in a very good mood. Pakiramdam ko wala nang makasisira sa sayang nararamdaman ko ngayon. Lalo la at nginitian din ako ni Florence.

Tapos nagtungo kami sa sala at nanood ng tv. Iniwanan na kami ng parents ko. Lalo tuloy akong nahiya sa mga nanunukso nilang tingin. Hindi naman kasi ako sanay na ganito. I was always secretive.

"Oy, Geoff. Uuwi na ako maya-maya. May gusto lang akong sabihin sayo bago ako umalis."

Bahagya akong nalungkot dun. "Ano yun?"

Napakamot siya sa ilong niya. Namumula din ang mga tenga niya. Kinabahan tuloy ako sa sasabihin niya. Pero ang kyot niya talaga.

Argh. Wala ka na, Geoff! Baliw ka na!

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon