Sa wakas, may story na naman akong natapos. Lol. Finally, nairaos ko din itong mala-rollercoaster na story nina Florence at Geoff! Wooh! 👏🍺
Akala ko nung una, hindi ko na talaga ito matatapos. Halos sukuan ko na rin itong story na 'to eh. This one was a bit of challenge. Kaya kung umabot ka hanggang rito, salamat! Sobrang salamat!
Alam niyo guys sobrang special kasi sa'kin ng story na 'to. This is one of my earliest works, ang alam ko 15 or 16 lang ako nung nagsimula ko itong isulat sa mga scratch papers ko. Pinost ko naman ito sa Wattpad nung 2014, kasabayan ito ng Quiarrah, Star Boy, at Don't Forget. Lol.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ang tagal naman bago ko ito natapos. Bukod sa pagiging legendary ng katamaran ko, actually may co-writer ako sa story na 'to. Hindi talaga sa'kin ang unang idea nung story na 'to, kaya ang hirap nitong isulat nung umpisa. At nung ayaw nang tapusin ng co-writer ko yung plot nito, halos itapon ko na rin ito sa basurahan.
Pero everytime na naiisip ko na sayang naman, hindi ko magawang sukuan totally 'tong story na 'to. Naging attached na rin ako sa story nina Geoff at Florence at kahit na mag-isa na lang ako, pinagpatuloy ko na rin dahil feeling ko talaga magiging murderer ako kapag hindi ko sila isinulat. Haha.
Kaya nagsariling sikap ako. May point na iniba ko talaga yung story mula sa original plot, at binigyan ko ng bagong kwento. Kung mapapansin niyo, sa unang parts ay parang ang sobrang jeje naman at parang walang patutunguhan yung story--- dahil yun sa sinulat ko yun nung nagsisimula pa lang ako dito sa Wattpad. Bagito pa, kumbaga. Kaya lahat na yata ng cliche narito sa story na ito.
Pero hindi ko talaga mabitawan ang story nito. May personal value kasi siya sa akin at ito yung first time na nag-improvise ako sa isang story. Mahirap, pero kinaya dahil gusto ko.
Para sakin ang essence ng story na ito ay ang hindi pagsuko; tulad ni Geoff na hindi sumuko kay Florence. Tulad ni Florence na hindi sumuko sa buhay kahit na maraming beses siyang nadapa. At tulad ko na iniwan ng co-writer nito sa ere na hindi tapos yung story pero pinagpatuloy ko ito. HAHAHA.
Basta, para sa'kin isang simbolo ng pag-asa ang story na ito dahil, well, kinaya ko itong tapusin kahit sinasabi na ng utak ko na wag ko na 'tong tapusin. Hindi ko ito sinukuan.
Kaya kung may moral lesson man akong gustong ma-impart sa readers nito, guys, kung may gusto kayong isang bagay, please, please wag niyo agad sukuan. Kahit ano pa yan.
O kung feeling mo di mo kaya, huminga ka muna. Pause. And then bumalik ka. Baka naman kailangan mo lang ng pahinga. Hindi bawal ang mag-stop over. Kung gusto mo, gugustuhin mo. Pero pwedeng gustuhin mo nang paunti-unti. Yun 'yung lesson kina Geoff at Florence.
And please kung sa tingin niyo may kakilala kayong feeling niyo eh may depression, please, understand them with all your heart. Actually bago pa man tayo naging aware sa depression dahil sa social media, part na ito ng plot ng story na ito na magkaroon ng depression ang isa sa mga characters para naman may maipakita itong isang issue sa lipunan.
At first si Geoff ang original na dapat magkakaroon ng depression, pero binago ko yun dahil hindi ko lang mai-connect yun sa bigger plot pa ng story. Siguro kung si Geoff yung nagka-depression baka umabot pa to ng 60+ chapters. Kaso hindi ko na yata kaya yun. Hahaha.
May reason din kung bakit naka-bold letters ang mga convo sa story nato. Along with Dont Forget, Star Boy, Thirteen Ways of Meeting Him, and Loving You Was Red, I call these stories as THE BOLD ONES dahil sinulat ko ito na naka-highlight ang mga convos dito. Kapag nag-edit kasi ako dito, main focus ko ang convos at madali ko yung makita kapag naka-bold sila. Hindi ko na binago dahil nasanay na ako, although alam kong marami ang hindi ipinagpatuloy ang pagbabasa nito dahil masakit daw sa mata yung bold letters. Sorry naman. Haha. Ang masasabi ko lang, naging style ko na rin siya. Maybe a trademark too. Gustong-gusto ko kasing part ng pagsusulat ang pagsusulat ng mga convos. Sometimes I reread my stories at dun lang ako nagbabasa sa convos, kaya ganun. Pero worry no more, dahil ito na ang huling THE BOLD ONE. All my future works will be normal, dahil hindi na ako rito nag-edit sa Wattpad mismo.
Again, guys, kung napadpad ka man sa story na ito at pinagtiyagaan mo ang matatagal na updates, thank you talaga nang marami! Pasensiya na kung maraming typo, grammatical error, at plot holes, aayusin ko naman sila soon. Hindi ko lang talaga forte ang magsulat nang malinis agad. Minsan matagal bago ko nakikita ang mga mali ko. At tsaka nga mas mahalaga naman para sa'kin kung ano'ng laman ng sinusulat ko. Ganun naman dapat di ba? O sadyang weird lang ako?
@jepoylee
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...