Vacant period namin ni Imari pagkatapos ng lunch namin kaya dumiretso ako ng library para dun magtambay. Hindi sumama si Imari kasi matutulog daw siya sa office ng Daily Enigma. Napuyat daw kasi siya kagabi kakapanuod ng Korean Series.
Pabor naman sa'kin yun kasi gusto ko rin munang matahimik kahit isang oras lang. Ang ingay kasing kasama ni Imari, promise. Kapag nagkwento na yun ay talaga namang non-stop na. Minsan nga ini-expect kong matatanggal na lang bigla itong mga eardrums ko.
Kailangan ko pa namang mag-research para sa report ko sa isa sa mga major subjects ko. Ako kasi yung tipo ng estudyante na imbes na tumambay sa labas at makipag-chikahan sa mga classmates ko, mas gusto ko pang magbasa na lang ng libro sa library. O kaya ay tumambay sa office habang nagdro-drawing.
Hindi naman ako nerd, pero certified bookworm ako. Hindi rin ako grade conscious, nasanay lang ako na maging masipag lalo na't napaka-istrikto sa'kin ng mga magulang ko ever since that incident happened.
Pumili na ako ng ilang libro na pagbabasehan ko ng report ko mula sa mga shelves at naupo na ako sa pinakadulong lamesa. Ako lang ang nakaupo sa bandang yun at pansin ko ring walang masyadong tao ngayon sa library.
Nagbabasa na ako ng libro ng maramdaman kong may umupo sa harap ko.Nag-angat ako ng ulo ko at tumambad sa'kin si Geoff. Tinitingnan na naman niya ako na parang sinusuri. Ito yung parang titig niya sa'kin dun sa kotse nila. Ako naman, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Eh kasi, of all places, bakit dito pa siya magpapakita sa'kin?
Ano naman ang ginagawa niya rito?
Hindi ko na natiis yung pagtitig niya nang husto kaya tinarayan ko na."May kailangan ka ba?"
Aba, ang taray ng mahal na prinsipe! Snob! Hindi ako pinapansin!
Nakatingin pa rin siya sa'kin na parang nang-aasar kaya tumayo na ako para lumipat na lang sa ibang table. Ang kaso, nung kinukuha ko na yung mga libro ko sa mesa, kinuha niya yung dalawang pinakamalapit sa kanya.
"Uy, akin na yan!" Sigaw-bulong ko.
Ngumiti siya. "Ang laki na naman ng mga mata mo," aniya sabay tawa nang bongga. What? Malaki ba talaga ang mga mata ko? Natulala muna ako ng ilang segundo bago nag-sink in sa'kin yung sinabi niya.
Siguro kung wala lang kami sa library, malamang hindi na ako nakapagpigil at nakatikim na sa'kin ng kambal na sapak 'tong isang 'to.
Inis na inis na talaga ako. So nagpunta siya dito sa library para sabihing malaki ang mga mata ko?And excuse me, hindi naman talaga malaki ang mga mata ko ah. OA lang 'tong Geoff na 'to at sadyang may santik sa ulo.
"Alam mo ikaw, trip na trip mo talaga akong asarin. Excuse me ha, di ako pumapatol sa ugok na tulad mo."
Natawa siya. "Totoo naman kasi. Lumalaki ang mga mata mo kapag nagugulat ka. It's cute."
Para akong nilamig dun sa sinabi niya. Cute? Cute ba ang may mga malalaking mata?
"Kinikilig ka na naman. Tsk. Tsk."
Muntik ko na siyang batuhin ng isa sa mga hiniram kong libro. "Akin na nga yang mga librong yan. Nagre-research ako dito. Kaya please 'wag kang magulo?"
"Right. Sorry." At ibinalik na niya sa'kin yung mga kinuha niyang libro. Nahawakan ko pa ang kamay niya nang iniabot niya sa'kin yung mga yun, at pareho pa kaming natigilan. Ang korni lang.
Sasabihan ko na sana siyang umalis na sa table ko at lumipat sa iba kaso nakita ko siyang biglang nagsuot nung malaking earphones niya at natulog bigla sa harapan ko. Nakasubsob ang ulo niya sa mga braso niya kaya yung buhok niya lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Ficção AdolescenteMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...