Florence
Umuulan nun noong muli kaming magkita. Kababata ko kasi siya, pero umalis sila noon ng pamilya niya. At ngayon, nagbalik na pala sila.
Nakakahiya nga yung pagkikita namin ulit eh. Basang-basa ako at nakisakay pa 'ko sa kotse nila. Suplado pa siya nun at wala pa akong pake sa kanya.
Pero ngayon, ang dami nang nangyari. Naging malaking parte na siya ng buhay ko. Siya yung taong tumulong na makalimutan ko yung sakit na iniwan ng ex ko. Siya yung pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon.
At parati na lang umuulan pag magkasama kami. Naaalala ko pa, sabi niya noon yung moment na nalaman niyang gusto niya 'ko--- katulad daw nung feeling kapag bigla na lang umuulan. Hindi mo napaghandaan. Hindi mo napigilan. Ang choice mo lang, tumakbo at sumilong o magpabasa sa ulan at i-enjoy na lang yun. Parang ganun. Yun yung pinaka-romantic na bagay na narinig ko. Kaya naman kapag umuulan, siya ang unang naiisip ko.
Tulad ngayon. Malakas ang ulan. Basang-basa na naman ako dahil wala akong payong na dala. Sa aming dalawa kasi siya ang laging may dala nun. Susunduin niya ko bitbit ang kulay yellow na payong niya at yayakapin. Feeling ko nun kahit bumagyo pa o magdelubyo okay lang, dahil andiyan siya na magliligtas sa'kin.
Pero iba na nga pala ngayon. Sa t'wing uulan nang ganito, hindi na pala ako dapat maghintay. Hindi na pala ako dapat umasang may taong susundo sa'kin. Wala nang magtityagang puntahan ako kung nasaan man ako. Wala na akong choice kundi sumilong at umiyak at magtanong sa ulan.
Nasaan ka na ba, Geoff?
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...